Lumipas ang isang taon, naging malumanay na ang lahat sa pagitan ng mother ko, ng tita Crisanta at ng tita Melissa. Technically, magkakaaway pa din sila pero hindi na katulad ng dati na nagsasakitan sila. From time to time, tinatawagan ko ang lola sa phone nila ng tita Melissa ng patago dahil pinagbilinan ako na huwag na huwag akong ko-contact sa kanila. Kapag ginawa ko daw iyon, hindi ako isasama ng mommy sa susunod na pag-uwi nito sa abroad.
Kahit ang lola ko ayaw nila patawagan sa akin dahil baka si tita Melissa lang daw ang makasagot ng phone at ano pa daw ang masabi ko. Sabi nga noon ng tito Ram, isa daw akong naglalakad na disgrasya.
However, siguro dahil sa kagustuhan na din ng mga nakatatanda noon, isang araw dumadalaw na ang lola ko sa bahay namin hanggang sa kinalaunan, doon na siya nag-stay.
Nakakasali na ako sa mga school programs dahil lola ko na ang nagaasikaso sa akin ulit. Nakakakain na ako ng mga pagkain na gusto ko dahil binibilhan ako ng lola o ipinagluluto kahit na hindi ko naman hinihingi.
One morning, nagpapatugtog ang landlady namin ng malakas na music. Bilang bata, binati ko ito at sinabing, "Ang lakas niyo po magpatugtog, ginagaya po kayo tuloy ni tito Ram."
Honestly, wala akong masamang ibig sabihin doon. What I actually want to say is, pareho sila ni tito Ram na mahilig magpatugtog ng malakas. Hindi ko naman akalain na magiging dahilan ito ng isang hindi pagkakainitindihan.
Nag-church kami ng lola ko nung hapon at pagdating namin sa bahay, hinaltak ako papasok ng tita Crisanta pagbukas na pagbukas ng pintuan ng bahay. Tinulak ako nito sa pintuan at pinagsasampal. Kasunod ay ang mga sabunot at ilang malalakas na palo sa braso. Hindi pa nakuntento, pinaghahatak din niya ang damit ko na sinusuot kapag nagchu-church habang hinahampas ang likuran ko sa pinto, dahilan para mapunit at masira ito.
Hinagis naman ako ng tito Ram sa sofa at pinagtulungan nila akong sermunan. More like ipahiya at iparinig sa landlady namin na pinagagalitan ako.
Hindi na alam ng lola ko ang gagawin pero galit na galit ito sa tita Crisanta. Bakit daw ako binubugbog na hindi man lang ipinapaliwanag muna kung ano ang kasalanan ko. Ang payat payat ko daw bakit kung buntalin ako parang malaking tao.
Dinuru-duro ako ni tita Crisanta at sabi, "Putangina 'yang batang 'yan mommy! Baliw talaga 'yang hayop na 'yan! Kung hindi lang dahil sa ate hinding hindi ko kukunin 'yan! Bakit kailangan mo pa sabihin kila aling Marta na ginagaya namin sila sa pagpapatugtog?! Pumunta sila dito kanina at ang lakas ng pagkatok sa pintuan at galit na galit! Sinabi mo daw na maingay sila kaya ginagaya namin at nilalabanan ang pagpapatugtog nila!"
Sinubukan kong sumagot dahil hindi naman ganun ang sinabi ko. Pero pinaakyat ako nito sa kwarto at sinabing hindi daw ako kakain ng dalawang araw. Hindi daw ako lalabas ng kwarto at kahit tubig hindi ako iinom. Pinagsabihan din niya ang kasambahay namin noon na huwag na huwag akong aabutan ng pagkain o tubig dahil parusa ko daw iyon dahil sira ang ulo ko.
"Mommy pasensya na kayo pero kailangang madisiplina ng batang 'yan. Kapag hindi 'yan tinuwid ngayon, lalong hahaba ang sungay niyan." Pag-e-explain ng tito Ram sa lola.
Tumingin ng masama ang lola sa kanya at sinabi, "Hoy ikaw, pagdating na pagdating ng lolo niyan isusumbong kita! Sino ka sa tingin mo para saktan mo apo ko? Hindi ka nga namin kaanu-ano bakit ka nananakit? Ang lalaki ninyo kung makapanakit kayo sobra! Kung gusto ninyo ng away maghanap kayo ng mga siga sa labas tutal matatapang kayo! Hindi yung apo ko binubuntal ninyo! Isusumbong ko din kayo sa nanay niyan! Paano kung wala ako dito? Baka mabalitaan ko na lang patay na ang apo ko!"
"'Yan ang hirap sa'yo ma eh. Kaya lumalaki ang ulo niyan kasi kinakampihan mo! Kami na nga ang naagrabyado siya pa din ang kinakampihan mo!" galit sa sagot ng tita Crisanta sa lola.
BINABASA MO ANG
Bilanggo
Non-FictionYung totoo, ano ang pumapasok sa isip mo kapag nakakarinig o nalaman mo na ang isang tao ay depressed? SUICIDE. Ayan, all caps. Many people cringe kapag naririnig 'yan. Pero aminin man natin o sa hindi, may ilang tao din ang naiisipan ng gawin iyan...