Prologue

43 3 0
                                    

Nangingiti ngiti pa ako habang tinatahak ko ang madilim na kalsada malapit sa bahay namin. Ang saya saya ko kasi excited na ko i-balita kela mama na nakuha akong scholar ng isang sikat na unibersidad!

Fourth year highschool na ako at onting kembot na kang graduate na! Hindi naman kami mahirap kasi masipag ang tatay ko sa pagpapasada buong maghapon.

"Ate Sandraaaaaa!" Nagulantang ako at napalitan ang ngiti sa labi ko nang makasalubong ko ang hapong-hapo na bunsong kapatid kong si Andrea.

"Bakit? Ano bang meron at nagmamadali ka?" Tanong ko

"A-ate si p-papa po.." Panimula nya

"Ano?! Sumagot ka na ng maayos nagaalala na ko!" Pasigaw kobg sabi sa kanya. Sa totoo lang kinakabahan na talaga ko eh

"K-kasi po ate k-kanina po b-bumangga daw si p-papa sa Manhattan Road. C-critical daw si papa!" Napahagulgol na ang kapatid ko ng sinabi nya ang kanyang masamang balita

Napatakip lang ako sa aking bibig at dali daling tinakbo ang ilang metrong layo ko mula sa bahay. Pag kadating ko doon ay wala nang tao.

"Nasaan sila Andrea?" Tanong ko naman na may bakas pa din ng pinaghalong lungkot at pagaalala

"Nauna na po sila s-sa hospital, ate." Aniya. Di pa din ito nakakatahan ng maayos kaya nauutal utal pa sya.

"Saang hospital ba? Gusto ko na silang sundan!" Sabi ko naman. Gusto ko na talagang mapuntahan ang tatay ko

"Sa bandang Villa Caranoa daw po, unang kanto." Sabi pa nito.

Dali dali naman akong kumuha ng iilang gamit at hinatak ko na ang kapatid ko papunta sa hospital. Nang marating namin ang hospital ay halos puno ito dahil ang dami ng tao.

Dumiretso agad kami sa isabg nurse upang itanong kung saan ang emergency room at nang tinuro nya na ang daanan ay agad agad na naming tinahak ito.

Unang nahagip ng aking paningin ang tatay kong puro tubo sa katawan. Nanlumo ako ng sobra sobra habang tinitingnan ko ang mga gasgas at sugat nya sa mukha, balikat at iba pang bahagi ng katawan.

"Sandra, nandito ka na pala" sabi ni Kuya Andrey. Di nya siguro ako napansin dahil masyadong malalim ang iniisip nya kanina.

"Opo kuya, ano raw ang sabi ng doktor?" Mabilis kong untag

"Hays.. Ayun, malala daw ang epekto pero wag kang magaalala, makakayanan to ni papa" pagpapalakas ni kuya sa loob ko

Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit wala pang gf si kuya. Bukod sa napakabait at gentleman nya ay may taglay sya na kaguwapuhan. Pareho kami ng kulay, katamtaman lang. Ang mata ni kuya ay bilugan at masyadong expressive. Pointed naman ang kanyang ilong at ang kinaiingitan ko sa kanya, ang labi nyang mapupula.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang doktor. Nagising naman si mama na namumugto pa ang mga mata. Hays. Naawa tuloy ako.

"Mrs. De Vera" tawag ng doktor

Agad agad namang lumapit si mama sa doktor. Inabot ng doktor ang isang papel at nang mapagtanto ko kung ano ito, dali dali kong tiningnan ang bill namin.

295,000 php

WHAAAAAAAAAAAT?!

Natulala naman si mama sa bill at napahagulgol ulit. Hinimas himas ko naman ang likod nito

"Bakit? Ano daw sabi?" Pagtatanong ni Kuya

Di na naman ako nakapagsalita kaya inabot ko na lang kay kuya yung papel

"Hala.. Napakalaki naman yata nito?" Halatang nababalisa na rin si kuya dahil alam nya na magiging malaking problema namin ang pagkukuhaan ng ganito kalaking pera

"Baka dahil sa mga apparatus at iba pang gamot na ibibigay o ibinigay kay papa" pagpapaliwanag ko.

"M-mga anak, pasensya na ha? Hindi n-nyo dapat iniisip ang mga ganitong bagay" malungkot na sambit ni mama

"Ano po ba--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pumasok ang isang lalaking nakasalamin, parang lumalaktaw ang tibok ng puso ko, bumabagal ang mundo ko... nurse yata sya pero sheeeet starstruck aquh beh😩

Ang ganda ng mga mata nya, tila ba nangaakit, ang mga pilikmata nya na mahahaba, ang labi nyang parang ang sarap halikan-- ugh! Shems Sandra! Maghunos dili ka!

"HOY SANDRA!" Bigla naman akong nagulantang at napaayos sa sarili ko nang sumigaw si kuya.

Tumatawa tawa pa sya kainis -.-

Pero.. Yung lalaking yon, nurse ba sya? Pero bakit parang hindi naman dahil mukhang bata pa sya? Makikilala ko pa kaya sya? Sino ba sya?

All About USWhere stories live. Discover now