The Ending of Kabaliwan

626 28 30
                                    

Oo ending na to kasi tinatamad na ang author.Wahaha.De,joke lang.Naubusan na kasi ng mga nakakagreen na salita si author.Wahaha.Joke lang ulit. Ang totoo,wala ng time si author para pahabain pa ang story.Kaya maraming salamat sa mga nagbasa,nasuporta at siyempre yung nagvote.Maraming salamat din kung napatawa ko kayo sa mga kakornihan at ka-L-an ko.Wahaha.Joke lang lahat yun. :) Basta salamaaaat! :)

  ===================================================================

Kii's Point of view

Nandito na ako ngayon sa may pinto ng kwarto ko.

"Room 69,maraming nangyari dito na gustong-gusto ng mga lalaking katulad ko~Ang makasama at maalagaan ng kanilang mga minamahal na babae." Sabi ko. Kahit na 1 week at dalawang araw lang ako sa kwartong ito,mamimiss ko din ito kahit papano kasi dito ko nakilala ang babaeng mahal na mahal ko at ang babaeng minahal ko na pala dati pa.

"Oi Kii,asan na?" Sabi ni Doktora. Tsk di pa talaga nakalimot.

"Ayan na po o.Bayad na ako a." Binigay ko na yung bayad sa pagstay-in ko sa room na to.Tsk pambihirang doktora.FACE MONEY.~Mukhang pera.Tsk tsk tsk.

"Honey tara na?" Aww. sarap pakinggan a.Nakakatindig ng ano. Ng balahibo. Eh sa kinikilig ako eh!Pake niyo ba?

"Sige HONEY,tara na.Tara na ulit sa kwarto." 

"Loko ka talaga HONEY.Baka gusto mong maputulan ng ano.Huh." 

"Ayos lang.Kaya lang hindi ka ba niyan malulungkot?" Wahaha.Oo na.Lulubos-lubusin ko na ang kapilyuhan ko.Hindi ko na siya makikita araw-araw e. May trabaho din kaya ako.Sa katunayan ako nga ang boss e. Wahaha. Walang halong joke yun a.

Nakarating na kami sa may malapit sa information center.Parang hallway.Nandun na nga ang mga loko e.

"Pwedeng mahingi ang number mo?" Sabi ni Cid. Loko talaga to si Cid. Babaero talaga. Pati ba naman co-nurse ni HONEY,papatulan? Tsk.

"Ahm,sorry.May asawa na ako eh." 

"BOOM!BASAG!WAHAHAHAHA!" Tawa naman ng mga loko. Hindi pa nila kami nakikita kasi pinigilan akong maglakad ni HONEY. 

"Oh anong gagawin 'natin' dito?"Tanong ko. Nakahawak lang kasi siya sa braso ko at hindi kumikibo. Aww mamimiss niya talaga ako masyado no? Tsk. Ganyan talaga pag mahal na mahal ang isang tulad ko e.Wahaha.

Lock's Point of View

"Oh anong gagawin 'natin' dito?" Tanong ni HONEY. Wiii kinikilig ako. Ajuju ang landot lang.And so? Mahal niya ako e! Mamimiss ko talaga siyaa.Huhu.

"Tara punta na tayo sa patutunguhan natin." Sabi ko. Nakita ko na kasi yung mga susundo sakanya e.

"Seryoso?!Ngayon na?!Dito?! Makikita tayo ng baliw o." 

"Aray naman HONEY!!" Binatukan ko nga. Eh ang laswa masyado mag-isip e. Nasa hallway kasi kami.

"Sige naaaaa.Ituloy niyo na yaaaaan.Hindi naman ako manonood eh!Akekekekekeke" O ayan. Nakikisawsaw nanaman yung mga baliw.Tsk!

"WAG! HINDI DITO!!! KUNDI MAGIGING SINA LUNA AT BLANCA ANG MGA ANAK NINYO! HINDEEEEEE! AKIN LANG SIYA! AKIN LANG SIYA! HINDI KA NIYA PWEDENG TIKMAAAAN! AKIN LANG SIYAAAA!" Sabi nanaman nung matandang baliw habang tinuturo-turo pa ako. May mga maligno daw kasi itong nakikita e.Ang sabi pa nga niya eh siya daw ang asawa nun.

"Halika na nga HONEY. Baka halayin ka pa ng mga nakikita ng matandang yan.Tsk.Unfair naman sakin yun diba?" Hay nako.Kahit ganyan siya magisip mahal na mahal ko pa din si Kii.

"Oo na po HONEY. Ikaw na nga nagsabi na ikaw ang KEY TO MY SUCCESS diba?" Sabi ko naman.Hahaha.Okay the manyak couple nanaman.

Lumapad nanaman ang mga ngiti niya at hinila na ako papuntang information center.

My Crazy Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon