Kii's Point of View
Habang nasa tamabayan ng barkada na malapit sa isang Mental Hospital..
"Oy pare!Ganda ng chix na yun oh!" Napatingin naman ako sa tinuro ni Cid na babae.
"Woah.Chix nga!" Sabi ko naman.
"Tara gawan na natin ng move.Wahaha." Cid. Binatukan ko nga.
"Baliw!May girlfriend kana kaya!" Sabi naman ni Jay-R kay Cid.
"Mga loko!Break na kaya kami nun!" Sabi naman ni Cid.
"Ewan ko sainyo.Basta ako loyal ako sa girlfriend ko." Sabi naman ni Alex na parang wala talagang pakialam dun sa chix.
"Ang sabihin mo UNDER ka lang ni Julma!" Sabi ni Cid.
"WAHAHAHA.Oo nga naman pare." Tawa naming lahat except kay Alex na parang napikon na. Wahaha. Under na under kasi siya sa girlfriend niya.
"Mga pare,alam kong mga taken na ULIT kayo kaya kung pwede sana,AKIN na lang yung chix na yun." Sabi ko naman. Bigla namang sumama ang tingin nila sakin.
"Oh?Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Wala naman.Para kasing ngayon ka lang nagka-interest sa chix na type ko.Alam ko kasi ang mga type mo,mga pang-MANANG." Sabi ni Cid.
"WAHAHAHAHA!" Nag-apir pa ang mga loko habang tumatawa.
"Oy hindi kaya.Grabe naman kayo."
"Oy mga pre,papuntang mental hospital yung chix oh!" Sabi naman ni Jay-R.
"Hala!Baka baliw siya?" Singit naman ni Cid. Binatukan ko ulit.
"Aray!Nakakadalawa kana ah!Isa pa!Makakatikim kana sakin!" Sabi ni Cid.
"Eh ang tange mo naman kasi! Nakita mo nang naka-uniform na pang-nurse yung chix.Edi siyempre nurse yun!" Sabi ko.
"Sorry tao lang!"Sabi ni Cid.
"Oh ano pang hinihintay mo Kii?Pasko?" Sabi naman ni Alex.
"HAHAHAHA" Tawa nanaman sila.
"Mga loko!" So ayun tumawid na ako ng kalsada papuntang mental hospital.
"Ah sir,ano pong kailangan niyo?" Putek. May guard pala dito.
"Ahh ano bibisitahin ko lang yung kapatid kong baliw." Pagsisinungaling ko.
"Ay sir di po ba kayo marunong magbasa? May karatula po diyan sa may gate oh.No Visitors Allowed po sir."
"Importante kasi to chief eh." Pagpupumilit ko naman.
"Ay sir naman nagsabi sana kayo na hindi kayo nakakaintindi ng Ingles. Ang ibig sabihin ng 'No Visitors Allowed' ay Walang mga bisita pinapayagan" Tss. Magttranslate na nga lang palpak pa.
"Sige salamat nalang chief." Badtrip naman.
Edi bumalik nalang ako sa tambayan.
"Oh? Bat ka bumalik na di kasama yung chix?" Sabi ni Cid na natatawa.
"Di ako pinapasok ng guard eh."
"Oy mga tol!"
"Ohh pareng Nigel!" Ahh. Nandito rin pala si Nigel,isa pa naming katropa.
"Uy Nigel Diba may lahing baliw kayo?"Seryosong tanong ni Cid.
"Tss.Meron,bakit?Gusto mong mahawaan?"Sabi naman ni Nigel.
"Oy di ah.Si Kii kasi may sinisintang baliw." Sabi ni Cid na parang pina-sweet pa yung boses.Ay basta iimagine niyo nalang na nagpa-puppy eyes siya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa nanaman.
"Baliw ka diyan! Nurse kaya yun!"
So ayun kinuwento na namin ang lahat-lahat kay Nigel dahil alam naman naming maiintindihan niya kasi nga may lahing baliw siya.Wahaha.Joke lang. Humingi ako ng advice kung paano ko malalapitan at magagawan ng move yung nurse sa Mental Hospital.
At ang napagplanuhan ay...
"WAHAHAHAHAHAHAHAHA! Baka matuluyan na yan si Kii!" Sabi ng mokong na si Cid.
"Pake mo ba? Edi masaya,habambuhay ko siyang makikita."Sabi ko naman.
"Pero seryoso kana ba talaga diyan Kii?" Sabi naman ni Alex.
"Siyempre naman. I will do anything for love."
"WAHAHAHAHAHAHA! Ngayon pa lang nga timang na si Kii,pano pa kaya paglabas niya ng mental?" Sabi ni Jay-R.
"Baka di na yan palabasin!" Sabi ni Nigel.
"WAHAHAHAHAHAHAHAHA" Nag-apir nanaman ang mga loko.
Ganito kasi ang napagplanuhan.Magpapanggap akong baliw para makapasok sa Mental.Galing talaga mag-isip ng mga lokong yun no? Kaya para maka-stay ako sa mental for how many days,pinagpaalam ako ng mga kaibigan ko kila Mama na magbabakasyon kami sa rest house nila Cid for two weeks.Pero ang totoo niyan ay iiwan nila ako sa Mental para gawan ng move yung Nurse.Eh mga uto-uto naman yung mga magulang ko,edi pinayagan ako. Tss.
BINABASA MO ANG
My Crazy Lover (Completed)
UmorismoAng kwentong to ay para sa mga baliw lamang na katulad ko.Wahaha.Joke lang.Basahin niyo nalang kung gusto niyong tumawa kahit corny.Wahaha.