Bilanggo

182 0 0
                                        

"Bilanggo"
Isinulat ni: Hanj





Kamusta kana ba?
Mukhang ayos na ayos ka.
Mukhang malayang malaya ka,
Samantalang ako nakakulong pa.
Nakakulong sa nakaraang kasama ka.



Sa tuwing nakikita kitang masaya,
Sa tuwing kumikislap ang iyong mga mata,
Naaalala ko lahat ng masasayang alaala.
Mga alaalang kahit kailan hindi na maibabalik pa.



Masaya kana ngayon sa piling ng iba,
Ngunit heto ako nandirito pa,
Umaasang baka sakaling bumalik ka,
Kahit alam kong napakaimposible na.



Nais kong makalaya sa bilangguan,
Sa bilangguan na gawa ng sakit na naranasan.
Ngunit paano ba ang makalaya?
Makalaya sa nakaraan nating dalawa.



Ilang araw pa ba ang kailangang magdaan?
Ilang buwan pa ba ang kailangang masayang?
Gusto ko na makaalis dito,
Dito sa lugar kung saan iniwan mo ako.



Gusto kong tuluyang maging masaya,
Masaya kahit wala kana.
Pero paano ko gagawin iyon?
Kung isa pa rin akong bilanggo,
Bilanggo sa relasyon noong mayroong "tayo",
Na ngayon ay nagbago
at naging "Ikaw" na lang at "Ako".

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon