Chapter 6

409 19 3
                                    

Someone's POV



Tulad ng dati, masayang naglalakad ang magkakaibigan na sina Adrian, Francis at Nathan. Maingay, nagtatawanan at walang pakialam sa mundo.




Hanngang sa may naramdaman sila.




"Bro..." bulong ni Francis sa kanyang mga kaibigan na halatang kinakabahan.




"May napapansin kayo?" bulong pabalik ni Adrian na kanina eh masaya at maingay.




"May sumusunod sa atin." pagkasabi ni Nathan na may sumusunod sa kanila eh kinabahan naman silang lahat na parang kahit anong oras eh matitigilan ng hininga.




Tumingin sila sa likod pero wala naman kaya tumawa ng malakas si Adrian.




"HAHAHA! WALANG TAO MGA PAR! MAG FEELINGERO KAYO NA MAY SUMUSUNOD SA ATIN! HAHAHA! BALIW!" sigaw ni Adrian habang tumatawa.




Napatawa na rin si Nathan.




Pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Francis dito. Hindi naman sa paranoid lang si Francis pero ramdam nya lang talaga na may sumusunod sa kanila.




"Tumahimik ka dyan Adrian. Bilisan mo na." sabi ni Francis habang nagmamadaling maglakad.




"OA ka Francis ah. Sinabi ngang walang tao eh! Kitams? Walang tao. Ilang beses ko pa uulitin. Kahit sumigaw pa ata ako dito eh walang tao. Gets?" sabi ni Adrian. Hindi talaga nakakampante ang utak ni Francis.




Naglakad ulit sila ng napansin ni Adrian na wala na ang ihahatid nila na si Nathan.




"Si Nathan?" tanong ni Adrian.




"Nandyan lang si Natha---" naputol ang sasabihin ni Francis dahil pagtingin nya sa likod eh wala doon si Nathan.




Dito na nag-umpisang kabahan si Francis.\




"DIBA KASUNOD MO LANG SI NATHAN KANINA?!" sigaw ni Francis kay Adrian.




"Aba makay ko. Baka nauna na sa bahay nila. Baka tumakbo." sagot ni Adrian. At mukhang kampanteng-kampante pa ito.




"Gago. Eh di sana eh nakita na nating tumakbo yun. Hahaha." natatawang sabi ni Francis.




"Baka naman nagtago lang?" sabi naman ni Adrian. Tumango na si Francis at hinanap nila si Nathan.




Mahigit limang minuto na silang naghahanap pero wala talaga silang makita hanggang sa...




"Hinahanap nyo ba ang kaibigan nyo?" boses ng babae na nagsasalita na di kalayuan sa kanila.




"Ahh. Oo. Nakita mo ba?" tanong ni Adrian. Sinapak naman sya ni Francis.




"Sira kaba?!" bulong na pagalit ni Francis kay Adrian.




"Bakit?" tanong naman ni Adrian.




Bumuntong hininga si Francis na wari'y nilalaksan ang kanyang loob para magsalita.




"Paano mo nalaman na hinahanap namin ang kaibigan namin?!" sigaw ni Francis.




"Hula?" patanong na sagot ng babae.




"Ano ka ba naman Francis. Hinuluaan lang pala eh." sabi ni Adrian.




"Nakita mo ba sya?" tanong ni Adrian.




"Oo? Huy!!!" sigaw nung babae ng babae at may biglang lumabas na apat na lalaki na may kapit na isang lalaki.




Hindi nagkakamali si Francis at Adrian sa nakikita nila. Sigurado syang...

A Million Distance Away [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon