October, pinaghanda ako ng mommy. Or so I thought. Nagpadala sila ng pera para macelebrate daw kahit konti ang birthday ko. Sa bahay lang naman pero somehow, it was fun. Ininvite ko ang mga kaklase kong ka-close ko pati yung mga batang kapitbahay namin na mga kaedaran ko, even yung ibang mga mas matanda sa akin ng kaunti.
Boys and girls.
Siyempre, after ng celebration ng birthday ko, malamang umuwi sila! Hahaha!
Tumulong ako ng kaunti sa pagtapon ng basura kasi daw birthday celebration ko 'yon at wala daw akong katulong kaya dapat ako daw ang magligpit at magtapon ng mga kalat.
Siyempre since sanay na ako ng ganun nila ako kausapin, hindi ko naman alintanang labag pala sa loob nilang pinaghanda ako ng party. Utos lang kasi ng mommy na ipaghanda ako kaya wala silang choice kundi sumunod dahil nanay ko ang nagbabayad ng bahay at ng lahat.
Pagkatapos, dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog dahil gabi na nun.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas pero naramdaman kong ginigising ako ng tita Crisanta at sabi, "Hoy, bumangon ka diyan at tupiin mo lahat ng damit na nilabhan. Pagkatapos mo magpasarap tutulugan mo na lang ako?"
Sabay bato sa akin ng mga damit na nakahanger pa at lumabas na ng kwarto.
Naiyak ako. Kasi naramdaman ko noon na hindi pala bukal sa loob nilang ipinaghanda ako ng birthday party. Tsaka dala na rin siguro ng antok. Antok na antok na kasi ako noon. Tulog na nga ako eh. Hahaha! Ang selfish ko ba?
Bumalik ang tita Crisanta sa kwarto ko kasi meron pa palang gabundok na second batch ng mga tupiin. Nahuli niya akong umiiyak. Nagsalubong ang kilay niya sabay bato sa akin ng mga damit na hawak niya.
Hindi ako kaagad nakasagot pero eitherway, pagagalitan din naman ako kaya sumagot na ako.
"Inaantok na po kasi ako."
Kitang kita ko kung paano huminga ng malalim ang tita ko at mistulan itong lumipad papalapit sa akin, with her arms stretched that is going for my hair again at nagsisisigaw na parang pinaririnig pa niya sa mga kapitbahay.
"Tangina mo kung may pagod dito ako 'yon! Wala kang karapatang magreklamo! Pinagparty ka na nga at lahat tapos pagtutupiin ka lang ng mga damit andami mo pang sasabihin?! Hoy para sabihin ko sa'yo, si Daisy (yung bestfriend ng nanay ko na tumusok sa ulo ko ng matulis na lapis) ang nagpahiram ng pera dahil hindi umabot ang pera ng mommy mo! Kahit masama ang loob niyang magpahiram dahil wala ka daw utang na loob! Napakakapal talaga ng mukha mo!"
Kasabay ng maraming sigaw, ay ang malalakas na sabunot na nagbigay ng malalaking bukol sa ulo ko after.
Habang sinasabunutan ako ng tita ko, nakakaramdam na ako ng mga bulong sa akin. Sabi gumanti na daw ako dahil hindi na tama ang ginagawa sa akin. Tapos ang kabila naman ay binubulong na mas matanda pa rin sila sa akin and that I have to respect them.
Instead, I held my tita's wrist with a tight, angry grip. A grip na alam mong nagagalit na din ako. Pero wala ng iba. Hindi katulad ng sinumbong niya sa nanay ko nung mga grade 5 na ako na tinulak ko daw siya at lumaban daw ako.
Going back, natapos iyon ng may mga bukol nga ako sa ulo at sinigawan ako na wala akong karapatang matulog hangga't hindi tapos ang trabaho ko.
Nang makalabas siya sa kwarto ko, andun pa din ang mga bumubulong sa akin na hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi. Ang alam ko lang, they wanted me to do something that is not good.
-----
Between Grade 4-5 na ako ng mga edad kong ito. But still, mahilig pa din ako makipaglaro sa mga batang kapitbahay namin. Minsan medyo napagbabawalan na kasi dahil malaking bulas na nga ako, at tumutubo na ang dibdib ko noon, they automatically considered me as nagdadalaga kaya sinabihan ako ng tito Ram at tita Crisanta na hindi na ako pwede makipaglaro sa mga kaibigan kong lalaki.
BINABASA MO ANG
Bilanggo
Non-FictionYung totoo, ano ang pumapasok sa isip mo kapag nakakarinig o nalaman mo na ang isang tao ay depressed? SUICIDE. Ayan, all caps. Many people cringe kapag naririnig 'yan. Pero aminin man natin o sa hindi, may ilang tao din ang naiisipan ng gawin iyan...