Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit nagagalit si Vince sakin. Pauwi pa lang ako ngayon sa mansyon.
Bubuksan ko na sana ang pintuan nang bumukas ito bigla at bumungad si Vince. Mukha syang galit..
"Bakit ngayon ka lang? Gabi na ah?" Tanong nito habang galit pa din
"Ehh-- k-kasi.." Di ko masabi natatakot ako sa kanya
"Tss" sabi nya sabay talikod
"Uyy Vince sorry na! Ano bang nagawa ko?" Tanong ko
"Ewan" malamig nyang sabi sabay akyat sa kuwarto nya
Napatingin naman ako sa kusina. Naiwan ni Vince yung phone nya doon. Tatawagin ko sana sya kaso sinara nya na yung pinto.
Dahan dahan akong lumapit para silipin yung phone nya.
Vince: Hey Britney
Vince: hey sorry
Britney: Don't talk to me
Vince: sorry... Please, I'm really sorry. I love you.Unti unting nadudurog yung puso ko at lumayo sa phone nya.
Tumakbo na ko sa kwarto ko at ni-lock yung pinto.
Ang sakit sakit. Akala ko bad trip sya kasi nagseselos sya kay Vonn. Yun pala ilusyon ko lang ang lahat. Bakit ba kasi umasa ako? Bakit ba kasi binigyan ko ng ibig sabihin ang lahat? Bakit ba ko naniniwalang gusto nya ko?
Ngayon malinaw na sakin. Galit sya kasi magkaaway sila ng gf nya. Hindi ako ang rason.
Hindi ako.
Nagising ako ng 7:12. Since Sabado ngayon. Ako ang nakaassign sa lahat. Ayaw kasi ako pagawaain ni Mrs. Zamora pag weekdays at masyado daw akong mapapagod kaya tuwing weekend lang ako maninilbihan pero buo pa din ang sahod ko.
Hays. Ang swerte ko talaga.
Bumaba na ako sa kusina at sinimulang magluto. Pininyahang manok ang iniluto ko. Nilinis ko na ang buong mansyon bukod sa mga kwarto.
Nagpahinga ako ng saglit at napatingin sa isang letrato.
Si Mr. & Mrs. Zamora, Vince at...
Britney.Hindi maalis ang tingin ko sa letratong iyon.
Maganda naman si Britney at di ko maiwasang ma-insecure kasi kahit anong mangyari. Hindi ko maipagkakaila na sya ang mahal ng taong gusto ko.
Sina Vince at Mrs. Zamora lang ang kumain. Wala pa din daw kasi si Mr. Zamora.
Hindi pa din kami nagpapansinan ni Vince.
Pagkatapos nilang kumain ay niligpit ko na yung mga plato at naghugas na ko ng pinggan.
Pagkatapos ng mga gawain, umakyat na ko sa kwarto ko at nagpahinga. Nalingat ako nang tumunog ang phone ko dahil may nagtext
"Hi"
Number lang ito kaya di ko kilala.
"Who are you?" I replied.
"It's me, Vonn. :)"
Pano nya nakuha ang number ko?
"How did you get my digits?" I asked.
"Let's just say, connections ;)" he texted.
Di na ako nagreply.
Napatingin ako sa oras. 2:30 pa lang. Ang booooooring. Gusto kong lumabas.
Aha! Kakain ako mag isa haha!
Nagayos na ko. Naka-off shoulder tops ako then ripped jeans.
Palabas na ko ng pinto nang may nagsalita.
"Saan ka pupunta?"
Natulala ako nang nakita kong si Vince pala yung nagtatanong.
"S-sa isang kainan lang." Tugon ko.
"With who?" Tanong nya habang nakakagat sa labi
Oh shocks not that way Zamora!
"With myself." I answered.
"Sama ko" sabi nya
Homaygash
"Eh? Baka magalit gf mo! Gusto ko pa mabuhay 'no!" Sabi ko.
Natawa naman sya.
"Sandali lang naman" sabi nya
Haysss mukha tuloy akong ahas neto
"Fine. Sandali lang ha?" Sabi ko
"Wait for me. Magaayos lang ako. I'll drive for us." He said.
I'll drive FOR US
I'll drive FOR US
I'll drive FOR USOh shit Sandra. Wag kang umasa sa pa-fall nyang words.
Not now please, not again.
Ayoko nang umasa at masaktan uli pero fuck! Dalang dala nya ko!
"Done, let's go!" Sabi nito.
Natulala ako sa porma nya. Shet bat ganon!
"Hey" utas nya
Sumakay na kami sa kotse at di pa din mawala ang kaba ko.
Damn you, Zamora!
"Saan ba?" Tanong nya
"Sayo." Tugon ko.
OH FUCKING SHIT. Napatakip naman ako sa bibig ko. HOY BIBIG! WHY R U LIKE DAT! HUHUHU SUCH A PRETTY TRAITOR
"What? Hahaha! You're crazy, Elisse!" Natatawa nyang asar
Nakitawa na lang din ako para di awkward
Tumigil naman sya sa isang cafe.
"Dito na lang, tara!" Sabi nya
Pumasok na kami sa cafe at agad naman kaming inasikaso.
"Couple foods po, sir?" Nakangiting tanong nung babae
Nawindang ako nang nakita kong tumango si Vince.
Kasabay nang pagbaling nya ng tingin sa akin ang tuluyang paghulog ng puso ko sa kanya.
Shit.
Pag kauwi namin ay gabi na. Agad naman akong dumiretso sa kwarto at nagpalit. Ghawd. Wala na! Hulog na ko!
Pero di ko parin makalimutan yung kanina. Kinikilig akooooo haha!
Kinikilig ako sa kanya, sa aming dalawa.
YOU ARE READING
All About US
Teen FictionPaano nga ba ang mahulog ng di inaasahan? Paano nga ba ang mahulog sa taong hinding hindi mo inaakala? And this, all of this, was All About US.