190430

0 0 0
                                    

Pasensya na, ngayon lang ulit nagparamdam
Na inabot ng taon bago muling magsulat ng saloobin
Na hindi basta maisambit ng tahimik kong bibig

Humihingi ng paumanhin ang taong antukin
Na piniling patulugin ang nanggugulong damdamin
Kaysa isigaw sa mundo ang lahat ng dalahin

Dahil sa panahon natin ngayon, ang lahat ay tila mga hukom
Mga akala'y alam ang lahat ng tama at katotohanan
Kaya ang labi't isipan ay pinilit itikom
Para sa katahimikan ko, para sa akalang ikatatahimik ng isipan ko

Pero ang akala ang nagpamukhang mali ang desisyon
Na dapat manahimik ang nahihirapang puso sa sulok ng kwarto
Dahil hindi lahat ng bagay ay dapat sabihin
Pero may mga bagay na dapat palang isigaw kahit lamang sa hangin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm FineWhere stories live. Discover now