Chapter 10

17 1 0
                                    


.Vote.Comment.Be A Fan.
Because Of You


Christian POV



"HAHAHAHAHAHA". Walangyang talaga tong gagong to pagtawanan ba naman ako. "Bro, anyare sa mukha mo?  Matagal tagal narin yung huling kung nakita na ganyang mukha, nakakapanibago HAHAHAHAHA". utas nyang tawa sa akin.

"Tumahimik ka gago". singhal ko sakanya. Andito ako sa bar nya ngayon nagpapalipas ng oras.

"Anong ginagawa mo dito, bakit ganyan ang mukha mo?" Tawa-tawa nyang tanong sa akin.

"Ano bang ginagawa sa bar ha
animal ka?".

"Hahahaha baka kasi mali ang napuntahan mo. Dapat ata clinic eh. Hahaha ipatingin mo yan mukhang yan baka mawalan ka ng puhunan".

"Tumahimik ka nga, susupalpalan ko yang bibig mo eh".

"Sandali kukuha lang ako ng maiinom". tumango lang ako at saka sinulyapan ang dance floor. 11 na ng gabi at naisipan ko magpalipas dito , pangalawang bahay ko na to kaya di na ko bago dito. Masyado mainit ang ulo ko dahil sa nangyare kanina. Walangyang babae yun. Ang lakas ng loob akong batuhin.

"Oh". Abot ni justine sa alak. "Seryoso bro? Anyare sa mukha mo?"

"Psh! Napalailing nalang ako kapag naalala yung nangyare.

"Wag mong sabihin may nakaaway ka at hinayaan mong malapatan ng kamay yung mukha mo?"

"Babae! ". Sagot ko.

"Babae? Seryoso bro?" sinamaan ko lang sya ng tingin at ibinalik sa dancefloor ang tingin.

"Bingi ka narin pala ngayon  di ako nainform".

"Tangina bro seryoso? Ano nabitin? Di mo pinagbigyan?"

"Binato ako ng bola, walangya talaga".

"Binato?".di nya makapaniwalang tanong.

Ikunwento ko nga sakanya ang pangyayare. "Hahahahahaha astig bro, kasalanan mo din pala eh. Hahaha bago yan ah bakit kasi di mo inabot ng ayos ang bola, yan tuloy binato ka". Walangya talaga sinsabi ko na eh. Kung makatawa naman to akala mo wala ng bukas.

"Iniabot ko naman ah".

"Gago bro di abot tawag dun. Bato yun. Hahahah".

"Bakit ko naman iaabot? Ano sila sinuswerte? Pasalamat pa nga sila at hinagis ko eh. Tanga nga lang ang isa at hindi inalagan".

"Oo. Maswerte sila natamaan yang mukha mo eh, bawas bawasi kasi bro, hahahaha!  So anong gawi?"

"Tss! Di na pinagiisipan yan". ngisi kong sabi.

"Ibang klase di ka parin nagbabago!  Tss. Pero paano yung lo- di na nya natuloy ang sasabihin nya ng direkta akong tumingin sakanya.

"Easy bro! Easy". tapik nya sa likod ko. Tumungga ulit ako ng iinumin ng may naramdaman akong kamay na lumingkis sa akin.

"Tigilan mo nga ako, akala mo naman ang laki ng pinagkaiba natin, gago". Singhal ko sakanya.

"Hi chris". Napalingon ako sa babaeng ito na tumawag sakin at Nagawa pa akong kindatan. Tusukin ko kaya mata nito. Tss!

"Magingat ka bro baka madagdagan ulit ng marka yang mukha mo hahahaha".

"Gago". singhal ko sakanya at saka tuluyan lumayo.

"Where do you prefer baby?". Akit nyang tanong sakin sabay pulupot ng kanyang braso sa leeg ko.

Kinalas ko ang pagkakapit nya sa akin. Mainit ang ulo ko. Nasasakal pati ako. Hinawakan ko sya sa batok at hinigit papalit sakin. Saka bumulong.  "I'll prefer your coffin. You want? I'm not in the mood, So get out of my sight".


Nanglaki ang mata nito at saka kinalas ang pagkakayapos sakin. "Aww really! Okay! see you nexttime baby". At saka tuluyan lumayas sa harap ko. Fuck.

"Anyare bro? Tinangihan? Hahahah".

"Tss. Kilala mo ko, kapag ayaw ko. Ayaw ko".

"As you said". tawa nyang sagot sabay lagok sa iniinom. "Teka bro si jack di parin ba pumapasok?" Tumingin lang ako sakanya at saka tumango.

"Tawagan mo nga kung may balak pa, baka na naulol na ng tuluyan ang alien na yun".

"Hahahaha! Sige". Sagot nya at saka nilabas ang cp para kontakin ang alien. "Bro". Sagot nito! Rinig ko din ito dahil iniloudspeak ni justine. "Bakit ka tumatawag?" walangya talaga ang gandang bungad.

"Kasama ko si chris, pinatatanong kung may balak ka pa daw pumasok?".


"Oo eto nga bro papasok na ko sa banyo, bakit?" tinamaan na ng magaling. Bakit nga ba pinagaaksayahan pa ng oras itong hunghang na ito.

"Gago! Sa school bro, S-C-H-O-O-L?".


"Ah! School ba. Hindi mo naman agad sinabi eh. Oo papasok na ko. Sabihin mo kay chris".

"Rinig kita gago". sabi ko sakanya

"Narinig? Paano mo ko naririnig eh si justine lang ang kausap ko?"

"Nakaloudspeak hunghang".

"Loudspeak? Ah! Hoy teka nga!  Patayin nyo yan baka rinig yan sa buong campus. Patayin nyo".

Napailing nalang ako at nahampas ang noo. Saka tinungga ang natitirang alak. Kahit kailan talaga nakakasira to ng ulo.

"Loudspeak Gago. Hindi speaker, anlayo mo bro". tawa-tawang sagot ni justine.

Tumayo na ako at saka inayos ang porma ko. "San punta mo bro?" Tanong ni justine.

"Magc-cr lang ako! Masisiraan ako ng ulo jan sa kausap mo".


Dumaan lang ang oras. At puro inom at kwento lang ang nangyare. Di na to bago.
Alas 2 na ng madaling araw ng nakarating ako ng condo ko. Mataas ang tolerance ko sa alcohol kaya hindi ako madaling tinatamaan. Dumiretso ako sa banyo at sa binuksan ang shower. Hinayaan ko lamang ito dumaloy sa katawan ko. Napatinggin ako sa salamin at saka tinitigan ang istura ko dun. Hindi ko maiwasan akyatan ng ulo sa dugo kapag nakikita ang marka ito sa mukha ko. Bakit ganun nalang ka bigdeal sakin ang ginawa nya. Psh! Humanda ka.




Because Of You [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon