171015

3 0 0
                                    

Pasensya ka na, nasanay ako
Nasanay akong ako lang lagi ang mag-isa
Nasanay na sinasarili ang mga problema
Nasanay na tinatago lagi ang nadarama

Pasensya ka na, nasanay ako
Nasanay akong walang nangingialam sa akin
Nasanay akong pinapabayaan at hindi pinapansin
Nasanay akong sarili ko lang ang intindihin

Pasensya ka na kung nararamdaman mong hindi ko napapahalagahan ang mga ginagawa mo
Naninibago lang dahil nasanay na hindi sinusuyo ang isang tulad ko
Isang tulad kong inakala ng maraming tao ay kayang mag-isa't hindi inaalalayan ng iba
Isang tulad kong hindi sanay sa romansa at matatamis na mga pananalita

Pasensya ka na sa isang tulad ko ah?
Kaya hindi ako magtataka kung balang araw, ikaw ay magsasawa
Ngunit salamat sa pagtitiyaga sa kabila ng lahat
Malay natin, sa takdang panahon, masuklian ko ang mga sakripisyo mo nang tapat

I'm FineWhere stories live. Discover now