Chapter 4

51 2 0
                                    

Nag-aayos na ako ng gamit dahil lunch break na namin nang biglang tumabi si King sa akin ngunit hindi sapat iyon para ibaling ko yung paningin ko sa kanya. (Syempre pakipot lola nyo!!!) Pero naghihintay akong magsalita sya pero wala paring imik akay tinignan ko nalang sya at nakita kong nakangiti ng ubod ng lapad at biglang umalis. Nang ilalagay ko na ang huling libro ko sa bag ko ay may isang papel akong nakita sa loob ng bag ko na alam ko namang hindi ako naglagay.

"Hayy ang cute mo talaga!!:))) Thank you for always making my day;)" sabi dun sa sulat sa papel. Sino namang depungal ang maglalagay neto sa bag ko. Baka si King kaya kanina parang hindi sya mapakali tapos nakangiti sakin tapos bigla nalang tumakbo!!! Kyaaaaaaa!!! Kinikilig ako!! Hindi! Wag kang magpapadala. Lalaki sya, masama, manloloko, pare-pareho lang yang mga yan.

Nagmadali na akong pumunta sa canteen at mabilis ko namang nakita yung dalawa na kahit kailan ay palaging nagmamadali everytime na break na. Kala mo mauubusan ng tinda dito. Kalalapag ko palang ng tray kasama ang binili kong mga pagkain ng magsitili ang bakla! Napatingin tuloy lahat ng mga taong nandito.

" Ano ba wardy?? Ba't bigla bigla ka nalang tumitili jan?" tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.

"Oo nga at kelan ka pa naging attention seeker?" dugtong naman ni Jane na bakas ang pagkainis dahil sa amin natingin lahat.

"Ehhh kashiiii!! HANUBEYEN!! Nakakaasar!!!" malanding tono nya na ngiting-ngiti parin hanggang ngayon.

"Ano ba kasi yun? Sinira mo yung moment ko dito habang kumakain tapos hindi ka magsasalita?" na nga yon kinuwleyuhan ni Jane.

"Si Arturo kasi kinindatan ako ehhh!!! Kyaaaaaaa!!" pinasakan ng panyo ni Jane yung bunganga ng matahimik at ng hindi na naman makakuha ng atensyon. Crush na crush kasi talaga ni Wardy tong si Arturo kasi di mo rin naman mapagkakaila na cute ito. Tahimik na kaming kumakain ng sumigaw na naman si Wardy.

"Ano na naman ginawa ni Arturo?" tanong ko na napapailing-iling pa ako.

"Hindi si Arturo, si King and i think he is going to our place!" nakangiti parin si Wardy sa kawalan. Si Jane naman pasimpleng landi. At dahil nakatalikod ako kung nasaan man nanggaling si King kaya tumalikod ako para makita kung sya nga talaga.Pero huli na ng makatalikod ako ay may nagtakip na naman ng mata ko at alam ko na kung sino yun.

"Hoy! Ano ba!? BItiwan mo nga ako!!!" at agad din nya akong binitawan na nakangiti.

"Hi sunget!" bati nya sakin. Magsasalita na sana ako ng bigla rin sya magsalita."Hey girls, would you mind if i join you?" tanong nya sa kanila.

"No, not at all!" sagot naman ni Jane na ngayon ay nangingislap ang mga mata. At ako naiwan ditong nakatayo dahil inoccupy ni King yung upuan ko. So ano yun? Wala lang ako dito? Nagkukwentuhan na sila at wala man lang makapansin na hindi parin ako nakaupo. Bwiset na King to! Kukunin ko na yung pagkain ko para sa room nalang kumain dahil wala na talaga akong makitang mga upuan dahil ang dami ng studyante ngayon.

"Ohh?? San ka pupunta? Bakit mo kinukuha yung mga pagkain mo??" tanong ni Wardy at sa wakas napansin din nila ako.

" Sa room nalang ako kakain may bwiset kasing umagaw ng upuan ko,chaka nawalan na ako ng gana!" at ibinaling ko yung paningin ko sa unggoy.

"Wala lang upuan aalis na? Problema ba yun? Edi sa lap ko nalang kita umupo don't worry i will not think na gusto mo, kunwari napilitan ka lang! Dali!" patapik-tapik pa sa lap nya bilang pangsenyas na dun ako umupo. Dahil sa inis ko kinuha ko na ng tuluyan yung mga pagkain ko at hinampas ng malakas si King at dali daling tumakbo.

Nang mapansin kong medyo malayo na ako sa canteen ay kinain ko na yung pagkain kong binili kanina sa canteen dahil gutom na gutom na rin ako.At nakakatatlong kagat palang ako ng may bumangga na naman sa akin. Ano ba!?? Naiirita na ako huh

"Pwede ba mag-ingat! May mga tao kasing nadadamay eh!" inis kong sabi sa kanya. Bwiset hindi ba nya alam na hindi pako masyadong nakakakain!? Gutom na gutom pa ako!!

"Sorry! Hindi ko sinasadya! Nagmamadali lang kasi ako! Ohh eto nalang yung sandwich ko. Sayo nalang para hindi ka magalit!" sabay abot nya sakin nung pagkain nya. Syempre pakipot muna ako baka sabihin nya patay gutom ako noh! First impression lasts pa naman.

"Hindi na! Baka magka-ulcer ka pa tapos pagnagkita tayo sakin mo pa masisi yan! Sige na! Ok na" sabeh ko. Pero nagpapapilit lang talaga ako!. hahahahha

"Hindi hindi!! sige na ok lang na magka-ulcer ako basta wag lang ikaw ang magutom!" nakangiti nyang sabe. Weird man di ko na pinansin at inabot nya sakin yung sandwich! Tapos ang tagal ng hawak nya sa kamay ko! Ano ba!? Kung ayaw mo talagang ibigay di kita pipilitin! Nakahalata ang loko at biglang tumakbo!. Weird talaga sya pero wala akong paki dahil gutom ako.

Mabilis na natapos ang isang araw pero hindi ko parin pinapansin yung bwiset.Paano ba naman kasi nakakabwiset yung bigla ka nalang pagtitripan, tapos yung joke pa medyo green. Syempre kahit naman gay ako i want and need some respect. Hindi porket kabiruan ko hindi na ako masasaktan, pero on the contrary bet ko rin naman yung joke pero syempre hindi naman ako easy-to-get noh!!

Magkakasama na nga kami ngayon ng dalawa kong kaibigan. Si Wardy and Jane, di naman ako nagalit sa kanila, tampo siguro meron kasi ba naman nakakita lang ng gwapo hindi na ako pinansin. Yes i admit, nagagwapuhan na ako sa kanya. Yeah he's the man that every girl wants to marry. Pero di ko pa sya masyadong kilala noh!?? Ayoko muna at chaka lalaki na ako noh!.

"Friend ganyan ka ba!? Kung hindi samin sabihin ni King na nanliligaw na sya sayo hindi pa namin malalaman." medyo tampong tono ni Jane. Pero wait, WHAT!?? did i heard it right? sinabi nya yun??

Using you, Using me (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon