Step 13: Open your Heart

38 2 0
                                    

STEP 13: OPEN YOUR HEART

[Niko’s POV]

Lumipas ang limang buwan na hindi kami nagpapansin ni Kinna dahil sa nangyari. Ano kayang mangyayari sa amin?

Same month kami ng birthday ni Anthony, pero magkalayo kasi October 9 siya tapos ako naman ay October 29 kaya nagtataka ako nung gusto nila na pag-isahin na lang yung birthday celebration namin. Ayaw ko sanang pumunta dahil makikita ko doon si Kinna pero mukhang wala na akong magagawa dahil araw-araw ako kinukulit nila Althea at Red pati si Anthony ay kinokonsensya ako.

[Kinna’s POV]

Ilang buwan na kami hindi nagpapansinan ni Niko tapos malapit na ang birthday niya kaya tinutulungan ako nila Red at Althea para makipagbati kay Niko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Nahihiya kasi ako sa kanya dahil sa nangyari.

“Girl! We will help you about Niko, okay? Trust us!”

Pero ayaw nila sabihin sakin kung ano ba talaga ang plano nila.

And that day came... Napagkasunduang sa Enchanted Kingdom namin ise-celebrate ang birthday ni Niko.

Meeting place sa terminal ng bus, 10 am pero si Niko lang ang nakita kong nakatayo dun.

“Hi.” Pero hindi ako pinansin ni Niko.

Nagtext si Anthony ‘Nauna na  kami papuntang Laguna. Nakasakay kami sa kotse ni Nathan. Sorry, sumunod na lang kayo ni Niko. ;)’

Oh. So this is what they are planning, kagabi pa ako nagtataka kung bakit sa terminal na ang meeting place kasi ang unang plano magdadala ng kotse si Nathan.

“Sasakay na ako ng bus, ikaw ba?” Sabi sakin ni Niko.

“Mamaya na ako sasakay. May bibilhin lang muna ako.”

“Okay.”

Nung pasakay na ako ng bus, may nakaupo na sa tabi ni Niko kaya sa may kabilang side na katapat na lang ng inuupuan niya ako umupo.

Nasa may lagpas ng SLEx na kami. Naisipan kong subukang kausapin si Niko pero hindi pa rin niya ako pinansin, natulog siya buong byahe. Hay.

Nakarating kami sa Enchanted Kingdom bandang 11:30 am na, nasa harapan kami ng entrance naghihintay kaso si Red lang ang nakita kong papalapit samin ni Niko.

“Ang tagal niyo, pumasok na sila.”

Tapos binulungan ako ni Red, “Akong bahala sa inyo.”

“Ha?!” Anong plano ni Red?!

[Niko’s POV]

Ano ba naman ito? Bakit pumasok na kaagad sila Anthony?

“Guys, tara sakay tayo ng Anchor’s away.” sabi ni Red samin.

“Ah. Huwag na ko, kayo na lang.” Nahihiyang sabi ni Kinna.

“Oo nga. Ikaw na lang Red.”

“Ang aarte ha. Gusto pa pinipilit. Magkakagalit ba tayo para lang sa sa ganito? Let’s go!”

Sabay hinila niya na kaming dalawa para pumila. Nagpupumiglas ako pero lalo niyang hinihigpitan ang hawak niya sakin. Bakit napakalakas ni Red? Nakasteroids ba siya?! Sa sobrang lakas niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumama na.

Pasakay na kaming tatlo at nasa gitna namin ni Red si Kinna. Dahan-dahan ng gumagalaw yung Anchor’s away. Habang nagtititili si Red, si Kinna naman ay parang kinikiliti kakatawa. Pinipigilan kong tumawa dahil sa tawa ni Kinna, para kasi siyang napopossess sa kakatawa niya. Nabaliw na ata?

How to Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now