"Narinig pala ni mommy yung sigaw ko sa banyo kanina kaya nya yun nasabi.Hindi, kailangan ko talagang magbago para na rin ito sa kinabukasan naming mag-ina." bulong ko sa sarili ko nang maintindihan ko kung ano yung pinagsasasabi ni mommy.
Masayang masaya ang lahat na para bang ngayon lang ulit mag-aaral. Kung sa bagay medyo mahaba rin ang bakasyon, mas mahaba lalo na kung may ilang bagay kang gusto mong kalimutan. Pero etong anonymous university na ang sa tingin ko'y magiging aking panibagong tahanan...
Ginagala ko ang aking paningin at naghahanap ng pwedeng mapuntahan. Bago lang ako dito at walang kaalam-alam, wala ring kakilala kaya mag-isa lang ako ngayon hanggang sa makahanap ako nang mga bagong kaibigan. Mukha akong tanga na manghang-mangha sa sa structure ng university. Maraming building at kada building mayroong nakalilok na mukha. Sa palagay ko ito yung mga fouder nitong Anonymous University. Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito na nasa ilalim ng malagong puno. Hanggang sa may biglang tumulak sa akin dahilan para ako'y matumba. Narinig kong nagtatawanan ang mga ito. Marami sila at mukhang mga matatapang. Siguro puro sila gangster.
"Malamang bago ka lang dito noh?" taning sakin ng isang lalaking sa tingin ko'y nasa 3rd year college na.
"Opo eh, wala po kasi akong kakilala dito at wala rin akong kasama kaya naupo po muna ako dito sa bench pero bigla nalamang akong tinulok nung mga kalalakihang yan!" pagduro ko dun sa mga lalaking sanggano na hanggang ngayon ay tumatawa paren.
"Mga kasamahan ko kasi yan. At kaya ka nila tinulak dahil sa amin ang lugar na tinatapakan mo ngayon bata." sagot naman nya kaya lalong nagtawanan yung mga kasamahan nya. At nagaapir pa ang mga tukmol.
" Kung sa inyo man ito, bawal bang maki-upo dito kasi sa pagkakaalam ko, dahil naka-enroll ako dito sa university na to at nagbabayad ako ay wala naman sigurong masama kung gumamit ako ng mga facilities nila daba?" nakangisi kong sagot sa kanila at nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nito. Tsss.. Wala pala kayo eh!
" Aba!! Matapang pala ang isang ito eh!" akmang kukwelyuhan ako ng tumulak saken ay pinigilan ito ng kausap ko kanina at parang sya yung leader nila dito.
"Pagbigyan mo na! Bata pa, wala pang alam to eh." at binaling saken yung tingin nya. " Bago ang lahat magpapakilala muna ako sayo, Ako si Luke, kanang kamay ng fraternity na ito! Tama ang dinig mo, fraternity ang kaharap mo ngayon, kami ang BUFrat. Bagong Umpisa Fraternity. Isa sa pinakamalaking frat dito sa Anonymous University, ngayong kilala mo na kame uupo ka pa ba sa upuan na to?" tinuro nya yung inuupuan ko kanina.
"Eh ano naman gagawin nyo sakeng BUFrat kayo kung umupo ako jan aber?" lakas-loob kong sagot sa kanila dahil sa tingin ko ito na yung sinasabi kong kailangan kong magbago! Hindi na dapat ako maapi!
"Hawakan ang isang to!" nakangising utos ni Luke sa mga kakulto nya!! hahahahaa ang babaho nilang tignan pero itong si Luke simpleng porma pero keri na! Hayyy nako! sabeh ko nga sa sarili ko lalaki na dapat ako eh! Bigla na lang nila akong itinaas hawak-hawak ang magkabilang braso ko at yung isa ay kinuwelyuhan ako " Madaming mangyayari sayo kung gagawin mo yun!" Sinapak nya ako sa tiyan ko at sa tingin ko maisusuka ko yung kinain kong agahan kanina
At binitawan na nila akong tulala at pinagtatawanan dahil sa nangyari kanina. Ang sakit ng tiyan ko dahil sa pagkakasapak ni Luke. Natatakot na tuloy ako, unang araw palang. Unang araw palang may mgakurimaw na agad na nanggulpi saken, pano na lang kung makarating ito sa mommy ko. Minabuti kong pumunta muna sa cr para maiayos ko ang aking sarili bago dumiretcho sa una kong room. Habang umiihi ako may narinig akong malanding boses na kanina pa aray ng aray. ouch ng ouch
" Ang sakit ng braso ko! Hawakan ba naman ng madiin nung lalaki kanina eh! Nagtanong lang ako kung nasaan ba yung cr at bigla ba naman akong sigawang galit daw sya sa bakla, buti nalang gwapo sya chaka madaming kasamang unggoy, kundi sinampal ko na yun.Ouch Ouch! sayang skin ko neto" narinig kong sinasabi nya dahil hanggang ngayon ay narito ako sa loob ng cubicle at pinapakinggan yung mga sinasabeh nya. At ng medyo tumahimik lumabas na ako ng cubicle ngunit minemake-upan lang pala yung pamumula dun sa braso nya.
" Kuya ok ka lang?? sorry di ko sinasadyang marinig yung hinanakit mo!!" sabeh ko habang naghuhugas ng kamay na ngayo'y katabi ko sa sink.
" Narinig mo naman pala lahat tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Shunga ka?" tanong nya saken at binaling ulit ung atensyon sa pagmemake-up.
" Buti nga concern eh! Che!" pabulong kong angil sa kanya..
" Bakla ka noh? Sabi na eh!! HI MARSS!!!!" bigla nya akong bineso-beso nya ako dahilan para ikapula ng pisngi ko.
" Teka ano ba ginagawa mo?? Cha-c-cha-aka h-hiindi ako bakla noh!!!" mariing kong tanggi sa paratang nya saken, na in the first place ay tama!! (nyeta maka deny!)
"Wehhh?? Eh amoy ohh! Ang lansa ohhh!!" at inamoy ako kunwari. " I conclude freshman karin so menaing you have no friends pa, so friend mo na ako ngayon and let me introduce myself " humarap muna sya sa salamin para tignan ang hitsura nya at nag-duckface pa ang gaga, at sabay puri sa sarili nyang ang ganda daw nya talaga. well maganda naman talaga pero mas maganda akonng di hamak noh!! Che!
"Hiiii!!! , my name si Wardy the Pretty Beki, taking up journalism, and I'll be your friend from now on!" buong galak nyang bati sa akin na ikinatuwa ko naman dahil may bago na akong kakilala at magiging kaibigan.
"H-he-llo, ako si Nathan, and uhmmm oo tama ka gay nga ako pero please wag mong sasabihin sa iba kasi discreet ako at ayokong malaman unless they'll figured it out like you kaya pleas please?? " sabeh ko sa baklang si Wardy na ngayon ay tuwang-tuwa.
" Just what i thought so, hahahaha oo na! dahil friend na kita friend mo n rin ung kaibigan ko kaya lumabas na tayo dito sa cr at ipapakilala kita" nakakatuwa tong baklang to. Talagang kaibigan agad ang turing sakin kahit na unang beses palang kami nagkikita hahahaha
Hinatak nya yung kamay ko at dinala sa labas nang cr at parang may hinahanap sya, siguro yun yung kaibigan na sinasabeh nya saken nang bigla na lang may sumabunot sa kanya.
"Hoy ikaw Eduardo! Ang sabi mo saken hinahanap mo lang yung cr pero ngayon may kasama ka nang lalaki, ang landi landi mo talaga unang araw palang! Naloloka ako sa yong bakla ka!" hindi ko naman alam kung si Wardy ba ang kausap neto dahil Eduardo nga ang binaggit nyang pangalan kanina pero bigla nalang syang kinausap ni Wardy, magkakikala pala sila.
"Hoy Jane! ang lakas ng sabunit mo sakeng babaita ka huh? And ipapakilala kita dito sa bago kong friend, Jane si Nathan, Nathan si Jane." nakangiting pagpapakilala ni Wardy kay Jane sa akin pero nandidiri ako sa tingin ni Jane na parang mangangain ng tao. Weird!
"Hoy Jane! Stop day dreaming and for the record Nathan is gay so stop fantasizing him! Get it?" biglang nagbago yung timpla ng mukha ni Jane ang kaninang tuwang tuwa ngayon ay daig pa ang nalugi.
"Bakit lahat ng nakikilala ko at nagiging malapit sa akin puro mga bakla?? Nice meeting you Nathan!" padabog nyang iniabot yung kamay nya sa akin na sya namang kinuha ko. Ngayon alam ko na kung bakit naging ganoong yung reaction nya hahahahhaha.
Nataranta kame at bigla na lang nagbell. Lahat ng tao nagkagulo, lahat ng tao nagtatakbuhan, dahil iyon ang hudyat na 5mins nalang ay magsisimula na ang klase kaya dali dali kaming pumunta sa kani-kaniyang mga room namen at nasabi ko ba sa inyo na pare-pareho kami ng kinuhang course, journalism so meaning magkakaklase kame ngayon sa ibang subjects.
KRIIIIINGGGGG!!!!! KRRIIIINGGGGGGGGG!!!
Goodmorning Everyone!
BINABASA MO ANG
Using you, Using me (boyxboy)
FanfictionPaano kung ang unang plano mo lang talaga ay gamitin sya dahil nasaktan ka nung unang beses kang magmahal. Ang makapaghiganti ang pumapangibabaw sa puso mo, pero pano kung magback-fire lahat ng ginawa mo? Paano kung ma-fall ka ng dahil sa mga ginawa...