Chapter 11

10 1 0
                                    


.Vote.Comment.Be A Fan.
Because Of You
-blueyang



"Bebz anong nangyare jan sa kamay mo?" langhiya talaga tong babaeng to wala na talaga maitago dito. Natakluban ko na nga nakita pa. "Hoy bebz?"

"Wala naipit lang yan sa pinto, tumahimik ka nga naririndi ako". Ingay ingay di bale na sana kung mahina ang boses eh ang sakit naman sa eardrum.

"Naipit? Paanong naipit, wag mo sabihing di mo nakita! Ano naduling, ganern?" Sigaw nya.

Psh! Hindi ko na sya naintindihan ng sumagi nalang bigla sa isip ko ang nagyare kanina. Andito na ko sa room, ng makaalis ako dun sa lumang rooftop ay dito na ko dumiretso. Balak ko na sanang umuwe kaso baka magalit si mama. Sabihin nagbubulakbol lang ako.

Ako? Umalis bago pa masaktan? Hah! Anong kala nya sa ginawa nya sa pulsuan ko. Hindi masakit. Napatitig ako sa pulsuan ko medyo mapula parin ito. "Hoy! Bebz nakikinig ka ba?" Napabalik ako sa wisyo ng hampasin ako ni cristy. "Hoy bebz, kanina pa ko nagsasalita dito oh".

"Ah! Ano b-ba yun sinasabi mo"?

"Tinatanong ko kung ayos kalang ba, tulala ka eh! Ano ba talagang nangyare jan sa pulsuan mo? Bakit ang pula nyan".

"Naipit nga ang kulet mo naman eh paulet-ulit kana, nakakarindi ka".

"Hoy sofia zein, ako nga eh wag mong pinagluluko ha. Paano maiipit yang pulsuan mo. Ano di mo nakita ang pinto?" sigaw nyang tanong sa akin.

Humanda ka! Humanda ka! Aishh ano bang nangyayare sakin. Psh!

"Maghahanda ako?". Psh. Wala ko sa sariling sabi.

"Hoy! Anong maghahanda ka? Birthday mo ba? Ang tagal pa ng birthday mo ah, anong handa sinasabi mo". Tumingin lang ako sakanya at sinuri ang buo nyang mukha.

"Wala". tumayo na ako at saka naglakad palayo sakanya.

"Hoy bebz, wait lang! Ano ba talagang nangyare sayo. Di ka nakaattend ng unang subject, hinahanap ka sakin ni Miss". palahaw nya. Tss bahala ka jan. Ang daldal mo.

Di narin ako kinulet pa ni cristy kung anong nagyare sa pulsuan ko. Nagsawa na ata!

Kasulukuyan na kaming naglalakad ni cristy papunta sa next subject. Psh! Di tuloy ako nakaattend ng first subject. Aishh! medyo nauuna ako sakanya maglakad. Yung isang kasing iyun. Nanalamin habang naglalakad. Tss. Madapa ka sana.

Wala ako sa wisyo naglalakad pahakbang ng hagdan ng may bumangga sakin. Nabangga ba talaga? o Binangga sadya? Dahilan narin para manabog ang mga libro ko! Psh! Ang luwang luwang ng daan oh. Pinanganak ba ako para bungguin lang. Walangya talaga. Inaangat ko ang ulo ko para tinggan ito. Psh!

"Ayy miss nalaglag yun libro mo". sabi nya sa akin.

"Aba'y malamang binunggo mo ko eh".

"Ha? Ganun ba, Sorry! Uhm ayos ka lang?"

"Hah? Oo ayos lang ako?" Sagot ko dito. Pinulot nya isa-isa ang libro at pinagpagan saka inabot sa akin.

"Pasensya na nagmamadali kasi ako, di na kita napansin, ingatan mo sila". Kunot naman ang nuo kong nakatinggin sakanya. Ano bang sinasabi nito. Ang wierd. Di ko na sya pinansin hanggang sa tuluyan ng mawala sa akin paningin.

"Bebz? Kilala mo ba iyon, ang gwapo nya. Grabe para syang living doll". Pagsulpot nya sa aking harapan at kinikilig nyang sabi.

"Ang weird".

"Hah? taka nya.

"Wala! Tara na late na tayo sa math".

"Okay! Teka bebz. Ano kayang pangalan nya nu, bakit no sya kausap, ang cute nya. Para ngayon ko lang sya nakita dito ah".sabi nya habang naakyat kami sa hagdan. Habang may pag nguso-nguso pa.

Discuss duon. Discuss dito lang ang ginawa ng teacher. Si cristy panay ang tanong sakin. Bakit daw sa math hinahanap pa X. Nagdadrama. Bakit daw pati sa math. Ibinabalik ang nakaraan. Bruha! Akala mo naman may nakaraan. Sa pagkakaalam ko. Nagkaroon lang naman ito ng crush. Pero di sya crush. Saklap.

"Tumahimik ka nga jan". sabi ko ng ikananguso nya.

"Kasi itong X na ito eh".

"Bakit na apektado ka akala mo naman may naging ex ka?"

"Ayy. Grabe sya oh, nagsalita ang nagkaroon, taray mo te?" magbestfriend nga kami.

Natapos na ang klase. Ang sakit ng ulo ko hindi dahil sa math. Kundi dahil sa kadramahan nitong si cristy. Kasalukuyan na kaming naglalakad ni cristy papunta sa canteen. Bibili muna daw sya ng tubig. Nauhaw ata sa kakangawa. Paano ba naman kadaldal.

Nagdaan ang maghapon. Natapos narin ang klase. Nagpaalam muna ako kay cristy na magccr. Habang sya ay nasa room pa. Pagkatapos ko magbanyo ay nagtungo ako sa lababo para maghilamos.

"Girls! Pumasok na kaninang umaga yung isa pang kasama ng transferee. Grabe! He's so cute. I have a crush on him na". kilig nyang sabi. Psh! Malandi.

Pagkalabas ko ng cr. Sakto naman ang dating ni cristy.

"Hinintay na kita, ang tagal mo eh. Akala ko kasi natabanunan ka na ng cr".

"Psh, tara!

Naglalakad na kami sa may parking lot ni cristy ng may bumusina samin.

"Ahhhhhhhhhhh". palahaw ni cristy.

Akma sana akong babangain. Dahil sa direksyon ko ito pupunta. Mabuti nalang ay hinigit ako ni cristy at nakaiwas agad kami. Walangya balak pa kaming sagasaan. Napatingin ako sa sidemirror ng kotse. Nakingisi lamang ito. Sunod ang tinggin ko sa humaharurot na kotse. Parang pamilyar ang ata ang mukhang iyun.

"Hambog". Dinig kong singhal ni cristy. Di na namin ito pinansin pa at nagdiretso kung nasan ang motor nya.

Nakauwe na ko ng bahay. Si mama nasa kusina nagaayos ata ng mga sangkap. Magluluto at sya para sa hapunan. Pasado 6 na ng nakarating ako sa bahay. Dumaan pa kasi kami ni cristy sa park kanina para tumambay.

Lumapit ako kay mama at saka nagmano. "Oh! Anak anjan ka na pala". Di ma. Di ako to. Kakambal ko ito. Psh!

"Anong niluluto mo?" tanong ko sakanya.

"Edi ano pa, di ang paborito mong sinigang". Nagliwang ang mga mata ko. Yes! pero ng makita ang tawa ni mama na bigla din napalitan ng mapait na ngiti napasimangot nalang ako.
.

"Sana pala sinigang nalang lagi ang ulam na niluluto ko". Seryosong sabi ni mama.

"Bakit naman ma?". Kunot nuong tanong ko sakanya.

"Para naman lagi ko makita ang liwanag jan sa mukha mo, nakakamiss anak.". tumigil ito saglit at tinitigan ako ng seryoso."Anak! Its been a long tim-

"Ma, I can't !" Putol ko sakanya. saka sya tinalikuran at pumasok sa aking kwarto. Humiga ako sa kama ko at kinuha ang unan para itaklob sa mukha ko. Pinilit ko na pigilan lumabas ang emosyon ko pero sa huli ako parin ang talo. Kahit kailan traydor talaga ang mga likidong ito.


























Because Of You [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon