Chapter 1

31 3 0
                                    

Sino nga ba sya?
...

Hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa hospital. Pero hindi ko pa din makalimutan yung lalaking nakita ko. Parang nakalimutan ko lahat ng problema ko nung dumating sya. At ang damdamin ko'y tila nagsasaya pag nakikita sya.

"Sandra, may ipapakausap sana si mama sayo... Ayos lang ba?" Tanong ni mama. Medyo ayos na naman sya ngayon kaya di na sya mukhang pagod na pagod

"Sure po 'ma. Ano po ba yon?" Tanong ko naman. In fact mas gusto ko nga yubg ganito eh. Yung sinasabi nila yung gusto nilang ipagawa sakin kaya susunod na lang ako

"Mamasukan ka muna bilang kasambahay sa mga Zamora"
Sambit ni mama.

Para namang nagecho sakin yung sinabi ni mama. Seriously?! Huwaaaat?

"PO?!" gulat na gulat kong tanong haaaaays

"Oh bakit Sandra? Ayaw mo ba?" Tanong ni mama

"Ah-eh a-ayos lang naman p-po" utal kong sagot

Mamasukan ako para makapagbayad kami sa hospital. Tama!

"Bukas ka na magsisimula, anak. Kinausap ko na sila kahapon at pumayag naman sila agad. Mababait naman ang mga Zamora h'wag kang magalala, malaki rin sila magpasweldo" utas ni mama

Napatango na lang ako at nagisip isip. Oo nga, kailangan kong magtrabaho para sa kanila, para may pambayad na kami sa hospital at para sapat na ang pera namin sa araw araw. Kaya, kayang kaya mo yan Sandra!!!

Malalim na ang gabi at di pa din ako makatulog. Iniisip ko pa din yung pamamasukan ko sa mga Zamora. Hays.

Biglang nahagip ng paningin ko yung brown kong notebook na ako mismo ang gumawa. Ang mga pahina nito ay sinala ko sa apoy ang bawat gilid upang magmukhang maganda. Dito ko sinusulat ang mga tula at spoken word poetry ko. Dahil 'yon ang hilig ko. Naisipan ko na magsulat muli tutal di naman ako makatulog eh.

Sa gitna nang pagsusulat ko, naalala ko muli yung lalaking nakita ko sa hospital. Kaya naman sya ang gagawin kong tema, tama Sandra!

Sa kalagitnaan ng kalungkutan,
May isang anghel na dumaan,
Presensya nya ay minanmanan,
At sa kaniya ay natulala na lamang...

Ang puso ko ay di matigil,
Tila ba ito'y may pinahihiwatig,
Ako ay nagdududa ngunit...
Ito na ba ang pag-ibig?

Hays ang korni ko. Alam ko naman kasing di ko na rin makikita si Mr. Angel eh. Tsaka minsan lang naman ako humarot enebe

Sumapit na ang umaga at inayos na ni mama ang mga gamit ko. Gusto nya raw sya ang magaayos para sa akin kaya hinayaan ko na lang.

Alas otso daw ako pupunta sa mga Zamora at eksaktong Alas s'yete pa lang naman.

"Ate, ito oh binili ko kahapon sa isang bilihan" napatingin naman ako kay Andrea na may hawak hawak na panulat, may feather ito kaya ang cute tingnan.

Mangiyak ngiyak akong tiningnan ang napakasweet kong bunsong kapatid.

"Salamat Andi" sabi ko sabay yakap sa kanya.

Andi ang tawag ko sa kanya pag nilalambing ko sya at Andrea naman pag seryoso ako hehe.

"Ingat ka po dun ate ha?" Aniya habang nakayakap pa rin

All About USWhere stories live. Discover now