Someone's POV
Dalawang tao...
Malayong distansya...
Pagmamahal na hindi matitinag....
Ganyan mo masasabi ang pagmamahalan nina Lyra at Nathan sa isa't-isa.
"Lyra? Miss na kita." dinig na dinig mong sinasabi ni Nathan na ngayon ay nakaharap sa screen ng kanyang laptop habang kinakausap si Lyra.
"Hmmm. Makakapag-intay ka naman diba?" tanong ni Lyra. Tumango naman si Nathan.
Kung sa tingin nyo ay magkasintahan sina Lyra at Nathan, dyan kayo nagkakamali. Matagal na ring nililigawan ni Nathan si Lyra pero hanggang ngayon eh hindi pa rin sinasagot ni Lyra si Nathan dahil na rin sa agwat nila sa isa't-isa. Sa tingin nila ay mahihirapan lamang sila kung ganun lamang ang gagawin nila.
Nathan's POV
"Lyra, miss na kita." sabi ko.
Ako nga pala si Nathan Mercado. Meron akong simpleng buhay. May kaya sa buhay.
"Makakapag-intay ka naman diba?" tanong ni Lyra. Ang babaeng minamahal ko kahit ilang libo pa ang distansya namin sa isa't-isa.
Matagal ko na ring nililigawan si Lyra. Simula pa siguro nung high school kami?
Ganyan katatag ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit ilang taon pa ang lumipas. Eh college na kami ngayon at gagraduate na kami next month! Yiee!
At pagkatapos namin grumaduate! UUWI NA ANG PINAKAMAMAHAL KONG LYRA!
Nasa states kasi sya. Dun sya nag-aral ng college. Mayaman kasi sila. :3
Kahit marami ang manliligaw ni Lyra, hindi nya iyon pinapansin kasi alam ko namang ako lang ang mahal nya! Hahaha!
"Kung meron lang sana akong time machine." narining ko na biglang sinabi ni Lyra. Nagska-skype kasi kami. <3
"Oh? Bakit mo naman biglang naisipan na sana meron kang time machine?" tanong ko sa kanya.
"Para mapabilis ko ang oras. Para maka-uwi na agad ako dyan at makita na ulit kita." sagot nya na may bahid ng lungkot sa mukha nya.
Parang napa-isip din ako dun. Paano nga kaya kung may time machine ano? Ano kaya mangyayari?
"Ay, teka Nathan. Tinatawag na ako ni Kuya. Sige. Bye!" sabi nya at hindi pa ako nakakapag-sabi ng Bye eh pinatay nya na. (-_-)
Matutulog na lang muna ako. Wala naman kasi akong gagawin eh. Kung sa bagay naman eh tapos na kami mag-usap ng Maylabs ko. Haha. Jk.
Lyra's POV
"Lyra! Punta ka muna dito! May naghahanap sa iyo!" sigaw ni Kuya mula sa baba. Eh! >.< Kita namang may kausap pa ako eh. (-_-)
"Ay, teka Nathan. Tinatawag ako ni Kuya. Sige! Bye!" sabi ko at dali-dali ko nang pinatay yung laptop.
"Ang bagal ah!" sigaw ulit ni Kuya.
"Teka nga kuya James! Di naman kasi kami magkamag-anak ni Flash kaya pwede intay? Hay! Magkaka-wrinkles ako sayo!" sigaw ko kay Kuya James.
Teka?!
Kanina pa ako salita ng salita pero di nyo pa ako kilala. Teka? Kilala nyo na ba ako? Sige. Magpapakilala muna ako.
Hi! I am Lyra Monteverde. A college student. Maganda. Pretty. Glamorous. Ay? Lahat na! Haha.
"Hoy Lyra! Bilisan mo nga dyan!" sigaw ulit ni Kuya.
"Grabe kuya! Ano ba problema mo at kanina ka pa sigaw ng sigaw. Nandito na ako oh! Atsaka sino ba naghahana--- OH MY GOD!!! CASSYYYYYY!!!!" sigaw ko mula sa pintuan. Sya nga pala si Cassandra Cruz. I called her Cassy kasi sobrang haba ng name nya. Ikaw nga! Try mong isigaw yung Cassandra. Tingnan lang natin kung hindi ka mapagod o mapanis ang laway. Haha. :3
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi ay nasa Pilipinas sya. Papaanong napapapunta yun dito?
"I just wanted to see my bestfriend. Miss na kasi kita!" sabi ni Cassy.
Sabagay, mayaman sina Cassy. Kagaya namin sila. Kasosyo nina Mommy at Daddy ang pamilya nila sa business nila kaya naging mag bestfriend kami.
"Ahh. Ganun ba? Buti naman at napadpad ka dito. Bored na bored na kasi ako dito at wala akong halos makausap na matinong tao dito maliban kina mommy at daddy." sabi ko sabay tingin kay Kuya. Actually, sya yung pinaparinggan ko. :3
"Ah ganun? Hindi pala ako matino na tao? Ano na lang tawag sa iyo Lyra? Tss." tamo tong si Kuya! >.<
Lagi kaming ganyan. Walang araw, walang oras at walang segundo na hindi nya ako inaasar o inaaway. Lagi namang ganun eh. :3 Ganun nga siguro ang magkapatid?
"Ohh. By the way Lyra, 1 week lang ako dito. Hindi kasi ako pwedeng magtagal. Umabsent lang ako sa school eh. Ang paalam ko sa mga prof ko eh 1 week lang ako mawawala kaya susulitin na lang natin ang oras magkasama. Right?" tanong ni Cassy. Tumango na lang ako.
"Mga babae nga naman." sabi ni kuya habang ngumunguya ng bubble gum.
"Hay nako kuya, kung wala kang sasabihin na matino, feel free to go back to your room. Walang nagpipigil sa iyo." sabi ko. Mukhang napikon na si Kuya James at pumunta na nga sa kwarto nya. Buti naman. :3
"So? San tayo unang mamasyal?" tanong ko.
"Kahit saan?" sagot ni Cassy.
Then umalis na kami kung saan kami dadalhin ng mga paa namin. ^_^
Nathan's POV
"Hanggang kelan mo ba ako pag-iintayin?" tanong ko.
"Eh bakit? Tinanong mo na ba ulit ako?" tanong nya. Ni Lyra.
"Will you be my girlfriend?"
"Yes. YES!!!"
*krrrinnggg!!!*
Ay lecheng alarm clock! Sinagot ni ako ni Lyra eh! Saka naman tumunog! Loko yun ah! Balibag ko yang alarm clock na yan eh. -_-
Aayusin ko na nga gamit ko.
"Nak! Kain ka na!" sigaw ni Mama.
"Sige po!" sigaw ko din. Eh di sigawan muna kami. (-_-)
"Anak? Mukhang masaya gising mo ah?" tanong ni Mama.
"Alam mo ba mama! Napanaginipan ko si Lyra! Sinagot nya na daw ako!!!" sabi ko habang inaalog ko si Mama.
"Kalma ka anak. Panaginip lang yun. Ano ka ba! Aasa ka nanaman! Hay anak." sabi ni Mama.
Ewan ko din ba. Basta ang alam ko. Sasagutin ako ni Lyra kasi alam kong mahal nya rin ako. :D
---
First ever K-POP story here in Wattpad. Sana po ay suportahan nyo. :'D I need votes and comments. Suggest din po kayo ng maari kong gawin para mag-improve ang story ko. :')
Please vote and comment para po ma-inspire naman ako sa paggawa ng story. <3 choss! XD
Vote.Comment and be a Fan.
-glamorousJanine
BINABASA MO ANG
A Million Distance Away [Completed]
Fiksi PenggemarDistance never separate two hearts that really care. Ito ang laging sinasabi ng dalawang taong magkalayo sa isa't-isa dahil kahit gaano man kalayo ang agwat sa isa't-isa. Hindi hadlang ang distansya sa pag-iibigan ninyong dalawa. Subabybayan natin a...