Lyra's POV
Napili ko ang maglakad na lang. Feeling ko kasi mas maganda kung maglalakad ako eh. Mababawan ang calories ko sa katawan. XD
Hmm. Paano ko kaya sasabihin kay Nathan?
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, may biglang sumulpot sa harapan ko.
"UY LYRA!!!"
"Hi Lyra."
"Hello Adrian at Francis. Hahaha. Aga-aga ang taas ng energy mo Adrian ah?" sabi ko.
"Nature nya na yan. Masanay ka na sa kanya Lyra. Hahaha." sabi ni Francis.
Paano naging kaibigan ni Nathan to? Hahaha. Ang ingay kasi nila eh. Tapos puro kakornihan ang nasa utak. XD
"Teka? Pasaan ka ba Lyra? Bakit ka nag-iisa? Bakit di mo kasama si Nathan?" tanong ni Francis.
"Haha. Ang daming tanong ah. Isa-isa lang naman. Hahaha. Mahina ang kalaban." sabi ko.
"Sira ka talaga Francis. Sa tingin mo ba? Pasaan itong daan na ito?" tanong ni Adrian.
"Papunta kina Nathan." sagot ni Francis kay Adrian.
"So pasaan si Lyra?" tanong ni Adrian.
"Kina Nathan?" patanong na sagot ni Francis.
"Hahaha. Mga baliw kayo. Oo. Papunta ako kina Nathan." sabi ko.
"Ah. Pasabay na kami!" sabi ni Adrian.
Actually, kasabay ko na kayo eh. Ano pa ba tawag dito? Hahaha. Ang saya pala kasama ng mga ito. Hindi lang sila baliw. Kagaya din sila ni Kuya. Mahangin din. XD
Pagkadating namin sa bahay ni Nathan nagdoorbell na ako. Marami na palang nagbago sa bahay nila.
Medyo lumawak yung garden nila eh. Huhu! Ang daming plants! T_T Ang ganda pa ng pagkaka-landscape dun sa mga bulaklak.
Binuksan ng Mama ni Nathan ang gate.
"TITA!!!" sigaw ko.
"Iha! Aba! Ang laki mo na! Atsaka ang ganda ganda mo ah! Ang tagal din nating hindi nagkita eh." sabi ni Tita tapos niyakap nya ako kaya niyakap ko din sya pabalik.
"Hahaha. Si Tita naman. Binola pa ako. I miss you po tita." sabi ko.
"Hahaha. Totoo yun iha. Halika. Pasok ka." sabi ni Tita at pumasok na kami sa loob ng bahay leaving Adrian and Francis behind.
Hindi ata napansin ni Tita na kasama ko sina Adrian at Francis. Hahaha. XD Poor kids. XD Naiwan sila sa labas pero siguradong papasok din yung mga yun.
"Upo ka Iha. Kamusta ka naman? Aba, matagal tayong hindi nagkita. Taon din ang bilang." sabi ni Tita kaya umupo naman ako.
"Okay naman tita. Hahaha. Oo nga po eh. Kayo po? Kamusta na po kayo?" tanong ko.
"Okay naman kami. Naikwento sa akin ni Nathan na kayo na pala eh. Haha. Congrats sa inyo. Sana eh tumagal kayo." sabi ni Tita sabay smile. Aww. Ang sweet ni Tita.
"Hindi kami magtatagal Ma." biglang sulpot ni Nathan na ikinabigla ko.
Hindi kami magtatagal?
![](https://img.wattpad.com/cover/11953722-288-k862789.jpg)
BINABASA MO ANG
A Million Distance Away [Completed]
ФанфикDistance never separate two hearts that really care. Ito ang laging sinasabi ng dalawang taong magkalayo sa isa't-isa dahil kahit gaano man kalayo ang agwat sa isa't-isa. Hindi hadlang ang distansya sa pag-iibigan ninyong dalawa. Subabybayan natin a...