4 - Ages : 8 and 9

44 4 0
                                    


I remember vividly that during this age, nag-umpisa na magkagulo ang pamilya namin. Ito na ata ang sign ng pagkakawatak watak and division sa amin. Kitang kita ko kung paano nagsampalan, nagsabunutan, nagmurahan, nagsapakan si tita Crisanta at ang pangalawa sa magkakapatid na si tita Melissa, sa dahilang silang matatanda lang ang nakakaalam.

"Tangina mo inggitera ka kasi! Palibhasa mas mahal ako ng ate kaysa sa'yo!" sigaw ni tita Crisanta kay tita Melissa.

"Tangina mo rin! Anong kaiinggitan ko sa'yo? Isusumbong kita sa daddy! Kapag may nangyari sa daddy sa Saudi ikaw ang sisisihin ko!" sagot naman ni tita Melissa sa kanya ng pasigaw.

Lola ko ang pinaka-naging referee nila pati ang bestfriend ng mommy ko na si tita Daisy na sa amin nakatira nung mga panahong iyon. Si tita Daisy na dumagdag sa listahan ng mga tao na naiinis sa kakulitan ko hahaha!

Naging napaka-routinary ng buhay ko noon. School, bahay, at naglalaro mag-isa. Meron akong mga nararamdaman na hindi ko maipaliwanag but I guess, malungkot ako noon. Madalas ko na marinig sa bestfriend ng mommy na "may sira kasi ang ulo mo kaya ganyan ka umarte" lalo na kapag walang nakakarinig o kapag walang tao sa paligid.

Little by little, naramdaman ko na ang absence ng marami sa kanila. Ang dati naming masaya at maingay na bahay ay napalitan ng hindi pag-iimikan. Lola ko ang madalas na kumikilos sa amin. Meron kaming kasambahay pero mukhang meron siyang problema. Iritable siya kapag nakikita ako. Minsan bigla nalang nitong tutuktukan ang ulo ko o minsan pa ay inuumpog ako nito sa bintana kahit nakasilip lang naman ako sa labas.

Dalawa na din ang anak ni tita Crisanta during this time. Mother ko ang naging financial supporter niya dahil ang asawa niya ay bata pa at halos kakaumpisa pa lang ata sa trabaho. Isang gabi, narinig ko ang pagbagsak ng pintuan ng taxi at ang kaluskos ng mga supot na bitbit nito.

Nakita ko na inabot niya ito lahat sa tita Crisanta at hindi ako pinansin kahit nakita na niya akong bumaba. Kahit buwan na ang lumipas, hindi ko malaman kung bakit nanumbalik sa ala ala ko ang pangako niya sa akin na pupunta kami sa Quad at hindi natuloy pati na din ang pagtanggi niya na bilhan ako ng piano.

Hindi ko naman talaga hinihingi ang isang napakalaking piano. Siguro kasi bata pa ako kaya lahat na lang ng may keys na black and white ay piano ang tawag ko. Keyboard lang talaga ang nasa isip ko.

Bigla ko din naalala ang sinabi niya sa akin na hindi niya ako ibibili ng dress para sa event namin sa church dahil mababa daw ang grades ko.

Bumalik ako sa kwarto nang maramdaman kong wala naman akong pasalubong na nakalagay sa mga supot na iyon. Nagalit na ako sa nanay ko.

Naiiyak ako habang nakahiga at naramdaman ang ilang yabag na papalapit sa akin. Inakap ako ng nanay ko pero inaalis ko ang mga kamay niya. Nagalit ako sa kanya that I don't want her near me. I don't want her touching me and I don't want her to talk to me.

Pero kahit nakatalikod ako sa kanya, her hands made its way on my eyes, tinitignan kung umiiyak ako.

"Bakit ka umiiyak? Naiinggit ka 'no?" sabi nito sa akin.

Hindi ko siya sinagot. I am badly wanting to shout lolo's name. Hindi ako naiinggit sa kahit na anong binigay niya sa tita Crisanta but rather, bakit sila, without even asking much for it, binibigay niya pero ako na anak niya, parang ok lang na hindi niya tinutupad ang mga pangako niya sa akin at pakiramdam ko noon, pinagdadamutan niya ako.

"Hayaan mo sa susunod ikaw naman. Kawawa naman kasi ang pinsan mo. Baby pa tapos walang gamit. Huwag ka na mainggit."

Umalis na lang siya sa tabi ko nang wala siyang nakuhang sagot sa akin kundi, "Okay."

BilanggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon