"Kape para sa..."
Isinulat ni: Hanj
Kape para sa mga taong matapang.
Matapang na ipaglaban ang kanilang nararamdaman,
Matapang na ingiti ang sakit dulot ng pinagdadaanan.
Matapang para sa mahal niya ng lubusan.
Mahal niyang mahina,
Mahina pagdating sa iba,
Iba na sumira sa kanilang relasyon,
Relasyon na kanyang iningatan,
Iningatan ngunit naglaho na ng tuluyan.Kape para sa nagmamahal ng totoo,
Kahit alam niyang siya'y niloloko.
Sa mga taong naniniwalang mahal nila'y magbabago,
Na kahit ano mangyari ay hindi sila sumusuko.Kape para sa mga taong iniwan,
Iniwan ng mahal nila at nagdurusa ng lubusan.
Iniwan kahit binigay na ang lahat,
Lahat lahat pati na ang kanyang iniingat-ingatan.Kape para sa mga taong nasasaktan.
Nasasaktan sa taong minahal niya ng lubusan.
Nasasaktan sa nangyayari sa kanyang buhay,
Buhay niya na minsa'y naging makulay.Tara, samahan mo ako.
Samahan mo ako at magkape tayo.
Ay oo nga pala, nalimutan ko,
kape lang pala, walang tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/116595273-288-k434464.jpg)