Paano ko ba ito sisimulan? Andito kasi ako sa bahay, nag-iisa, at hindi makatulog. Writer ako sa Wattpad pero hindi madami ang followers ko. May ilan na din akong librong na-post at nakumpleto pero so far, hindi ganun kadami ang nagbabasa ng mga ito. Pero kahit na ganoon, nagpapasalamat ako lalo na sa mga nakukuha pang mag-iwan ng comment para sabihin na ang ganda ng story. Nakakaganda ng araw.
Wala akong plano na maging sikat. Gusto ko lang sumulat at mabasa ito ng iba, nasaan man sila sa mundo o sa Pilipinas. Kahit yung profile ko walang picture kasi para sa akin, I want them to hear the story by reading it –and my hidden message doon; without knowing who I am.
Sulat lang ako ng sulat. Andami kong naging pangarap noon na gusto kong maging. Kaso, sa buhay, meron at meron kang babalikan at hahanap hanapin. Sa akin, ito ay ang pagsusulat.
Today, ibang story ang gusto kong ikwento. Maraming umiikot na story sa isip ko pero sa ngayon, ito ang nangibabaw. Sabi nga nila, mahirap ipilit ang isang bagay na hindi pa napapanahon. Pero kapag napapanahon na ito at hindi ginawa, baka pagsisihan sa bandang huli.
Matanong ko kayo. Meron ba kayong taong kilala na kung titignan mo ang saya saya? Yung halos kainggitan kasi parang wala siyang problema? Pero may kakilala din ba kayo na halos lamunin na ng problema at tinangka na nilang tapusin ang buhay nila?
I was both. Karamihan ng nagsasabi sa akin, ang ingay ko daw, malakas ang boses, tawa ng tawa. May isa pa nga akong kasabihang narinig. "Ang latang maingay, ibig sabihin walang laman."
I agree and disagree. Iba ang thinking ko sa lata na ganyan.
Pwedeng maingay siya talaga at kuda lang ng kuda at kung anu ano ang pinagsasabi. In short, pabida. On the other side, gusto ko ito bigyan ng iba pang meaning. Pwede din kasi na sobrang punung puno na ito, kaya nag-iingay siya dahil iyon na lamang ang naiisip niyang paraan para mabawasan ang dinadala niya. Isang senyales na inilalabas ng subconscious mind na humihingi na ng tulong.
Tama ba ako o mali? May sense pa ba ang sinasabi ko? Sana nakakasunod pa kayo.
Mahaba habang kwentuhan ito. Sana samahan niyo ako. Sana buksan niyo ang puso at isip ninyo para sa mga taong kagaya ko –na nawalan na ng pag-asa, at minsan ng inisip na wakasan ang buhay. Hayaan niyo na for once, kahit hindi ko kayo nakakausap, maramdaman ko na andyan kayo at binabasa ang librong ito.
I am also wishing na sana, mabuksan ang mga isip ng ilan at maintindihan ang mga taong kagaya ko.
Let's go?
Violent reactions are welcome. We are entitled to our own opinions pero huwag lang mambabastos ng kapwa tao.
BINABASA MO ANG
Bilanggo
Non-FictionYung totoo, ano ang pumapasok sa isip mo kapag nakakarinig o nalaman mo na ang isang tao ay depressed? SUICIDE. Ayan, all caps. Many people cringe kapag naririnig 'yan. Pero aminin man natin o sa hindi, may ilang tao din ang naiisipan ng gawin iyan...