877289

6 0 0
                                    

Bakit ganon? Bakit ang dali mong makalimot?

Madaling makalimot sa masayang pinagsamahan

Dahil lamang sa isang pagkakamali 

Mas pinili mo na lang akong iwan sa kawalan 


Bakit ang bilis mong bumitaw sa ating pangako sa isa't-isa?

Kasabay ng pagbitaw mo sa aking mga kamay

Ang pagbitaw mo sa mga salitang hindi ko inakalang iyong isasambitla

At ika'y tumungo sa direksyong malayo sa aking presensya


Bakit ang bilis maglaho ng iyong pagmamahal?

Dinaig pa ng pagpalit ng iyong nadaramaang bilis ng pagdaan ng kidlat

Galing sa pagluha, ang mga magang mata'y iminulat

Sa mapait na katotohanang ang pag-ibig ay nagwakas na 


At sa mga araw, linggo, at buwan na nagdaan 

Patuloy pa rin sa pag-usad ang pusong hapong-hapo na

Habang patuloy ang isipan sa kakasagot sa isang tanong

Isang tanong na ang sagot ay maibibigay lamang sa tamang panahon




I'm FineWhere stories live. Discover now