Doon Tayo...

83 0 0
                                        

"Doon tayo"
Isinulat ni: Hanj





Doon tayo sa taong may respeto,
Hindi yung nangbabastos ng kung sino.
Yung may respeto hindi lang sa sarili niya,
Kundi may respeto pati na rin sa iba.

Doon tayo sa taong mapagkakatiwalaan,
Taong sigurado kang wala siyang pagsasabihan
Yung taong di nagkukwento kanino man,
Kahit kayo'y magkalayo o magkagalit man.

Doon tayo sa taong hindi puro pangako,
Yung taong nangangako na hindi napapako.
Na kapag sinabi niya ay handa niyang gawin,
Kahit mahirap man yan ay kanyang kakayanin.

Doon tayo sa taong hindi tayo iiwan,
Yung taong palaging nandiyan,
Na kapag iyong kinailangan,
agad agad ka niyang pupuntahan.

Doon tayo sa taong nagsasabi ng totoo,
Yung taong alam mong hindi ka niloloko.
Yung taong makagawa man ng kamalian,
Magsasabi sayo at hindi ka pagsisinungalingan.

Doon tayo sa taong mahal tayo,
Sa taong ang pag-ibig ay di nagbabago.
Kahit may iba man siyang makilala,
Hinding hindi ka niya ipagpapalit sa iba.

Puro doon tayo, doon tayo,
Pero nung nandyan na binabalewala mo.
Puro doon tayo, doon tayo,
Halatang ayaw mo dito sa tabi ko.
Sige na, doon kana, dito lang ako.
Kasi alam ko namang walang tayo.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon