Step 8: Go with the Flow

24 1 0
                                    

STEP 8: GO WITH THE FLOW

[Kinna’s POV]

Christmas vacation is finally over. And suddenly parang nag fast-forward na naman. Second year is proving to be so tedious na halos wala ng social life ang lahat ng students.

Habang naglalakad ako papuntang school, iniisip ko si Niko. Madalas ko talagang gawin yan. Mas masaya na siya ngayon at hindi na din akoawkward kapag nandyan siya saka hindi na ako nagiguilty kapag kausap ko siya. Nakamove on na kaya siya? Masama ba na iniisip ko ito? Maiintindihan mo naman ako Mandy, diba?

Nabasa ko yung salitang, “Go with the flow.” Dun sa libro na pinahiram sakin ni Althea. Basahin ko raw yun kasi marami akong matututunan. Nakakakalahati pa lang ako sa libro na yun at okay naman siya.

Speaking of, kinuha ko yung libro sa bag ko at hinanap kung saan ako huling nagbasa. Kaya habang naglalakad ako nagbabasa pa ako. Multi-tasking. AHAHAHA- - -

[BLAAAAG!]

Naputol bigla yung Inner-tawa ko. Nagulat na lang ako nasa lapag na ko. Eh? Nadulas ako dahil sa lumot! Naman! Go with the flow of lumot ba ito?! Parang natatawa-tawa pa ako pero naluluha na ng kaunti yung mata ko. Tatayo na sana ako kaso... Ang sakit talaga.

Hindi ako makatayo.Paano na ito? Puro lumot pa ako.Sino ba naman kasing may sabi na magbasa habang naglalakad. Kinna talaga you are so! You know. HAHA. Naalog ata yung utak ko.

[Nathan’s POV]

Nagiging close na kami ni Monique pero hindi ko maiwasanyung nararamdaman ko para kay Kinna.

Ang aga kong pumasok. Nagulat ako nang makita kong nadulas si multo kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Gusto kong tumawa ng malakas kasi bagay sa kanya yung lumot parang nasa horror movie kasi yung itsura niya kaso kawawa naman yung mga lumot kung magtatagal siya dun kaya naghubad ako ng pangitaas na uniform ko para hindi ako madumihan at tutulungan ko na sana siya kaso lang narinig kosiyang nagmamakaawa sakin, hindi na tulungan ko siya pero…

“Please Nathan, huwag mo akong sasaktan. Anong binabalak mo? Kakagatin kita!” Pinipigilan kong tumawa. Akala niya ata pagkain ang 8 pack abs ko?!

“Bakit ka mangangagat? Aso ka ba? Tutulungan lang kita. ”

Ilang minuto pa rin siyang nagmamakaawa sakin habang karga ko na siya at nasa elevator na kami.

“Please huwag mo akong sasaktan!” Nararamdaman ko yung takot niya.

“Ha?!” Ano bang sinasabi nito ni multo?

“Itatapon mo ba ako sa may bintana? Mumultuhin kita kapag pinatay mo ko!” Gusto ko na talagang tumawa sa sinabi niya.

“Ah. Gusto mo ba na itapon kita sa bintana? Okay lang naman na multuhin mo ako. Mukha ka naman ng multo ngayon. Ano pinagkaiba?”

That’s the time na natahimik siya.

“Joke lang naman, Kinna. Cheer up.”

Sa wakas, nakarating na rin kami sa clinic.

“See? Hindi naman kita sinaktan.”

“Thank you.” Narinig kong sinabi sakin ni Kinna ito, halos pabulong na.

 Umalis na ako, medyo tulala si Kinna saka hindi nagsasalita. Nagulat pa rin yata na tinulungan ko siya at hindi sinaktan.Well, I guess nakakagulat nga yunpero who knows, lagi naman siyang tulala.

Nandito na ako sa class pero hindi naman ako makapagfocus. Hay! Hindi ko yata dapat iniwan yung multo sa clinic eh. Paano kung may makakita sa kanya at matakot? Ilang beses kong iniisip ito. Nag-aalala ako na baka nagtatakutan na sila nung ibang multo dun. Nagpipigil na ako nang tawa nito habang nag-iimagine ako.

How to Fall in Love AgainTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang