11:11

7 0 0
                                    

Sabi ng mga kakilala ko kapag ang oras ay 11:11

Maaari kang humiling ng kung ano man ang gusto mong makamit


Simula nang malaman ko yun dali-dali akong pumikit

sa pagsapit ng pasado alas onse ng gabi

Hiniling sa gitna ng malamig na ihip ng hangin

Na sana ako'y iyong mapansin


Halos gabi-gabi yun, walang palya

Para lang magtama ang ating mga mata

At nang dumating ang itinakdang oras

At sinabi ang mga salitang nais kong iyong ibulalas


Ngunit ang aking hiling ay hindi tumagal ng mahabang panahon

Lingid sa'king isipang damdamin mo'y magbabago

Sa paglipas ng mga araw, ikaw ay lumayo

Iniwang mag-isang mga mata'y nagmumugto


Hanggang ngayon hindi maalis sa isip

Nang mapansin ang orasang nakasabit

11:11 na naman pala

Naisipang humiling nang nakadilat ang mga mata


Kung babalik ka, bumalik ka na

Kung hindi na ay wag ka nang magpaasa





I'm FineWhere stories live. Discover now