Ka-echosan.

557 19 17
                                    

Kii's Point of View

Haaay. Tuesday na ngayon. Hindi ko na everyday makakasama si Lock pagkatapos ng bukas. Paconfine nalang kaya ako dito habambuhay? Tapos dito na kami titira ni Lock. Dito na rin kami magkaka-anak. Atleast palaging happy ang mga anak ko diba? Marami silang kalarong baliw. Wahaha. Joke lang. Siyempre naman ayoko magkaanak na baliw.

Naalala ko tuloy si Nigel. May lahing baliw yun diba? Kawawa naman ang magiging mga anak niya. Tsk. May mga sayad. Wahaha.

"Uuuy aalis kana bukas. Pano na tayo?" Sabi ni Lock. Nandito kasi siya sa kwarto NAMIN. Wahaha. Joke lang.

"Sumama kana kaya sakin?" Sabi ko.

"Eeeeh. Baka halayin mo ako niyan araw-araw."

"Wahaha. Gusto mo?" Astig talaga tong syota ko e no?

"Basta may proteksiyon a?" Wahaha.

"Sure. ;) " Wahaha. Sabi nga ni Ali_Lee, the manyak couple kami. Tsk. Sabi na nga ba,bagay talaga kami ni Lock.

"Loko ka! Nagbibiro lang naman ako! Baka totohanin mo yun." Ay? Kala ko totoo na e. :( Sayang naman. Magpapabili sana ako ng isang bulto ng condom kay Cid. Sayang.tsk tsk.Wahaha.Joke lang ulit! :)

"Ay teka,gusto ko pala makita sila Cid."

"Ahh bukas,susunduin nila ako.Bakit? Sawa kana ba kaagad sakin?" Sabi ko.Wahaha.Ang cute ko talaga mag-acting.

"Gagu! Siyempre na-miss ko sila." Wehehe. Mas cute talaga si Lock kesa sakin.

"Ohh gabi na a. Di mo pa ako papakainin?" Sabi ko. Nagugutom na kasi ako. Hindi pa ako nagdidinner.Mabuti pa siya nakapagdinner na.Nauuna kasi ang mga nurses at staff na kumakain dito. Ang daya nga eh. Tsk.

"ARAYYY!!" Eh pano ba naman,binatukan ako. Muntik ng maputol ang leeg ko dun a!

"Ang isip mo a!Anong di pa pinapakain?!Hindi pa tayo kasal no!May proteksiyon ka ba diyan?Diba wala?!Pano nalang kung mabuntis ako?HAH!"  Dafuq?!

"Sabi ko pagkain! Hindi ano! Nagugutom na kaya ako. Tsk. Alas nuebe na kaya! Tingnan mo ang oras oh!" Sabi ko habang tinuro yung wall clock. Hanep talagang babaeng to. Kaya nga mahal na mahal ko to e. Talagang magkakasundo kami. Green minds think alike?Wahaha.

"Hehehe. O sige kuha na ako ng pagkain mo a. Sandali lang." Sabi niya at tsaka lumabas na.

Lock's Point of View

>/////< Nakakahiya yun a! Akala ko talaga nagyayaya siyang mag-ano.Alam niyo na yun! Basta ano. 69? Wahaha.

So ayun nga. Kukuha na ako ng pagkain niya. Yung literal na pagkain a? 

Naglalakad na ako sa may hallway papuntang room 69 nang...

"Sht." Nag o-on off yung ilaw. Yung parang sa horror movies? Yung may lalabas na whitelady tapos hahabulin ako tapos yung tatakbo ako papunta sa room 69 tapos gagahasain ako ni Kii. WAAAAAH! Mas malala pa yun kesa sa horror movie. Wahaha.

"Masamang isipirito wala po akong kinalaman sa nangyari sainyo noong nabubuhay pa kayo. Kaya huwag niyo akong tatakutin. Dahil natatakot na ako." Sabi ko.

"Wag kang matakot sakanila hija. DAHIL KALAHI KO SILA!!!WAHAHAHAHA!SIGE! LAPITAN MO SIYA!" Sabi nung isang baliw na matanda. Sht tinatakot pa ako lalo  nito e. Patayin ko na kaya to?Joke lang.

"AWOOOOOO! Akekekekekekekekekeke! " Sabi pa nung isa pang baliw habang pinipilit niyang ilabas yung ulo sa may rehas.

Nasa gilid lang kasi ng hallway ang mga kulungan nila. Kaya talagang matatakot ka.

Patuloy pa rin ang pag on off ng ilaw. Tiningnan ko yung ilaw. Nag on na. Ngumiti ako. Tapos nagpatuloy na sa paglalakad.

"KAMPON NG KADILIMAN! KUNIN MO NA AKOO!! AWOOOOO!!!" Sabi nanaman nung matandang baliw habang nagsa-sundance. Tsk.May sayad talaga.

Tapos biglang nag-off nanaman yung ilaw. Holoo. On off nanaman ang drama ng ilaw.

Sht. Natatakot na talaga ako. Tapos sumisigaw pa yung mga baliw. Takbo!!

Habang tumatakbo ako. May papalapit na nilalang na nakaputi. Tapos..

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!" Ako.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!" Siya.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!" Ako.

"ECHOSERA KA! Akala ko pa naman multo kana eh!" Phew! Si Andrea lang pala.

"Bakit nag o-on off yung ilaw sa may hallway?" Tanong ko.

"Inaayos kasi nung electrician yung main switch dun sa kabilang building kaya pati dito affected daw."Pagpapaliwanag ni Andrea bading.

"Ahh. O siya siya, papakainin ko muna si Kii. Nagugutom na daw kasi." Pagpapaalam ko.

"Wag kalimutan ang proteksyon a?" Seryosong sabi niya.

"Gagah! Di mo ba nakikita tong tray na hawak ko?" Sabi ko naman.

"Ahaha. Malay ko ba kung ano na yang gustong kanin ni Kii mo. Hahaha."

"Che! O siya babye na."

"Sige. Ingat sa pagpapakain ah. Baka magka-rabies ka dun. Wahaha."

So ayun nga. Sinubuan ko na siya ng pagkain a. Tapos umalis na ako. May Nurse's Quarters naman kasi dito. Kaya kasama ko naman sila Therese at Jade.

At sa ngayon,matutulog na ako. Magpprepare na ako sa farewell ng aking labs na si Kii. Aalis na siya bukas eh. Pano na ako? Wahaha. Joke lang.

My Crazy Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon