Step 2: Meet New People

59 3 0
                                    

STEP 2: MEET NEW PEOPLE

[Niko’s POV]

Natulala ako ng kaunti sa mga sinabi ni Kinna. Nakapasok na siya sa classroom at sumara na ulit yung pinto, nasa labas pa rin ako. Ano bang nangyayari sakin?

Makalipas ang ilang minuto, pumasok na ako at umupo sa bakante. Ang nasa isip ko lang ay basta huwag si Kinna yung katabi ko. Siguro naman tama na ang kaweirduhan ng araw na ito diba?

“It’s overwhelming.” Biglang sabi ni Mr. Stranger sa tabi ko.

“Huh?” Nalilito kong sabi. Ako ba kinakausap nito?

“The responsibilities. The obstacles you need to overcome. Everything.” Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita.

“Ah. Yeah.” Sabay tango ko. Um-oo na lang ako. Iba kasi yung aura niya eh.

“I’m Mark Anthony Sophus. And you are?”

“Niko.” Nginitian ko siya para matapos na yung usapan.

Natapos na yung unang class, sa sobrang distracted ko kaya hindi ko na alam anong nangyari. Mabuti na lang at orientation lang kanina.

I went to the restroom. Tapos hinahanap ko na yung next class ko kaso naliligaw na ako. No choice, kailangan ko nang magtanong sa mga taong dumadaan.

“Uhm, Hi. Alam mo po ba kung saan ito?” Sabay turo sa schedule ko.

“Yup. We’re actually classmates. Nakita kita kanina sa first class natin. Sabay na tayo.” Sabi ni kuya na mukhang Anime.

“Thanks. I’m Niko. Do you mind if I ask your name?” I just realized that I might as well start making acquaintances.

“Mine is Red.” So I smiled and nodded to him and we started to walk towards the Microanatomy Laboratory. Ang tahimik. Just in time, kararating lang din kasi nung professor.

“So let me group you alphabetically.” Our professor said. After grouping us into fives, she instructed us to get a microscope and familiarize ourselves on how to use it.

Humiram na ako ng microscope pagkatapos ay umupo sa tabi nung babae kaso napapansin kong kanina pa siya hindi mapakali kakakalikot ng microscope niya.

“Excuse me, do you need some help?”

“Yep! Hindi ko kasi alam paano ito gamitin.” She said with a helpless shrug as she pointed at her microscope.

“Ganito lang yan. Okay? Tignan mong mabuti ha.” Binuksan ko yung light switch saka inayos yung mga objectives.

“Thank you! Oh. I’m Roxana. Ikaw?” Sabay abot ng kamay niya.

 “I’m Niko.” I said while shaking her hand.

 “Can I ask you something personal? Hobby ko kasi tanungin ito. Uhh… Why do you want to be a doctor? Siguro para yumaman?” She looked at me while smiling but I can see na seryoso siya sa tanong niya.

“Ah no! For her.” Medyo pabulong ko sinabi yung “Her”.

“Her?” She said while making imaginary quote marks in the air.

“For my first love kahit wala na siya sakin. I wanted to be a doctor for her... Pangarap kasi namin ito.”

“Mahal mo pa din siya?” Sabi niya na parang nalulungkot na din.

 “Oo naman. Hindi naman nawawala yun. In my heart, Mandy is always present... there’s a space just for her.”

“Saan? Left o Right? Sa atrium o ventricle mo?” Bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Pero I can see what she’s doing, trying to lighten the gloomy mood.

How to Fall in Love AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora