Natasha's POV
"nakalimutan mo na ba? Niligawan mo pa nga ako eh"
Kapal talaga nitong ex na to
"ikaw? wag na uy! " napatawa naman si chanz sa sinabi ko kaya't nabigyan ito ng isang nakakamatay na tingin ni Xiel
"peace tayo bro ha? he.he.he " halata naman sa boses na kinakabahan ito.
"tss.Ba't ka nga ba nakarating dito sa mall christiano? kaninong kotse KAYO nakisakay ?? " ganti nito kay chanz
Halata naman sa mukha ni chanz ang hiya kaya sumabat na ako sa ikalawang pagkakataon.
*ehem ehem* panimula ko kaya't napatingin silang dalawa sa gawi ko
"kesa naman magsingilan kayo dyan sa harapan ko ,uuwi na lang ako" kaya dumiretso na ako papunta sa escalator para makababa na at makauwi
"teka lang naman nat! " pigil sakin ni chanz habang nakahawak sa bandang wrist ko
"bibitawan mo ako o pagugulungin kita sa escalator?"
"oh eto na nga bibitawan ka na.Napaka mo talaga!! "
"anong napaka?"
"NAPAKA-MALDITA!! HAHAHAHAH! " tawang-tawa sya sa pinagsasabi niya .subukan lang natin christian carillo kung tatawa kapa sa susunod ko na gagawin
Hinawakan ko ang kamay ni ex at takang-taka naman ito at timming naman dahil nakakuyom ito..
"BOOGSH*
"oh ano tatawa kapa? " tanong ko kay chanz na ngayon ay nakadapa sa sahig ng mall hawak-hawak ang pisngi nito
"ba't mo naman ginawa yun nat?" sabi nito habang hawak-hawak paring ang kaliwang bahagi ng kanyang pisngi
"pinagtawanan mo ako eh kaya yan! " ang pina-ayaw ko naman sa lahat ay yung ping tatawanan ako kasi feeling ko nilalait ako or something kaya feeling ko rin nang liliit ako
Hindi na ako nagtagal dun kaya't dumiretso na ako sa escalator para makauwi na at dahil friday ngayon tambay lang ako dun sa mansyon ng mga monetenegro. Oh diba? feeling may-ari lang ^___^
*Montenegro's Mansion*
Isasara ko na sana ang gate ng mapadaan si Manang Fe .
"oh iha nakauwi ka na pala mag miryenda ka muna nandun sa kusina isang bila-o ng pancit molo kumuha ka na lang"
eto ang masarap dito eH, unlimited pagkain araw-araw parang hindi nauubusan.Tumango sabay ngisi na lang ako ky manang fe bilang sagot kahit na nagmumukha akong asong ulol kulang na lang tumahol ako eh
"ay nga pala manang fe,nandiyan ba si Mam thea? baka kasi may ipapagawa siya since biyernes naman ngayon"
"nandun si thea sa kwarto niya katukin mo na lang"
Diretso agad ako sa amo ko bago lumamon nakakahiya naman kung inuna ko pa ang kain kesa sa pagtrabaho.Laking gulat ko na lang na hinintay pala talaga ako ni mam thea sa salas nila.
"hi po ^___^" todo ngiti namna ako sa harapan ni mam thea bilang pasalamat kasi nga diba nagdilang fashion designer slash make-up ko siya kaninang umaga
"Magbihis ka may pupuntahan tayo.Gamitin mo yung pinamili natin" Tango lamang ang pinan-sagot ko kasi mukhang bad vibes siya ngayon .Halos madapa na ako sa pagmamadali na akyatin ang hagdan nila dito sa mansyon kasi ewan ko ha kung hotel ba ito or bahay kasi ang tass at ang laki lang ha.Iba talag pag probinsyana nagiging igonarante
Hingal kung hingal ako ng makadating sa kwarto ko.Binuksan ko agad ang isang cabinet ko at napag-isipang mag suot lang ng isang fit na jeans tsaka isang loose na shirt. Pagkatapos kong magbihis ay diretso agad sa sala kung saan naghihintay si Mam thea.Nang mapansin niyang nasa may hagdan na ako
" ash, pakikuha ng handbag ko dun sa kwarto tsaka dumiretso kana sa kotse " tsaka sya tumayo papuntang garahe
Nakalahati na ako sa hagdan kaya may konting hingal tapos ay bumalik na naman ako sa taas para kunin ang handbag ni mam thea sa kwarto niya then baba ulit tapos ay takbo papuntang garahe tapos pasok sa kotse ni mam thea. mauubusan ata ako ng tubig sa katawan dun sa hagdan .
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MAG-UUPDATE NA AKO EVERYDAY :)
BINABASA MO ANG
At First Sight
RomancePeople who have different situations in life made contact. What would be the consequences? Will it be beautiful or it can be a barrier to their respective plans in life? ."hmmmmm....Sungit masyado ang isang to tsaka napaka-bossy.walang magkakagusto...