171013

4 0 0
                                    

Hindi mo ako mahal, kailangan mo lang ako

Kailangan mo lang ng taong sasapo sa iyong pagkahulog

Isang taong aalalay sa'yo sa tuwing ika'y madadapa

Isang taong pupunas ng iyong mga luha


Hindi mo ako mahal, na-excite ka lang

Na-excite ka lang sa pakiramdam na nasa isang relasyon ka na

Pero kapag nawala ang kinang sa tuwing pagtama ng mga mata

Unti-unti kang magsasawa sa aking presensya at iiwan mo na lang mag-isa


Hindi mo ako mahal, gusto mo lang ako

Gusto mo ako siguro dahil sa aking itsura

Sa personalidad, o sa taglay na hindi basta nakikita sa iba

Pero kapag nakakita ng higit sa akin ay hindi na ako maaalala pa


Alam kong hindi mo ako mahal, wag ka nang magpaliwanag

Kitang-kita sa iyong balintataw ang iyong tunay na nadarama

Ang pagkakamali ko lang ay hindi ko kaagad nakita

Dahil nasilaw ang aking puso sa akalang pag-ibig na iyong dala

I'm FineWhere stories live. Discover now