At this age, I was in Grade One. Hindi ko masasabing magaling ako sa school dahil sa totoo lang, napakatamad kong mag-aral. Puro palakol ang grades ko. Hindi naman bagsak pero basta masakit siya sa mata hahaha! Lagi pa akong nasa listahan ng noisy. Doon sa listahan na 'yon, madalas top 1 ako! Undefeated! Kadalasan pa nga, beside my name, ay may ilang number sticks pang pagkahaba haba, na ang ibig sabihin ay kung ilang beses akong nag-ingay.
Not that I am proud of it, pero hindi ko maiwasang matawa tuwing maaalala ko.
Nung mga panahong ito, medyo matagal na ang pag-stay ng lolo sa Saudi kaya naiwanan lang ako sa pag-aalaga ng lola ko. Sa kabilang banda naman, medyo napapatagal ng kaunti ang nanay ko sa bahay ng lolo at lola pero halos hindi din kami nagkikita.
Hindi ko naranasang maturuan ng assignments or matanong kung kamusta na ako sa school or kung ano ang gusto ko maging paglaki. Pero sa edad kong 6, ang sabi ko, gusto ko maging doktor. Sa totoo lang sinabi ko lang na gusto ko maging doktor kasi yun ang madalas kong marinig sa mga ka-edaran ko noon.
Sa tingin ko, gusto ko talaga noon matuto mag-piano. Hindi lang gusto. Gustung gusto. Tuwing nakakakita ako ng mga bata noon na marunong mag-piano, inggit na inggit ako. Actually kahit ngayon na may edad na ako, I really wish na sana natuto ako mag-piano noon.
Actually para siyang isang pangarap na mananatiling pangarap na lang.
Nabanggit ko minsan sa nanay ko na gusto kong matuto na mag-piano. Hindi nga lang ata isang beses eh. Pero pare-parehong mga sagot lang ang nakuha ko. Takaw mata lang daw ako. Ang nangyari, binilhan ako ng lolo sa Saudi ng maliit na puting Casio na piano at magpaturo daw ako sa lola dahil may konting alam daw sa pagtugtog 'yon.
But since busy ang lola sa pag-aasikaso sa aming lahat, madalas siyang pagod kaya bihira lang malaro ang piano na binigay sa akin ng lolo.
Lumipas pa ang ilang buwan, napapansin kong tuwing gumigising ako, tulog ang nanay ko at ang step father ko; at kapag dumadating ako from school, oras lang ang bibilangin, aalis na sila. Bihirang bihira lang talaga kami makapagusap at magkita.
Pinaliwanag sa akin ng lolo at lola na may negosyo daw kami na "bar" ang tawag. Bilang isang bata, hindi ko pa alam kung ano ang bar pero nasagot ito nang minsan akong isinama doon. Maraming ilaw, malalakas ang tugtog, may taong nasa isang stage na nagsasalang ng malalaki pa sa plato na mga disc, at ilang kwarto para sa mga videoke.
Nung una, humahabol pa ako kapag umaalis sila pero hindi rin nagtagal, unti unti na akong nasanay at nagumpisa na akong hindi sila hanapin. Basta andun ang lolo o ang lola, pansamantala ko siyang nakakalimutan.
Kapag nasa abroad naman siya at tumatawag, hindi ko din siya madalas na nakakausap. Minsan kahit tinatawag ako ng lola or ng tita ko para kausapin ang mommy, hindi ako lumalapit sa telepono at tumatakbo ako palabas ng bahay para ituloy ang pakikipaglaro sa anak ng kapitbahay namin na kaibigan ko pa din hanggang ngayon.
Which reminds me, nakita ko ang diary niya when I was 18 years old. Sa kapal ng diary na iyon, dalawang beses lang ako nabanggit. Three sentences max. Hindi ko na sasabihin kung ano at sinu sino ang mga nakalagay doon pero isa lang ang na-realize ko; at sa next chapters ko na sasabihin kung ano iyon.
Going back, ito din ang edad ko kung saan mas nakilala ko pa ang boyfriend ng kapatid ng nanay ko. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid and for a time, masasabi kong naging kakampi ko din siya.
Tawagin na lang natin na "Tito Ram" ang boyfriend niyang ito. I was always looking forward sa pagdating niya. Like lolo, mahilig din siyang magpasalubong. Laging madaming chocolates, at hindi nawawala ang Planters Cheese Balls.
Minsan din, bigla lang niya akong yayayain kumain sa Jollibee at iiwanan namin ang tita ko na tawagin na lang natin sa pangalang "Crisanta."
Habang kumakain kami, tatawa tawa pa siyang kunwari bumubulong, "Asarin natin tita Crisanta mo. Ang bagal niya kasi kumilos eh hihihi! Pasalubungan na lang natin."
Para ko siyang kuya. Feeling ko nagkaroon ako ng bagong kakampi. Feeling ko noon, isa siya sa mga mapagsusumbungan ko kapag merong umaaway sa akin. Kaso, feeling ko lang pala 'yon.
The cycle went on and on.
I am still in the wait na sana magkaroon kami talaga ng time ng nanay ko na somehow magkausap pero masyado siyang busy. Pero kapag nagkakaroon ng pagkakataon, tuwang tuwa ako only to realize that it will soon be cut short. Very limited.
I once overheard my mom's bestfriend told her, "Ikaw din, kapag lumaki na 'yan at nagkaisip, baka pagdating ng panahon na 'yon, malayo na ang loob niya sa'yo."
Malay ko ba kung ano ang ibig sabihihn nun sa totoong buhay diba? So I continued everyday life as it is, tapping whatever I can touch like I am playing piano for real.
At this age, dito na nagumpisa na meron na akong kakaibang nararamdaman na hindi ko naman masabi sa kahit na sino. Lagi akong natatakot at minsan nanginginig pa nga ako. Tinago ko ito ng mahaba habang panahon dahil sa takot ko din masabihan na baliw.
Yung may bumubulong sa akin at paulit ulit sinasabi na "Tanggalin ko daw ang mata ko para hindi ko na sila makita habang buhay."
Oo, tama ang nabasa ninyo. Pinatatanggal sa akin ng boses na iyon ang mga mata ko para daw hindi ko na sila makita. Ilang beses ako sinusumpong pero hindi ako nagsasabi kahit sa lola ko. Naalarma lang sila nung minsang tinanong ko pa sa lola ko kung napapalitan ba ang mata kung tatanggalin ko.
Kasi after a few days, pinacheck up nila ako. Binigay sa akin na gamot is Klaricid na nung lumaki ako at hinanap ko sa internet kung anong klaseng gamot iyon, para lamang itong antibiotic. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang binigay. Tanda ko pa, sabi ng doktor baka daw napapasukan ng buhok ang mata ko kaya gusto ko dukutin. Takte. Ampanget pakinggan. Dukutin. Pero iyon ang totoo.
Naging ok naman, pero after a few days, bigla na lang ako minsan tumatakbo sa lola kapag naririnig ko ang boses na naguutos sa akin gumawa nun. May times pa nga na inuutusan niya ako na ihulog ko ang sarili ko sa hagdanan o minsan ay kumuha ng kutsilyo at isaksak sa sarili ko.
Sinubukan ko magsabi sa lola ko at nabanggit ito sa nanay ko. Sabi ng tita Crisanta, dapat daw dalhin ako sa mental hospital at iwanan doon kung kailangan. Pero hearing the word "hospital" made me a little panicky as a kid.
Takot na takot ako.
Nanginginig ako minsan sa takot pero hindi ko pinapakita since nung huli nila akong dinala sa doktor. Kasi since that day, I have been hearing the same things from their mouths. Baliw daw ako. Siraulo. Tatay ko daw may lahing baliw kaya hindi malayong may sayad ako.
I badly wanted to run to my mother's arm pero nung makita ko ang mukha niya noong mga panahong pinauulanan nila ako ng mga salitang hindi makatarungang sabihin para sa isang six year old, naging distant na ako sa kanya.
Kitang kita ko sa mukha niya na hindi man siya nagsasalita, I know for a fact that she is agreeing with them. Hindi niya ako pinagtanggol. Hindi sumama ang loob niya. Tumango tango pa nga siya eh.
Sa mga sumunod pang araw, linggo at buwan, tuluyan na niya akong hindi na nabigyan ng pansin maliban na lamang kapag may babayaran sa school o activities na kailangan pumunta ng mga parents. Depende pa iyon minsan dahil busy sila.
Also, ito rin ang edad ko nang ikasal na ang mommy at ang then-boyfriend niyang tinatawag ko nanag daddy ngayon.
BINABASA MO ANG
Bilanggo
غير روائيYung totoo, ano ang pumapasok sa isip mo kapag nakakarinig o nalaman mo na ang isang tao ay depressed? SUICIDE. Ayan, all caps. Many people cringe kapag naririnig 'yan. Pero aminin man natin o sa hindi, may ilang tao din ang naiisipan ng gawin iyan...