Chapter 6

97 1 0
                                    

Hayyy!! Ang hirap ng buhay college. Madami nang nagsasabi sa akin na maku-culture shock ka daw talaga pag tungtong mo sa school na papasukan mo. Maraming bagong mukha, teachers, rules and regulations, pati syempre mga ugali ng mga taong makakasalamuha mo. Sobrang laki ng ipinagkaiba ng high school sa college. Sa high school pwede kang matulog habang nagkaklase pero paggising mo at di mo naintindihan yung lesson pwede mong ipaulit sa teacher mo, sa college kung naituro na, most of the professors, wala ng pakielam kung nakinig ka ba at may natutunan or nakinig ka nga pero lumabas lang din naman sa kabila mong tenga. No one cares about you but yourself. Walang teachers na maghahabol sayo pag may kulang kang requirements. Hindi ka nila hahabulin para maipasa mo ng on-time yung mga projects na pinapagawa nila. At sabi ng marami mahirap makahanap ng kaibigan sa college. Kaibigan that'll be there when you need them most. Yung hindi lang sa sarap mo makakasama, yung bindi lang sa kalokohan, yung pwede mong share-han ng mga problema mo and I'm glad that i found two of them. First day palang nakita ko na tong Wardy and Jane na to.

Ang bilis nga naman ng panahon nakaka-isang linggo na pala ako dito sa Anonymous University. So far doing great. Wala naman akong nae-encouter na masama at kakaiba. Kakaiba?? wait... Can I include there yung mga nakakatanggap ako ng letters sa bag ko?? This past few days kasi ang daming letters na nandun sa bag ko eh!

Smile, it's free therapy :)

You make my day brighter. Smile for me cutie :)

Don't let small problems erase the smile on your lips. Don't bother them.

Smile. Smile. Smile. It helps a lot. :)))

Puro about smile yung letters na natatanggap ko, alam kaya nya na may bumabagabag saken araw-araw? Bakit kaya nya ako binibigyan ng ganito? Chaka sino ba tong taong to?? Imposible namang si Wardy dahil kay Arturo lang naman naka-atensyon mata nun eh. Kindatan lang ng damuho yung isa makapagbibigti na yang si Wardy sa kilig. So hindi! Si Jane kaya? Hindi pa naman kami masyadong nag-uusap neto eh, chaka eto yung babaeng walang kasweet-sweet sa katawan. Chaka hindi sweet samen yan ni Wardy. So no no din sya. Eh wala naman na akong kilala dito at kaclose bukod sa dalawang to eh. Waiitt?? Hindi kaya.... Si mommy??? kase syempre nakikita nya sigurong malimit akong tulala kaya binibigyan nya ako ng mga ganitong letters. Tama! Si mommy nga yung sender nung mga letters ko. hang sweeet!!

Habang naghahalungkat ako ng bag ko meron na namang same paper na pinagsusulatan ng mga quotes. At ang nakasulat ngayon ay.... *insert drum rolls here*

Nanalo ka ng 50 pesos load, para makuha itext ang 2534. Sulat pero yung letter pang text? Syempre joke! ahahhahahaha eto na talaga yung nakasulat.

So many things I wish you knew...

Si mommy bat ganto naman yung sulat nya ngayon? Kinakabahan ako.. Ano naman ba yung dapat sana eh malaman ko. HINDI KAYA AMPON AKO??? Naiiyak na ako ngayon. Seryoso ako!! Iiyak ako dito!!!

"Goodmorning Nathan!" bati saken netong alupihan na to. Sino pa ba edi si King!! Isa pa to eh! Ang weird ng mga pinagkikikilos netong mga nakaraang araw. Parang may iba sa kanya, yung parang may tinatago ganon. Minsan pa nga nagulat ako bakit ang sweet nya saken. Di naman sa pag-aassume pero iba yung dating saken nun.

FLASHBACK :

NSTP namin ngayon. Ibig sabihin nandito kami sa school grounds at nagwawalis. Puro ganto daw ang ipapagawa samen netong teacher namin dito sa subject nya hanggang sa makagraduate daw kame. Ano to??? Sunugan-balat. Padamihan ng kalat tapos kung sino pinaka madaming nawalis syang cum laude ??? Edi yun na nga, nagpahinga muna ako sa isang tabi at nagpupunas ng pawis ko, sino ba namang hindi pagpapawisan diba? chaka wala namang sinabing bawal magpahinga kahit saglit lang diba? Feel na feel ko yung pagpupunas ko ng may mag-abot ng tubig saken.

Using you, Using me (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon