Francis' POV
"Bakit tayo umalis agad kina Nathan?" tanong ni Adrian.
"Eh nag-english ka na eh. HAHAHA! UWEEEE!" sabi ko.
"Abno. Sama ng ugali mo. Gusto ko pa sanang makikain kina Nathan eh. Huhu! Bad ka! Bad!" sabi nya at umasta na parang bata. (-_-) Si Adrian nga naman. Wala ng alam sa buhay kundi puro ganyan. XD
Teka, bago nga muna ang lahat. Ako nga po pala si Francis Trinidad. Isang simpleng tao. XD Lol. Joke lang. Sa aming tatlong magkakabarkada, ako ata ang merong konting kaseryosohan sa buhay. Pero wag kayong mag-alala. Troll ako. XD
"Oy? Kamusta naman ang Martial Arts Class mo? May epek ba sayo? WAHAHAHAHA!" pagbibiro ko kay Adrian.
"Hahaha! Dyan ka nagkakamali par! Magaling na ako sa Martial Arts! Belat ka na lang! WAHAHAHA!" pagmamayabang naman ni Adrian. (-_-)
"Hindi naman kapani-paniwala par eh. Hahaha. Baka mas magaling pa rin sayo yung aso namin. Hahaha!"
"Si Pareng Francis naman. Ayaw pa maniwala." sabi nya.
"Eh di tampo ka naman? Sapakin kaya kita para malaman natin kung may epek talaga ang pagpasok mo sa Martial Arts Class. Hahaha." sabi ko.
"Sige. pareng Francis. Sapakin mo ako!" nakangiti nyang sabi. Aba! Malakas ang loob ng batang ito. sabi ko at akmang sasapakin ko kaso nailagan nya agad.
"ABA! IMPROVING!!! HAHAHA!" sabi ko.
"Suntukin mo ako par! Dali dali dali!!!" sabi nya kaya akmang susuntukin ko.
Naharangan! ABA! Ibang klase. XD
"Sabi ko naman sa iyo par eh. Pero kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang Martial Arts Class ko. Hindi pa rin kasi sapat yung natututunan ko. Hahaha." sabi nya at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.
"San kaya tayo pwede tumambay?" tanong ko.
"Hmmm. Tara sa may kainan dyan sa kanto. Hahaha." sabi ni Adrian.
"Ano ba talaga ang laman ng utak mo?" tanong ko.
"Dugo tapos may nerves din namang laman. Hahaha. Bakit?" tanong din ni Adrian. (-_-)
Pinuntahan namin yung sinasabi ni Adrian na kainan sa may kanto. Hmm. Mukhang masasarap ang luto dito ah. HAHAHA!
"Par! PAGKAIN!!!" sabi ni Adrian.
"Lakas ng pang-amoy ah. Hahaha. Libre mo na ako." sabi ko tumango naman sya. Mabait naman si Adrian eh. XD Nanlilibre din yan pag minsan pero most of the time, si Nathan ang manlilibre o ako. XD
Meron ding pagka-kuripot si Adrian eh. Hahaha.
"Oh! Spaghetti. Hahaha. Pabortito ko yan!!!" sabi ni Adrian kaya kumain na lang kami ng tahimik.
Matapos ang limang minuto naming pagkain eh natapos na rin kami. Mabilis ba? T_T
Tumambay muna kami at makalipas ang dalawang minuto eh may dumating na limang tao.
O____O
"Par, alis na tayo..." bulong ni Adrian.
"Mabuti pa nga par. Wag ka maingay ah!" bulong ko pabalik at dahan-dahan na kaming naglakad palabas kaso mukhang namukhaan kami. T_T

BINABASA MO ANG
A Million Distance Away [Completed]
FanficDistance never separate two hearts that really care. Ito ang laging sinasabi ng dalawang taong magkalayo sa isa't-isa dahil kahit gaano man kalayo ang agwat sa isa't-isa. Hindi hadlang ang distansya sa pag-iibigan ninyong dalawa. Subabybayan natin a...