Chapter 6

19 1 0
                                    


.Vote.Comment.Be A Fan.
(Because Of You)

🎵Dont walk away from me, no. Dont you dare walk away from me, I have nothing, nothing, nothing. If i don't have you, you,. If i don't have you, oh, ooh, ooh. 🎵

Natapos akong kumanta, marami rin nagpalakpakan. Meron ding na request pa ng isa. So totoo lang nahihiya pa ko sa lagay na yun. Djk. Pinagbigyan ko lang si cristy yun kasi ang paborito nyang kanta at hiniling nya iyun sa akin. Total kinanta rin naman nya ang isa sa paborito kong kanta kanina. Bakit hindi ko din kantahan ang kanya.

Humirit pa ng isa si cristy ng makakanta ako. Pagkatapos ay nagdiretso kami sa sinehan para manuod.

"Anong panunuorin naten?", tanong nya.

"Ikaw nagyaya, tas di mo alam kung ano ang panunuorin, meron bang nagsasabunutan jan? Yung live?". sarkastikong tanong sakanya.

"Tss. Bakit kaba ganyan? ". Umalis sya sa harapan ko at nagtungo sa bilihan ng ticket.

Iginala ko ang mata ko sa monitor at naghanap ng pwedeng panuorin. Fast ang furious?

"Cristy?". lumingon naman sya sa akin at saka lumapit.

"Fast and furious". turo ko sa monitor.

"Actually yan din sana bibilhin ko, hihi jan ka muna bibili lang ako ng ticket". Tss. Umupo muna ko sa tabi habang hinihintay na makabili si cristy.


Natapos ang palabas at heto kami ni cristy ngayon naglalakad palabas galing sa loob. Tumingin ako sa relo ko. 3:00 na pala. Medyo matagal din ang inilagi namin dito inabot kami ng hapon. Hindi narin namin namalayan ang oras.

"Hapon na di pa ba tayo uuwe?". tanong nya sa akin.

"Kumain muna tayo?"

"Saan? Libre mo?".

"Kung gusto mo naman bumili ka ng sayo!", nilayasan ko lang sya at saka nagtungo sa Mcdo.

"Bebz sandali". patuloy parin ako sa paglalakad kunwari'y di sya naririnig.

"Sofia". ulit nya

"Sofiaaaaaaaaa Zein", sigaw na nya.

Agad akong napatigil at nguno't nuong lumingon sakanya. At ayun ang impakta ngising-ngisi habang nakatingin sa akin. Walangya. Hinintay ko syang makalapit sakin. Isang dipa nalang ang layo nya sa akin ng mahagip ko sya at saka binatukan.

"Sorry bebz hahaha!". nahinge ng sorry pero patuloy parin ang tawa.

"Anong kamong sabi mo?". tanong ko sakanya sabay hampas. Kabilin-bilinan ko sakanya wag na wag nya ko tatawagin sa buong pangalan ko.

"Hahahahaha sorry na, eh ayaw mo kasing tumigil eh".

"Pero di ko sinabe sayong isigaw mo ang buong pangalan ko". patuloy parin ang hampas ko sakanya.

"Ah-ah! Aray bebz. Sorry na nga! Hahaha". tss. Abnormal!

Tinakbuhan ko sya at nagtungo sa Mcdo. Walangya talaga yun babaeng yun sinabi ng wag akong tatawagin sa buong pangalan ko. Magdusa ka ngayon walangya ka. Umorder na ko ng kakainin naming dalwa. Spagetti lang total nagkanin na kami kanina. Panay ang tingin ko sa pinto pero hanggang ngayon wala pa rin sya. Lumingon ako sa una, pero para akong isdang pumaltok ng gulatin nya ako.

"Whaaaaaaa". napapikit ako at napahawak sa dibdib ko. Sheyt kulang nalang atakihin ako. O kung may sakit ako sa puso baka isasakay na ko sa ambulansya ngayon.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahah". para syang tangang utas na sa katatawa habang ako ay nakasimangot na.

"Impakta ka talagang babae ka". batok ko sakanya.

"Hahaha e- kasi n-naman ha-hahahaha yung m-mukha mo hahahaha".dumating na't lahat ang order ko. Pero patuloy parin sya sa pagtawa.

"Kapag di ka tumahimik sasalaksakin ko ng tinidor yang bunganga mo". napatigil rin naman sya pero pigil parin ang tawa. Halata sa mukha nya namumula eh.

Panay ang sulyap ko kay cristy na hanggang ngayon pigil na pigil parin sa pagtawa. Tss! Hindi talaga makagetover. Dun sya magaling eh ang gulatin ako. Punyeta ganun nalang ba kasama ang reaction ko kapag nagugulat. Eh halos hindi na huminga si cristy sa kakatawa kanina eh. Palabas na kami ng mall pero panay parin ang tawa nya wala nga lang tunog. Pinagtitinginan na nga sya eh. Kung di ko nga lang to kilala baka isipin kong sira ang ulo ng isang to.

"Wag mong pigilan baka ikamatay mo yan". sabi ko sakanya.

"Ha? Haha hin-hindi naman ako natatawa haha". di pa talaga sa lagay nayan ha.

Di rin naman nya napigilan at para nyang tae inilabas ito. Sira ulo to. Sumakay na kami sa motor nya at napagdesisyunang umuwe ,hapon narin naman. Wala narin naman kaming gagawin. Tska nakakapagod ang kakalakad. Ang sakit sa binti. Andito na ko sa tapat ng bahay ko, inihatid ako ni cristy iyun hangang ngayon pigil pigil parin ang tawa. Pero hindi na katulad ng kaninang akala mo wala ng bukas. Ng makaalis sya ay Dumiretso ako sa loob at nakita si mama na nakaupo sa sala habang nanunuod, lumapit lang ako sakanya at saka nagmano. Nagtungo na ako sa kwarto ko at saka ibinagsak ang sarili sa kama. Haysss. Nakakapagod ang araw na to.

Because Of You [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon