Ewan ko ba kung bakit ganto yung nararamdaman ko. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan. Nature na ba talaga ng isang gay na mainlove sa lalaki. I mean, is there still some gays out there who never loved a man?? Parang wala pa akong nakikilalang ganon eh. Kakabit na nga ba talaga ng pagiging bakla ang mainlove sa lalaki, mabilisan man o kahit umabot na ng dekada. Pero diba ang love naman is by choice. You are the one who will be choosing if you want to be in love or not. Naniniwala ako dun, ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo, para sa puso mo. At ang desisyon ko magpapakalalaki ako. Mali tong nararamdaman ko kay King. Masyadong mabilis. Masasaktan lang ako, parang dati lang. Hanggat usok pa lang kailangan ng patayin bago magliyab at tuluyang maging apoy.
**************
Nandito kami ngayon nila Wardy and Jane sa isang bench dito quadrangle. Mamaya pa kasi yung una naming subject at maaga lang kaming pumasok dahil itong si Jane may gustong huntinging lalaki. Ewan ko ba dito sa babaeng to! Maganda, matalino, madaming manliligaw, campus chick, pero patagong tingin ng tingin sa isa sa mga kilala sa campus. Hindi dahil gwapo sya at hot sya. Kundi dahil nerd sya. Almost the whole campus considered him as a dork. Alien. Weirdo. Freak.Yan si Hiro. Pero kahit ganun yan, crush na crush ni Jane yan!! Ang love nga naman...
Busy kaming tatlo sa mga kwentuhang walang kakwenta-kwenta yung mga pampalipas oras lang ng dumating na naman ang mga totoong sikat sa campus. Ang mga walang kinakatakutan at pinakasiga sa university. Yung BUFrat. Wait!?? Papunta sila samin. I feel something bad will happen.
"Ehem!!!" kunwaring ubo ng leader nila. Pamilyar na yung mukha neto sakin eh!! Nakalimutan ko lang yung name netong maangas na gwapong mayabang na to eh!
"Naka-isang linggo na hindi nyo parin alam dapat nyong kinalalagyan mga bata..." dugtong pa ng depungal na to.
"Kayo na naman!?? Inaano ba namin kayo huh!?" sagot agad ni Wardy sa mga ito pero bakas sa mga mata nya yung takot.
"Hindi ka parin ba natuto nung una mong tikim neto bakla huh?" pagsingit naman nung isang kulugo na katabi nung parang leader nila. Teka ano ba yung sinasabi neto kay Wardy? Nagkita na ba tong mga toh!? Ako alam ko sila yung na-encounter ko nung first day pero di ko lang talaga maalala yung names nila. Che! I have no plan to remember it anyway.
"Pwede ba? Hindi naman namin kayo inaano dyan huh!? Nakaupo lang kami dito tapos bigla ka dyang uubo tapos mag-aangas kayo!! Mga adik ba kayo?" pagmamaldita parin ni Wardy. That's why i love him. Pag alam nyang wala naman syang ginagawang mali, go lang. He will fight what he thinks right.
"Tara na nga girls!!! Tayo ang nakakintindi, tayo na ang lumayo..." dagdag pa ni Wardy.
"Teka teka teka.. ehh bastos ka pala talagang bakla ka eh! Wag kang tatalikod hanggat kinakausap ka pa namin kayo." Sagot nung isa. At binigyan agad ng isa malakas na suntok sa sikmura si Wardy.
"Wala naman kaming ginagawa sa inyo bat ba kayo ganyan huh!??? Inaano ba kayo!??" lintanya ni Jane at agad tinulak yung lalaking sumapak kay Wardy. Syempre babae si Jane kaya hindi nila ginagantihan.
"Kayo wala pero itong kasama nyo meron." this time yung parang leader na nila yung nagsalita. Sa akin sya nakatingin. Ano!??? Wala naman akong ginagawa sa kanila.!! Hindi parin ba sya nakakamoved-on nung first day?? Ang babaw nya huh!
"Wala naman akong ginagawa huh?" sabi ko sa kanya at tinaasan ko pa ito ng kilay. Shett!! Bat ko ba ginawa yun? Parang lalo lang syang na-trigger na mag-rage dito.. Wrong move Nathan!!!
"Oo nga naman wala kang ginagawa.." lumapit sa akin at aktong sasapakin nya ako ng may magsumalig ng sapak nya. Napigilan yung suntok sa pamamagitan ng pagsalo lang sa kamay nung susuntok dapat sakin.

BINABASA MO ANG
Using you, Using me (boyxboy)
FanficPaano kung ang unang plano mo lang talaga ay gamitin sya dahil nasaktan ka nung unang beses kang magmahal. Ang makapaghiganti ang pumapangibabaw sa puso mo, pero pano kung magback-fire lahat ng ginawa mo? Paano kung ma-fall ka ng dahil sa mga ginawa...