Nagising na lang ako dahil sa sobrang lakas ng tunog na naririnig ko sa labas ng kwarto at alam ko na kung saan nanggagaling yung tunog na yun.
"Mama ke aga-aga naman!! Pwde bang itigil mo yang rakrakan mong trip." bati ko sa kanya na ngayon ay naglilinis ng sala.
"GOODMORNING BABY GURL! gising na ka pala bigla bigla ka dyang susulpot! Kumain ka na ng agahan mo at baka malate ka!" at balik ulit sa paglilinis na may pasayaw sayaw pa. Rakista pala sya hahahaha ngayon ko lang nalaman.
Nasa harap na ako ng lamesa at parang ganadong-ganado ako na hindi ko alam. Yung ang bilis lahat ng kilos ko. Hindi ko alam dahil hindi naman ako ganito dati dahil kahit kailan hindi ako naexcite pumasok. Pero parang iba lahat ngayon. Feeling ko may mangyayaring maganda ngayong araw nato. At natapos ko na nga ang pagkain ko at nilagay yung mga pinagkainan sa lababo at dali daling pumunta sa cr para maligo. Wala pang kinse minutos ay natapos ko na ang lahat ng dapat kong gawin sa katawan, nagbihis at nagpaalam na kay mommy at lumarga na ako papunta university namin.
Mabilis din ang naging biyahe ko at nanibago dahil pag mga gantong oras ay dapat masyado ng traffic sa kalsada. Nakarating na nga ako sa Anonymous University at naglakad na ako, ng nasa gitna ako ng quadrangle at papunta na akong building namin ng may bumangga sa akin pero ang bilis ng takbo nya kaya di ko naaninagan yung mukha nya at hindi ko nalang pinansin. Maya-maya may nagtakip naman ng mga mata ko
"Goodmorning sunget!" bati nya sakin nang may maligalig na boses. Malalim, lalaking lalaki, pero ang sexy. Wala pa naman akong kilala dito sa universiting lalaki kundi si Wardy pero bakla yung boses nun at hindi gantong kalalaki.
"Sino ka ba?? Bitiwan mo nga yung mga mata ko. Umagang umaga wag mong sirain yung araw ko!" mataray kong pahayag sa kanya.
"Ayaw!" parang bata yung boses nya ngayon. At dahil ayaw nya paring bitiwan ay tinadyakan ko ng buong lakas yung paa nya dahilan para maalis yung kamay nyo at napatuko sya.
"Bat mo naman ginawa yun sunget!" nakayuko parin nyang sabi habang hinahawak-hawakan yung paa nya.Mukhang nasaktan talaga sa ginawa ko eh kasalanan naman kasi nya yun eh.
"Ang epal mo kasi may patakip takii-" hindi ko na nabuo yung mga sasabihin ko dahil inianggat nya yung mukha nya at nakita ko kung sino yung lalaking nagtakip ng mga mata ko.
"IKAW???" tanong ko sa kanya.
"Oo sunget! May problema ba?" sabay tayo nya at ang tangkad pala nya. Hanggang balikat nya lang ako.
"Ano bang kailangan mo sa akin ay may patakip-takip ka pa ng mata! Dyan ka na nga!" iniwan ko sya't naglakad na ng mabilis. Buti na lang at madami-dami ring tao. Medyo malayo-layo na rin yung nilalakad ko ng may umakbay sa braso ko.
"Ang bilis mo palang maglakad. Ang hirap mong habulin, wait lang pahinga muna tayo." medyo hingal-hingal nyang sabi sa akin.
"Ano ba kasing gusto ko at chaka wala namang nagsabi sayo na habulin mo ko huh!?" pagtataray ko sa kanya.Nagulat ako sa sumunod na ginawa nya, hinatak nya yung kamay ko dahilan para mapalapit ako sa katawan nya.
"Gusto ko lang naman makisabay sayu pumasok. Sunget mo talaga!" nakangiti nyang sabi sa akin na nagpalabas ng dimples nya.Shet na malagkit. Those smiles are killing me. Hindi ko maipagkakaila na talagang gwapo sya lalo na ngayong nakangiti sya. Yung parang ngumiti lang sya kanya na nyang makabuntis yung mga ganernn.
"Hindi ako sasabaa-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla na naman nya akong hatakin dahilan para mapasama ako sa kanya. Ang laki laki naman kasi ng katawan netong lalaking to kaya hindi ako makapalag. Takbo kami ng takbo pero hindi ko maiiwasang makita ang mga reaction ng mga nakapaligid sa amin, yung iba sobrang taas ng kilay , mayroong ding nanlilisik yung mga mata, yung iba naman wala lang. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng classroom namin pero kahit ang haba ng tinakbo namin parang hindi ako napagod. Parang ang saya pa nung feeling Ang weird.
" Nandito na tayo" nakangiti nyang sabi sa akin at pinagbuksan pa ako ng pinto.
At dahil wala ako sa ulirat ay ngumiti ako sa kanya't tumango na lang at pumasok ng nakangiti. Hindi ko pa man nararating yung upuan ko may humatak na naman sa akin papalabas ng classroom.What the hell is wrong with you people? Bat ang hilig nyong manghatak!
"Hoong landee!! Umagang-umaga!" si Wardy pala yung humatak.
"Ano yang pinagsasasabi mo?? Chaka bakit ka pa nanghahatak?" tanong ko sa kanya.
"Kunwari ka pa! Bakit mo kasama si King?Umamin ka ngang bakla ka!" nakangisi nyang tanong saken.
"Wag ka ngang maingay jan baka may makarinig na bakla rin ako, chaka sino ba yang king na pinagsasabi mo?" dahil wala talaga akong king na kilala. Sino ba yun!? Gwapo ba yun! hohohoho ang landee
"Gaga! Si king! Yung kasama mo kanina! Yung nagbukas pa ng pinto para sa yo! Teh di kita kaya ang haba ng hair mo" sabi nya na may pahawak-hawak pa ng buhok ko. At ngayon ko lang naalala na hindi ko pa nga pala natatanong yung pangalan nya mula kahapon. King pala :)))
"Ahhh oo. Wala yun. Nagkita lang kami kanina sa corridor kaya nagkasabay kami" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Ok sabi mo eh!" sarkatisko nyang sabi at may halong pagdududa sa boses nya.
"Sige na! Punta lang akong cr naiihi na kasi ako eh! Pumasok ka na dun bakla" sabi ko naman sa kanya.
Nang papunta na akong cr ay may hinayupak na namang nambunggo sakin. Oo alam kong ako bida dito sa kwentong to pero bakit puro ka brutalan yung nangyayari. Author ayusin mo naman! Ang bilis nang takbo nung nambunggo parang hinahabol at hindi man lang nagsorry! Pero parang nakita ko na sya. Parang sya rin yung nambunggo sakin kanina. Or baka namamalikta lang ako siguro iiihi ko nalang to.
Someone's POV:
Ang cute nya pag naiinis. Sana di nya ako mamukhaan. Atleast nagkadikit kami kanina buti nalang mabilis ako tumakbo. Ang saya saya naman ng araw ko sana makita nya rin yung sulat ko sa bag nya. Hayy ano kaya magiging action nya pag nabasa nya yun. Sana kinikigin sya:)) tama. na nga tong pag-iilusyon ko ni hindi pa nga nya ako kilala eh. Hayaan mo makikilala mo rin ako pagdating ng panahon. Makikilala mo rin ang lalaking magpapakilig sayo. Ang lalaking magmamahal sayo ng totoo Nathan.
BINABASA MO ANG
Using you, Using me (boyxboy)
Fiksi PenggemarPaano kung ang unang plano mo lang talaga ay gamitin sya dahil nasaktan ka nung unang beses kang magmahal. Ang makapaghiganti ang pumapangibabaw sa puso mo, pero pano kung magback-fire lahat ng ginawa mo? Paano kung ma-fall ka ng dahil sa mga ginawa...