Step 7: Laugh

24 2 0
                                    

STEP 7: LAUGH

[A/N: Excited na kaming lumamig ang paligid, Kaya kahit summer na summer pa, Christmas special po ito! <3]

[Red’s POV]

Sobrang busy namin na mga second year med students kaya halos hindi na namin namalayang December na pala. Excited na kaming lumamig ang paligid para sa Christmas Special!

Before that, rewind muna.

Natapos na yung play sa Biochem. Malaki pa rin ang hinanakit ko na hindi ako yung naging mother. Bakit nila ako ginawang retarded sa play? Hindi ba nila nakitang sayang ang beauty ko dun? Saka hindi ko tuloy nakapartner si Papa Nathan Sungit ko.

Ang dami nang nangyari! Ang LQ nila Kinna at Niko, ang confession ni Monique kay Nathan at ang namumuong pagtitinginan nina Anthony at Irene. Si Althea ay may secret love pero dahil secret kaya hindi ko sasabihin sa inyo! OMG! Love is really in the air! What else? WAIT! bakit ako walang lovelife? huhu!

Sana naman kilala niyo ako. Siguro not by my name but by my beautiful peslak. Charot lang. Di bale, magpapakilala na lang ako.

Ako si Red James--NEVER call me James!---Ako ang hingian ng advice ng mga BFFs ko na sila Kinna, Althea at Monique. Oh. Love problems!Hihi!Sa barkadahan nakasama na din namin si Irene pero snobbish parin kasi ang lola mo na ‘to. Feeling ko sumasama lang siya samin dahil kay Papa Anthony. Ang mga boylet sa barkada ay sina Papa Anthony at Papa Niko. Sabi ni Althea ay Papa din daw ako. Sabi ko naman, sorry pero pagkapanganak ko sa mundong ito eh alam kong dyosa na ako. Mala-Anne Curtis lang ang peg?! Why not!

Balik tayo sa present! Last day ng class bago magstart ang Christmas vacation at wala pa ring plano ang lahat.Ang hirap mapalibutan ng mga taong clueless. Halata naman na gusto nilang makasama yung taong gusto nila for today kaso nga lang it’s either hindi pa nila alam kung sino yung gusto nila o nagkakahiyaan pa. Ako lang ang all knowing saming grupo! Mukhang it’s up to me to bridge the gap!

“Friendships!Mag-exchange gift tayo!” Bigla kong sabi.

“Huh? Paano? Hindi naman tayo nagprepare ng gifts.” Sabi ni Althea.

 “So? Bibili na tayo ngayon na! Magbunutan na tayo ngayon at magkita na lang tayo mamaya sa Wishy Lemon para sa Christmas dinner natin.”

But the catch is, they didn’t know that I’m manipulating kung sino ang mabubunot nila as Monito/Monita. How did I do it? Magic! I’m so Fairy-Dyosa-Sister to them!

Nakita ko na medyo malungkot si Monique. Hmm… Wala kasi si Nathan. Well, hindi naman namin nakakasabay talaga si Nathan.

Parang nagka-lightbulb bigla sa utak ko. Ano yun? Secret muna!

Pagkatapos ay nagbunutan na kami. Magkakahiwalay kaming naghanap ng ireregalo para sa nabunot namin.

This is it! Nagkita na kami sa Wishy Lemon. Ang sosyal ng ambience ng restaurant na ito. May mga stars at moon sa roof para talaga sa dyosang katulad ko. May malaking telescope pa para sa paghahanap ng boylet! Ay teh?! May nakikita rin akong mistletoe, nasaan kaya si Santa Claus para sa kiss ko? Baka kasi siya na ang love life na hinahanap ko! Si Rudolph na lang ang kulang para sa pagmamaganda ko! But everything is so mystical! Love it!

Enough of that. Nagbigayan muna kami ng gifts. 

Niko to Kinna: Kinna to Niko: Anthony to Irene: Irene to Anthony: See? I’m so genius!Ako ang kinikilig para sa kanila!

Monique to Althea: Althea to Red

At dahil si Monique na lang ang walang natatanggap sa exchange gift, nakatingin na siya sakin.

“Sorry Monique, hindi para sayo ito eh.” Tinaas ko yung kamay ko na may hawak na cellphone.

“PAPA NATHAN! DALIAN MO NGA!!”

Biglang nagsalita siyahabang nakatayo sa may pintuan, “Huwag mo nga akong tawaging ganun, kinikilabutan ako!” Naglakad siya papalapit at tumingin siya kay Monique. Namumula yung tips ng tenga niya.

“Exchange gift ko para sa’yo Monique, sabi kasi ni Red ikaw daw nabunot ko.”  Medyo tulala pa si Monique pero yung ngiti niya abot tenga.Pagkaabot ni Nathan kay Monique ng regalo niya. Inabot ko naman kay Nathan yung regalo ko sa kanya.

Mission Accomplished!

[Kinna’s POV]

Magkakasabay naming binuksan ang mga regalo pagkatapos mag-abutan. Ang saya ko kasi si Niko ang nakabunot sakin. Sobrang kinikilig ako. Binigyan ako ni Niko ng yellow necklace with a falling star pendant. Makikita talaga kung gaano ako kasaya. Kung pwede nga lang lumipad katulad ni Peter Pan, nagawa ko na!

Binigyan ko si Niko ng wristwatch which symbolizes that he needs time. A lot of time to pursue his dream to be a doctor someday, and for a fact that he needs time to move on. Feeling ko nagets niya kung anong ipinapahiwatig ng regalo ko sa kanya.

I saw Anthony holding wallet while Irene and Althea got stuffed toys. Nathan got a book entitled, “Five People You Meet in Heaven”, sobrang daming lessons na mapupulot ni Nathan dun. Sana po pulutin niya talaga. I also saw Nathan reading something sa cover ng book then he smiled. I glanced at Monique, she’s holding a pink dress which is below the knee with cute ruffles and ribbon. Si Red naman, ayawipakita samin kung ano ba yung nakuha niya so I asked Althea,sabi niya magazine raw yun na may mga lalaki. Kayo na mag-isip kung anong klaseng magazine yun. Basta, I saw Red looking shy whenever asked kung ano ba talaga yun.

We ordered Meal # 3 which is composed of: Spaghetti, Pizza, Shrimp, Sisig, and Strawberry Shake.

Nagulat kami kasi may dalang Blueberry Cheesecake si Nathan for dessert.

Nakakagutom kaya hindi muna kami nagpapansinan habang kumakain nang biglang tumayo si Red. So our eyes became wide opened as we looked at him. Nabilaukan si Red dahil sa shrimp. Naguunahan kami para I-Heimlich Maneuver sana siya kaya nagulat kami when he shouted, “Don’t move! Ang gugulo ninyo! Ililigtas niyo ba talaga ako?! O lalo akong madededz!!” That’s when we all laughed. Nakakahiya naman kasi kung bigla na lang siya namatay dahilsakatakawanwith med students around him. Si Red talaga!

[Niko’s POV]

I went to the restroom habang nag-uusap sila pagkatapos kumain. Nagulat ako kasi sinundan pala ako ni Anthony. 

“Dude, I know that something is bothering you. If it’s because of your past. Well, I think you need to face your problem sooner. I know it’s hard but if you will give yourself a chance...”

Napatigil siya kaya nalabuan ako. “Continue what you are saying.”

“Nope. I want you to figure it out yourself.”

That got me thinking. I went back to our table first then Anthony followed after me. 

[Red’s POV]

Tapos ay umuwi kaming lahat ng may ngiti sa aming mga labi. Napakasaya naming lahat!

KayaIto ang istorya kung paano ako naging Fairy-Dyosa-Sisterat napasaya silang lahat. 

MERRY CHRISTMAS TO ALL! Hihi heart!

[Niko’s Voicemail for Mandy]

“Beep”

“Hello Mandy, I celebrated a Pre-Christmas with my med friends, it was fun. We shared laughters and gifts. I really want to treasure them.Well, what’s bothering me is yung sinabi sakin ni Anthony. Is he talking about you? Well, don’t worry yourself there. I love you, Mandy. As always.”

“Beep”

How to Fall in Love AgainUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum