Chapter 3

19 0 0
                                    

"Ang galing mo." Utas nya

"S-salamat" napatungo na lang ako dahil nahihiya akong makita nya ang namumula kong mukha

"Hey" aniya.

Nanigas ang buong katawan ko. He lifted my chin up. And now, he's staring at me. He didn't speak up but it's like he's saying something.

Hindi ko na napansin ang masigabong palakpakan ng mga kaklase ko.

"Miss De Vera, they're asking for another sample!" Ani Sir.

Napangiti na lamang ako sabay tango.

Pumunta na ako sa harapan. Kinuha ang gitara, at tumipa.

"Minsan oo minsan hindi,
Minsan tama minsan mali,
Umaabante, umaatras,
Kilos mong namimintas...

Kung tunay nga..
Ang oag-ibig mo
Kaya mo bang, isigaw?
Iparating sa mundo...

Tumingin sa'king mata
Magtapat nang nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil.. Handa akong ibigin ka
Kung maging tayo,
Sa'yo lang ang puso ko.."

Pagkatapos ng awitin ay kasabay ng pagbukas ng aking mga mata... Walang pumalakpak... Lahat sila ay nakatingin sa akin at tila ba nanaginip ng gising. Napukaw ang atensyon ko nang pumalakpak ang taong pinaglaanan ko ng awiting iyon. Si Vince.

Tatlong maraahang palakpak ang biginigay ni Vince, na sinundan ng palakpak ni Sir, na sinundan ng masigabong palakpakan at hiyawan ng buong klase.

"Sandra! Sandra! Sandra!"
Sigaw nila.

Babalik na sana ako sa upuan ko nang biglang tumunog ang bell.

Nagsitayuan na ang lahat

"Class dismiss. And Sandra, please remain" ani Sir nang may malaking ngiti.

"Goodbye and thank you Sir!" Tugon ng lahat.

Marahan naman akong lumapit papunta kay Sir. Napalingon ako nang nakita ko si Vince na nakatingin din sa akin at sumenyas na

Hihintayin kita

Tumango naman ako sa kanya at ibinaling uli ang tingin kay Sir.

"Sandra, you have a very very nice talent. I hope you wont mind but ikaw ang gusto kong kunin bilang representative ng level natin para ilaban sa LIS Got Talent." Ani Sir.

Hindi naman ako nakasagot agad at nakangiti lang ako

"B-bakit po ako sir? B-baka po may magalit kasi bago p-pa lang naman po ako dito." Utas ko

Napailing naman si Sir at napangiti.

"Talentado ka na nga, mabait ka pa" utas nito habang nakangiti sa akin.

"O sya sige. Magkakaroon tayo ng elimination mamayang lunch break. Okay?" Natatawa n'yang tugon

Natawa na lang rin ako at tumango. Nagpaalam na ako kay Sir at pinuntahan ko na si Vince na kanina pa ko hinihintay sa pinto.

"Ano raw sabi ni Sir?" Tanong nya

"Chismoso ka no? Hahaha!" Pangaasar ko

"Nagtatanong lang eh" he pouted. Ang cute nya!!!

Tumawa na lang ako dahil baka kurutin ko na sya eh. Haha!

"Sinasali ako ni Sir sa LIS Got Talent" sagot ko sa kanya

Umaliwalas maman ang mukha nya "TALAGA?!" Gulat nyang tugon. Ngiting ngiti pa sya eh haha!

"Ano mas excited ka pa sakin? Tsaka wag ka nga ngumiti nang ganyan! Mukha kang nakangising aso! Hahaha!" Humaglpak naman ako sa tawa habang inaasar sya

"Hi Sandra!" Bati nung isa ko yatang kaklase na lalaki. Medyo maputi at matangos ang ilong.

Tumango lang ako sa kanya

"I'm Vonn by the way"

Ngumiti na lang ako bilang tugon

Bumaling naman ako ng tingin kay Vince. At... Seryoso na ang titig nito kay Vonn.

Omg. Nagseselos ba sya? Oh no Sandra. Don't assume. May gf sya.

"Tss."

Napalingon naman ako kay Vince na-- teka?! Aalis na sya?

"Huy Vince wait! Ayy ehh Vonn, nice meeting you, I gotta go bye!!!" Kumaway na lang ako kay Vonn at hinabol si Vince

"Vince wait!" Sigaw ko.
Dire-diretso pa din sya.

Tumakbo ako pero nakita kong nakasakay na sya sa sasakyan nila.

Bumigat ang pakiramdam ko. Bakit ganito?

Tinitigan ko na lang ang kanilang sasakyan habang unti-unting naglalaho sa paningin ko.

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagseselos ba sya? Pero diba may gf sya? Bakit ganon?

Nawala ang titig ko sa kalsada nang may biglang bumangga sa akin.

Mga kaklase kong babae na grabe kung makapag-make up hays.

"Hey you, bitch!" Sambit nung isang nasa gitna. Tatlo sila.

Napa-smirk lang ako at tinitigan sila isa isa sa mata. I'm not as coward as you, bullshits!

"Ano ha? Masaya ka na? Naagaw mo na ang spotlight namin kasi masyado kang bida bida" ani nung "leader" kuno nila

"Attention seeker masyado? Alam nyo bagay kayong sumali sa squad ni Jollibee. Tutal nga PABIBO naman kayo diba?" I flipped my hair then quickly turned my back unto them.

Huh! Kala nyo ah!

"Hoy Sandra Ford di pa tayo tapos!" Sigaw nung isa sabay hatak sa akin

"That Sandra Ford, tho. I love it Stacey! Hahaha!" Nataawang sabi nung isa

So Stacey pala yung name ng leader ng bitch group nila.
Mukha silang tanga.

"You know, bitches, I don't have time for your pretty shits. So just lemme go you awful losers!" Tugon ko pero di nila ko binitiwan

Mas tumalas yung tingin nila sakin

"Aba... Lumalaban huh?" Ani Stacey d' horsey sabay animo'y sasampalin ako.

Napapikit na lang ako at hinihintay na dumampi ang makating palad ni Stacey sa mukha ko pero teka-- bat ang tagal?

Unti-unti kong binuksan ang mata at nakita kong nanlalaki ang mga mata nila. Sinundan ko ang paningin nila at nakita ko. Si Vonn.

"So.. Si Sandra na ba ang bago mong kinaiinggitan, ha?" Utas ni Vonn

Agad naman akong binitawan nung dalawang alipores ni Stacey at umalis na sila agad

"Di pa tayo tapos!" Ani ni Stacey.

"Hey, what did they do? Are you hurt?" Tanong ni Vonn

"Nah. Ayos lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Salamat" sabi ko sabay alis

Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin nya ko uli.

"Sandra! May I ask something?" Tanong nito

"Sure." Tugon ko

Lumapit sya sakin nang dahan dahan

"Ahmm.. Hmm.. Kasi ano eh..
K-kayo ba n-ni Vincent?" Tanong nito.

Napatigil naman ako bigla.

"H-hindi." I muttered then I looked away.

Hindi kasi hindi pwede. Hindi kasi taken sya. Hindi kasi hindi.

All About USWhere stories live. Discover now