Step 14: Fall

23 3 0
                                    

STEP 14: FALL

[Kinna’s POV]

Kinakabahan ako habang hawak ko yung cellphone ni Mandy. Ano kayang meron?

[Niko’s voicemail for Mandy]

“Beep!”

“Nana, alam ko pakikinggan mo ito. I just wanted to say that I... I’ve fallen in love with you. Can you give me chance?”

“Beep!”

Pakikurot nga ako, nananaginip na naman ata ako? Nakahiga lang ako sa kama ko ng ilang oras. Hindi ako mapakali kakaisip, tinignan ko uli yung cellphone ni Mandy para tignan kung totoo ba yung voicemail sakin ni Niko. Totoo nga! Tinawagan ko siya at nag-iwan ng voicemail.

[Niko’s POV]

Ilang oras ko din hinintay ang sagot ni Kinna, papunta na ako sa bahay nila ngayon nang biglang tumunog yung cellphone ko. Voicemail siya.

[Voicemail from Kinna]

“Beep”

“Hello Koko, hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi mo. Gisingin mo ako? Hehe. Hmm… And my answer is… Yes, I will give you chance.”

“Beep”

Sa sobrang tuwa ko. Paulit ulit kong pinindot yung doorbell nila Kinna, lumabas siya at pinagbuksan ako ng gate. Hindi pa siya nakakapagsalita ay niyakap ko kaagad siya ng sobrang higpit. Binitawan ko lang siya nung maramdaman kong hindi na siya makahinga.

Araw-araw ko siyang hinahatid at dinadalhan ng orange blossom. Hindi siya mahilig sa chocolates kaya strawberry ang binibigay ko sa kanya. Natutuwa rin ako kapag nakikipaglaro ako kina Cloud at Cherry. Grabe talaga yung effort ko. I feel like I’m falling more and more in love with Kinna. I still love Mandy, there will always be a part of me that will always do, but I’m happy when I’m with Kinna. Minsan napag-uusapan din namin ni Kinna si Mandy, and it helped both of us to move on. I learned that Kinna was hurting about it too. After all, childhood bestfriend niya si Mandy. Parang nawalan daw siya ng kapatid nung nawala si Mandy. If only she visited Mandy nung nasa hospital pa ito. O kaya nung burol ni Mandy, we could’ve met sooner. Pero sabi ni Kinna, hindi pa daw kasi siguro panahon noon para magkita kami. And I guess that’s true. We were different now. Stronger? Better?

Makalipas ang 9 months na panliligaw ko, today is April 24 at inaya ko si Kinna sa isang formal date sa Bob’s.

Ang ganda ni Kinna, hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya. Pagkatapos namin kumain, inaya ko siya sa isang playground malapit sa kanila. Nakaupo kami sa may swing ng bigla akong nagsalita, “Kinna, You are my happiness… I want you to be my girlfriend.”

“Ahmmm...” She said while swinging and looking up in the sky.

“Anong sagot mo sa tanong ko? I know it’s sudden and if you are going to reject me...” I couldn’t bear the thought of her rejecting me. But I also couldn’t bear the thought of leaving without an answer.

“No...” I stopped her swing and knelt in front of her. She looked at the ground.

“No?” I held my breath. Then she finally looked at me

“No... I won’t reject you. I love you, Niko.” Her eyes were shining with unshed tears.

Biglang may fireworks sa paligid namin, may background music rin akong naririnig, yung paligid ko lumiwanag na para bang may mga alitaptap sa paligid namin. Kakaiba talaga yung nararamdaman kong saya ngayon.

Niyakap ko siya at biglang... Nahalikan.

Nagulat kaming pareho pero nakangiti kaming dalawa.

“Kinna, three months na lang at aalis na ako papuntang America, wait for me ha?” Nasa America ang parents ko and in three month’s time ay gagraduate na kami. They want me to go and take the board exam there. Alam naman ito ni Kinna dahil napaguusapan naman namin ito.

Ang nasabi niya lang ay, “Uwi na tayo, Niko.”

Nararamdaman ko yung lungkot niya kaya hindi na ako kumibo. Tapos ay hinatid ko na si Kinna, hindi ko na siya tinanong pa kasi alam kong nasasaktan siya. Nasasaktan rin ako. Three months kong pinaramdam kay Kinna kung gaano siya kaimportante sakin, araw-araw kong pinaparamdam sa kanya yung pagmamahal ko.

[Nathan’s POV]

Graduation na. Ang bilis ng four years! I’ve learned a lot. Hindi lang puro academics. I gained lasting friendships. I’m happy for them. Anthony and Irene are still strong after all these years. And a few months ago, Niko and Kinna were officially together. Me? I was over with my feelings for Kinna years ago. My feelings for Monique was like a seed. Parang nagcreep up lang sakin bigla, before I knew it, it already blossomed into something big and wonderful. In my eyes, Monique was the perfect girl. She’s good with academics, scholar eh! She’s beautiful, inside and out. She’s talented. Kaya nga nakakapagtaka na all these years ay wala pa siyang nagiging boyfriend, and I was thankful for that, sabi niya kasi sakin na focus muna siya sa studies. But today, gagraduate na kami, I intend to make a move to make her my girlfriend.

Sa labas ng PICC, nagkaroon pa muna ng picture taking bago pumasok. Matapos ang ceremony, hinanap ko kaagad si Monique. Nakita ko siya kasama yung parents niya. Kasama ko din yung parents ko nung lumapit ako sa kanya. I introduced myself to Monique’s parents. And before my courage fails me, I introduced her to my parents by saying, “Mom and Dad, this is Monique, I like her and I want her to be my girlfriend.” I heard gasps behind my back. Si Red siguro yun. But I looked at Monique, she was so red in the face. Monique’s parents are all smiles, even my parents look proud at me. Our parents started talking and even saying jokes about marriage, busy na sila kaya kinuha ko na yung pagkakataon para makausap si Monique. I went to Monique and said, “I want you to be my girlfriend, will you give me a chance?”

“Yes, I will give you a chance.” She said with a smile.

I was so happy that I shouted! Suddenly all my friends are there.

Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko ang graduation namin.

[Niko’s POV]

Graduation came and passed by. After a few days, dumating na ang araw na aalis na ako. Nakita ko na lahat ng tao maliban kay Kinna. Alam kong mahirap ito para sa aming dalawa.

Nang biglang may nakita akong babaeng nagtatago sa may likod ng pader. Akala niya hindi ko siya nakita kaya nilapitan ko siya nung tumalikod siya.

“Nana.” Sinabi ko yun habang dahan-dahan akong pumunta sa harapan niya. Nakikita ko na hindi talaga siya nakatulog. Namumugto pa yung mga mata niya.

 “Huwag ka umiyak. Please?”Nakita ko kasing namumuo na yung luha sa mata niya. Nasasaktan akong makita siyang ganito.

Nakatayo lang kaming dalawa at nakatitig sa isa’t isa.

Nung paalis na ako, sinabi ko sa kanya na, “Kinna, babalik ako, promise.”

I kissed her forehead. That’s the time I saw her crying. Ilang beses na akong tinatawag kaya kailangan ko nang umalis.

And for the last time, I kissed her lips and said, “Please smile for me.”

Tapos ay ngumiti siya. Napangiti rin ako nang makita ko ang ngiti na kanina ko pa gustong makita bago umalis. Nakakatuwa yung ngiti ni Kinna, napakaganda ng ngiti niya para sakin.

Tapos ay tumalikod at naglakad na ako paalis.

Suddenly, I felt Kinna’s presence at my back. She is hugging me habang nakatalikod ako.

“My Koko, I’ll wait for you.”

Nasa America na ako, araw-araw akong tumatawag kay Kinna. Nag-aaral kami kapag magkausap sa phone, nagrereview na din siya para sa board exam. Lagi din akong updated sa Instagram at Facebook niya, natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mga recent pictures niya. Madalas niyang kasama sila Althea at Red sa pagrereview, pati nung ilalabas na yung resulta ng board exams, magkakasama pa rin kami ng mga kaibigan ko. Naka-skype kami syempre, at rinig na rinig ko yung tili ni Red nang nakita namin na pasado kaming lahat.

How to Fall in Love AgainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora