Chapter 2

66 1 0
                                    

Nandito kami ngayon magkakasama sa back row para daw makita namin lahat ng mga kaklase namin sabeh ni Jane. Tama nga naman at ng makilatis na rin ang mga pagmumukha netong mga kaklase ko. Marami ng nagsisipasukang mga estudyante at kasabay nun ang pagpasok ng aming teacher. Mukhang strikta tong isang tao, halatang bata pa at nasa late 20's palang, pang model rin ang postura at hindi maipagkakailang maganda talaga sya! Napansin ko ring ahit yung kilay nya at dinrowingan lang iyon ng eyeliner.Sana magung mabait sya sa amin. Maam please be good to me :)

Sana maging maganda ang buhay kolehiyo ko. Sana walang mangyaring masama at sana makagraduate ako ng matino't walang record na hindi kaaya-aya sa mata.Nasa kalagitnaan ako nang pagmumuni-muni ko ng may biglang tumabi sakeng lalaking humahangos at paraang nakakita ng multo at dali daling umupo. Di ko naman ito pinansin at madadagdagan lang ang pagkayamot ko sa araw na ito, nagsimula umpisa palang ng araw ko. Nang may bigla nalang nag-abot sa akin ng 1/2 index card at agad kong tinignan kung sino yung nagbigay.

"Ki aga aga tulala ka kagad dyan! Kumain ka ba ng agahan??" pang-uusisa ni Wardy sa akin.

"Teka para san ba to't binibigyan mo ko ng papel!??" medyo inis ko pang taning. Panira naman kasi eh nagmomoment nga ako eh!

"Gaga! Di ka kasi nakikinig eh! Isulat mo daw yung pangalan mo sabeh ni Ms. Makatarungan at yung kinukuhang course tapos ipapasa daw! Porket may katabi kalang na gwapo pinagpapantasyahan mo na! Easy gurl!! Mahaba pa ang taon ahahahaha." at dun ko nalaman kung para saan yung hinayupak na papel. Teka gwapo daw katabi ko?? Oo nga pala yung nangbunggo saken kanina, and because of my curiosity i take a glance to see if tama ung pinagsasabai netong baklang toh.

"OMG!!! O_O" bulong ko sa sarili.

" Why may problema ba??? " sita nya sa akin na di ko mapigilang wag makipag eye-to-eye contact with him.

"Did i say it loud??" tanong ko sa aking sarili. "Wala naman. hehehehe Nice meeting you" ngiti sabay baling sa isa ko pang katabing si Wardy.

"Ooouch!! Bakit ka ba nang hahampas?? Why? kinikilig ka noh?? So where's my thank you? Hmmp cge na cge na! Your Welcome " at ang lapad ng pagkakangiti nya kaya binigyan ko ulit sya ng isa pang medyo malakas na hampas.

" Langya ka! Ang sabi mo gwapo eh! Umasa ako friend! Ayos lang ba talaga yung mata mo??" tanong ko sa kanya na talagang ikinagulat pa nya.

" Sorry, hindi ka ba marunong tumingin ng pogi?? tsk tsk tsk. Wait, Are we referring the same guy here? Sorry sa pagkakasabi ko kanina na katabi mo, let me correct myself, the one next to your seatmate pala. hihihi my fault :))" at dali dali ko na namang nilingon at nakatingin rin pala sya rito.

" OMG!!! whoooo.." pagtakip ko sa bibig ko't pagpigil ko ng tiling malakas para walang makarinig dito. " Shet girl nakita ko na! Totoo nga! He is demi-god raaawwwrrr!!" habang kinukurot kurot sa braso si Wardy.

" Baklang to! Ang sakit na ng mga kurot mo huh! Magsulat ka muna kaya at kanina pa mukhang masama ang timpla ni Ms. Makatarungan dahil ang babagal daw natin magsulat! Bilisan mo na." nagsulat agad ako ng mga kailangang informations at binigay agad ito kay Wardy at sabay simpleng nakaw tingin sa lalaking bukod na pinagpala sa lahat. At ikinagulat ko na nakatingin rin pala sya sa pwesto ko kaya inalis ko agad yung tingin ko sa kanya at nakinig na sa nagsisimulang magsalitang teacher namin para sa mga rules and regulations sa subject nya.

Ganoon lang din ang nangyari sa dalawa pang sumunod na subjects namin. Ipapasulat yung pangalan sa papel ipapapasa at magsisimulang magdiscuss sa mga rules nya. At mukha namang mababait ang mga magiging professors namin dito. At nagbell na meaning break time na!!! Umalis agad yung dalawa na parang mauubusan ng paninda sa canteen kaya inayos ko lang nang mabilisan ang mga gamit ko, nilapag sa lamesa at hinabol ang dalawa.

Using you, Using me (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon