"...Well, I'm taken" ani Sir Vincent
Parang sumikip ang dibdib ko. Ang bigat ng pakiramdam ko pero itinago ko ang lahat ng iyon sa isang ngiti.
"Hey Elisse, are you okay?" Tanong nya
Napatango na lamang ako pero nanlamig ako ng hawakan nya ako sa balikat
"Are you sure?" Dagdag pa nito.
Napatingin lang ako sa kamay nyang nasa balikat ko. Agad nya naman inalis ito
"O-ohh sorry, Elisse." Aniya.
Nakonsensya tuloy ako. Pero kasi bawal na naman akong magnasa sa kanya kasi diba taken na daw sya? Huhu.
"Wala po 'yon, Sir Vincent" utas ko.
"Vince na lang. No more sir or whatsoever. Call me Vince. Aryt?" Sabi nito sabay kindat at umakyat na.
Naiwan ako sa kusina. Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan yung paghawak nya sa balikat ko, yung kindat nya at arghhh--- di ko rin makalimutan na TAKEN NA SYA.
Lumipat naman ako ng school na mas malapit sa mansyon ng mga Zamora. Inalok kasi ako ni Mrs. Zamora na pagaaralin nya na lang daw ako sa isang private school para naman di na ako uuwi pa sa amin. Bukas na ko magsisimulang pumasok. Nandito na rin yung kulay maroon kong uniform na may maiksing palda at mahabang itim na medyas. Haaaays
Liberty International School
Gabi na pero iniisip ko pa din yung bagong school ko bukas, hays.
*kring kring*
Agad naman akong nagising at kinusot ang mata kong kamumulat pa lamang. Tine check, 5:45 am. 7:30 pa ang pasok ko pero dahik madalas ay traffic dito, kailangan kong maging maaga.
Kinakabahan ako, nagsusuklay pa lang ako at 6:10 na. Nakaayos na naman ako, ayos na din ang gamit ko.
Sumakay ako ng taxi papunta sa bagong school ko at namangha naman ako sa taglay nitong karangyaan.
Pero pagtingin ko sa relo ko...
7:28 na!!! Ngek! 2 minutes na lang late na ko sa FIRST DAY KO HUHU!
kumaripas na ako ng takbo at nang matanaw ko ang room eh tumigil muna ako sa pagtakbo at naglakad na lang ng mabilis habang inaayos ang pagmumukha ko.
Pagka-apak ko sa loob ay kasabay nang pagtunog ng bell! Whoo! Di ako late NYAHAHAHAHA
Pero shems. San ako uupo?
Nilibot ko ang paningin ko at natuwa naman ako ng makita ko yung bakanteng upuan na katabi nung nakasubsob sa desk na lalaki. Naglakad ako papunta sa upuan ko pero nakatingin ang lahat sa akin. Fudge. Awkward bes huhu.
Pagkaupo ko ay biglang umupo ng maayos yubg katabi ko at nagulat ako pati ang puso ko dahil..
SI VINCE ANG SEATMATE KO!
"Hey Sandra! Ganyan na ba ako ka-pogi para titigan mo ng ganyan?" Ani Vince na syang nakapagpagising sa kinikilig kong dugo
"Kapal ah! Haha!" Pangaasar ko pabalik
"Di mo naman sinabi na dito ka pala nagaaral?" Utas nya.
Napangiti na lamang ako dahil nakakahiya naman sa kanya kasi pamilya nya ang nagpapaaral sakin
Magsasalita pa sana sya nabg biglang pumasok ang teacher namin. Music pala namin ngayon.
"A pleasant day, class!" Seryosong bati ng teacher
Pinigil ko ang tawa ko kasi PLEASANT daw pero yung mukha nya parang buong kabaliktaran. Hahaha!
"Good day, sir!" Tugon ng lahat.
"So, Miss? Can you introduce yourself for us?" Sambit ng teacher.
Agad naman akong tumayo and confident na confident na pumunta sa harapan.
Maganda naman ako eh, kaya ko this!
"Good day everyone! I am Sandra Elisse De Vera, 15 years old." Pagpapakilala ko.
Tinatawanan ako ng mga babae at yung mga lalaki naman halatang walang pake"What's your talent, Miss De Vera?" Tanong ni Sir
"I know how to play guitar and sing along with it, I also know how to dance because I'm the choreographer of my former school." Confident kong sagot. Bumusangot naman ang babae. Oha! Ano!!!!
"Really? Oh what a coincidence! I've brought my guitar. Can you perform for us?" Tanong ni Sir.
"Sample! Sample!" Sigaw ng mga lalaki at iilang babae.
Nahagip naman ng paningin ko si Vince na titig na titig sakin ngayon
"Here." Abot ni Sir sakin ng gitara
Sinimulan ko nang tugtugin ang kanta
I take one step away,
Then I found myself coming back...
To you...
My one and only,
One and only you...Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at ngumiti rin si Sir sa akin
"Wow! You have a great voice!" Bati pa nito
"Thanks sir" nakangiti kong tugon
Bumalik na ako sa upuan ko
"Ang galing mo."
Tila bumagal ang ikot ng mundo. Lumakas ang ihip ng hangin at bumilis ang pintig ng puso ko.
Nang tiningnan ko kung sino ang nagsalita ay walang iba kundi
Si Vince.
NOTE:
Your Song po title nung kanta, by PNE. That's my fave song anyway hihi💕~Miss Anonymous
YOU ARE READING
All About US
Teen FictionPaano nga ba ang mahulog ng di inaasahan? Paano nga ba ang mahulog sa taong hinding hindi mo inaakala? And this, all of this, was All About US.