Chapter 13

14 2 1
                                    

.Vote.Comment.Be A Fan.
.Because Of You







"Bebz ano naman bang nangyare dyan sa tuhod mo?" sigaw nya sa akin. Akala mo naman nagpakalayo-layo ng agwat namin at kailangan pa sumigaw. Sa halip na tuhod ko lang sasakit. Madadamay pa pati tenga ko. "Anong bang nangyayare sayo, nagiging lampa ka na ata ngayon?" nga pala andito kami sa clinic ngayon pinagagamot ang sugat ko. Naalala ko bigla si mama. Anong kaya sasabihin ko kapag nakita nya ang mga ito. Ang igsi pa man din ng palda ito.
Kaya madali itong mapapansin. Di pa naman ako nakahigh-sock ngayon. Talagang tinaon talaga eh no.

"Tumatakbo ako hinagad kasi ako ng aso, di ko nakita ang bato yan tuloy nadapa ako". Sagot ko sakanya na agad namang ikinisama ng mukha nya.

"Ewan ko sayo, hirap mo kapulong sumasakit ulo ko sayo". yamot n sabi nito.

"Parehas lang tayo. Sumasakit ang ulo ko dahil dyan sa kaingayan mo".

"Chee!"

"Sya nga pala samahan ko sa Mall mamaya titingin lang ako ng medyas. Para hindi ito mapansin ni mama".

"Bakit kailangan mo pa bumili kung pwede ka namang humiram sa akin".

"Ayoko! Ang baho ng paa mo, mahawaan mo pa ako". tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Total tapos na naman gamutin ito.

"Salamat". sabi ko sa nurse na nagaasikaso dito sa clinic.

"Hoy! Ang yabang mo kahit dito kapa tumira sa paa ko. Di mabaho yan, kaartehan nito! Ingudngod kaya kita dyan".

"Aba't palaban ka na ha". akma ko na sanang itong babatukan ng tumakbo sya palabas. Hinabol ko ito ata kamalas-malasan namang nawalan ng balanse ang mga paa ko. Napapikit ako at  pinakiramdaman ang pagbagsak ko. Pero ilang sigundo na ang lumipas hindi parin ako lumalagapak. Pinakaramdam ko ang sarili ko dahil parang may kung anong nakasapo sa likod ko.

"Bebz". Dinig kong tawag ni cristy. Nagmulat ako ng mata at nilinga kun nasan sya naroon.

"Wala kang balak tumayo". natauhan ang diwa ko ng magsalita itong nasa harap ko .Pagkakataon nga naman. Tss

"Bitawan mo nga ako". sabi ko sakanya.

"Sigurado ka?"

Because Of You [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon