Chapter 19

14 1 0
                                    

.Vote.Comment.
Be A Fan.
BOF (Book 1)






"Anak! May lagnat ka pa diba, bakit papasok ka pa?" tanong nya sa akin ng makakaba ako mula sa taas. "Bumalik ka na sa taas. Itetext ko nalang sa adviser mo na may sakit ka." Akma na sana nyang kukuhan ang cp nya ng pigilan ko ito.

"Hindi na ma, kaya ko naman sinat nalang naman ito". Sabi ko sakanya.

"Kahit na anak baka mabinat ka". pagaalala nitong sabi sakin.

"Okay lang ako ma. Tsaka lunes ngayon madami kaming gagawin kaya di rin ako pwede magpaliban". Bumuntong hininga lang ito at saka namungay ang mga mata.

"Oh sya sige. Kumain ka na dito at ng makapasok kana".

Ng makatapos kumain ay hindi na rin ako nagtagal. At pumasok na sa school. Pumunta ako sa sakayan para makasakay. Ayoko maglakad ewan ko ba tamad ako ngayon. Kanina nga bago pa ako makabangon. Kahit maaga ako nakatulog kagabi ay parang bitin parin ang tulog ko.

Papara na sana ako masasakyan ng tumigil sa harapan ko si cristy dala ang motor nya.

"Bebz sakay na". Aya nito sa akin. Paano nito nalaman? Tumingin ako ng may pagtataka dito ng mapansin nya ay napatawa ito.

"Itinext ko kanina si tita kinakamusta kita. Nasabi nya na papasok ka kaya dumaan ako. Sakto naman at naabutan pa kita". Nakangisi nitong sabi. Psh! "Sakay na". lumapit nga ako sa motor nya at saka sumakay roon. Isinuot ko ang helmet. Inalalayan nya ang kamay ko para makasalta ng ayos duon. "May sakit ka parin ah, bakit ang sabi ni tita sinat nalang". taka nyang tanong. Mainit siguro ang palad ko. Kaya nya napansin. Kahit kailan talaga ang daldal.

"Magdrive ka na nga lang". wala kong ganang sabi rito.

"Psh. Sige kumapit ka na". sinimulan na nga itong paandarin. Himala ata't ang bagal ng pagpapatakbo nya. At saka ano yung kumakalampag sa ilalim.

"Ano nangyayari sa motor mo". Tanong ko rito.

"May maluwag lang sa ilalim". sabi nya sa akin.

Ng makarating sa parking lot ay pumarada muna ito saka bumaba.

"Bebz mauna ka na sa loob, aayusin ko lang saglit itong motor ko, susunod din ako".

Because Of You [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon