Sa tingin ko, ito ang edad kung saan nagumpisa ang pagiging salbahe ko. I also remember that at this age, may ilan akong mga kaklaseng nakasakitan ko. Babae man sila o lalaki.
Natatandaan niyo pa yung sinabi kong crush ko na nasa nakaraang chapter? Nakaaway ko din siya. To be exact, sinuntok ako nito sa mata. Nagka-black eye ako at nagalit ang tita Crisanta pag-uwi ko. The next day, pumunta siya sa school at kinausap ang teacher namin na inamin din na pinapahiya niya ako talagang sadya sa classroom kapag makulit ako.
Hindi ko alam kung totoo o hindi, pero according sa teacher namin, tita Crisanta said, "Tama lang ho 'yon. Kung tingin ninyo 'yun ang tama."
Yung adviser ko nga din sinabihan din ni tita Crisanta na ako ang dahilan kung bakit palipat lipat daw kami ng bahay dahil daw sa ako nga ang dahilan. Palatahi daw ako ng kwento at napakaharot ko. I literally felt that everyone around me hates my very existence and I think, I started to turn into someone, that I am giving my full consent to fight back every freaking time.
Going back, gumanti ako sa crush ko na iyon, kasama ang bestfriend niya. Sinuntok ko silang pareho kaharap ang teacher namin. Pero bago ko sila nasuntok, it took me quite a long time before finally doing it. Para kasing may mga bumubulong na sa akin na tila nagtatalo na patawarin na lang sila at opposite naman ang sinasabi ng kabila ---tindihan ko daw ang sapak, basagin ko daw ang mukha.
Another thing, meron din akong isang kaklase na umiyak dahil palagi ko na siyang pinapatulan. I was so happy seeing her cry. It felt so good having my own, childish revenge sa mga kaklase kong hindi ko naman pinapansin ang mga tirada noon.
Little by little, they all started to give me piercing glances instead of simply saying whatever they want to say. Naging laman ako noon ng guidance office. Not that I am proud of it but sa tingin ko, isa iyon sa mga dahilan nila kung bakit tumigil ang karamihan sa pambuwbisit sa akin. Dahil alam nilang hindi ako takot sa guidance office.
Shit got so real by the way because meron akong nasaksak na kaklase. Nahiwa ang parte ng face to be exact. Hindi malalim, just a plain painful scratch dahil mabuti na lang, nakailag ito.
Meron kasi kaming project noon sa Christian Living. I am a non-Catholic. We were asked to draw a rosary and i-identify kung nasaan ang joyful, sorrowful, glorious mystery, at kung ano pa ang nakapaloob sa rosary na hindi ko na matandaan kung ano.
Kahit non-Catholic ako, ginawa ko ang assignment na iyon dahil sa tingin ko namang masama kung matututunan ko ang ilang practices and teachings ng ibang religion. Totoo 'yan. Wala talagang masamang tinapay sa akin noon. Kahit ano pa ang religion wala akong pakialam. Basta mabait sa akin, mabait din ako sa kanila.
Mali daw ang pagkaka-drawing ko ng rosary. Dinrawing ko lang kasi kung ano ang nasa book. Walang sample drawing ang rosary sa librong ginagamit namin kaya ginandahan ko na lang ang design nito. The teacher said, natutuwa naman daw siya dahil kahit papaano, sinubukan ko.
However, there is this guy in my class that shouted, "Palibhasa demonyo kayong mga ******** kaya rosary lang hindi mo pa ma-drawing. Puro tanga ang mga nasa religion ninyo diba? Sabi ng nanay ko kulto daw kayo. Puro kayo mangkukulam."
Sa sobrang biglaan ng pag-spike ng galit ko, tumalon ako mula sa desk ko papunta sa kanya and, managed to slash him with the sign pen that I have in my hand.
Magkahalo ang mga reaksyon na natanggap ko mula sa mga kaklase ko. May mga sumigaw na baliw daw ako pero tumatakbo kapag nililingon ko. May iba namang kumampi sa akin at sinabi sa estudyanteng iyon na "Bakit kasi pati religion niya dinamay mo? Buti nga sa'yo!"
Lalo akong nagalit nang sumigaw ito, "Isusumbong kita sa nanay mo!"
I was thinking, WTF?! Puro nanay niyo na lang ang tinatawag ninyo kapag hindi ninyo mapanindigan ang pakikipagaway ninyo sa akin?! Kalalaking tao iiyak iyak ka sa harapan ko kapag pinatulan kita?
BINABASA MO ANG
Bilanggo
Non-FictionYung totoo, ano ang pumapasok sa isip mo kapag nakakarinig o nalaman mo na ang isang tao ay depressed? SUICIDE. Ayan, all caps. Many people cringe kapag naririnig 'yan. Pero aminin man natin o sa hindi, may ilang tao din ang naiisipan ng gawin iyan...