Chapter 41

170 9 4
                                    

Nathan's POV





Pakiramdam ko mamamatay na talaga ako sa nerbyos.





Habang buhat ko kasi si Lyra hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala.



Lalo na nung sinabi nya na gusto nya magpahiga at ipikit ang mga mata nya.







Pakiramdam ko kasi nag-papaalam na sya eh.





Puso: Nega ka ah.
Isip: Patay agad? OA lang?
Puso: Think positive kasi Nathan. Ano ka ba?





Think postive? Paano pa ba ako makaka-think postive sa mga nangyayari. (T_T)






Nagmadali akong maglakad para makalabas na agad kami at madala na si Lyra sa ospital. Hindi ko hahayaang mamatay si Lyra. Pag talaga, nakuuuu! Sinasabi ko sa inyo! Susunod talaga ako!






Hindi ako nagbibiro ah!






"Konti na lang Lyra. Konti na lang. Malapit na tayo dun sa pintuan." bulong ko sa kanya. Hindi ko na iisipin na mabigat si Lyra. Sexy kaya ng girlfriend ko. (^_^)





"Huy Nathan! Kalma sa pagtakbo! Di naman tatakbo yang pinto! Hahaha!" sabi ni Kuya James.





Umiling na lang ako.






Sya yung kapatid pero parang kalmado lang sya sa nangyari kay Lyra? (-_-)





Hayy, bahala sila dyan ni Cassy. Mag-sweet moments muna sila dun at kailangan ko na talagang dalhin si Lyra sa ospital.






NAGPAPANIC NA TALAGA AKO! HINDI LANG HALATA! (>_<)






Nababaliw na ata ako.






Pinihit ko yung doorknob. Buti naman bukas. Naku! Sisipain ko talaga yun pag hindi bukas. (-_-)






"ANO NANGYARI KAY LYRA?!" sigaw bigla ni Steph nung pagkakita nya agad sa amin.






"Bakit walang malay si Lyra?!" tanong naman ni Adrian.





Bago pa ako makapag-salita eh nagsilapitan na agad sila.






"BAKIT MAY TAMA NG BARIL SI LYRA?!" sabay-sabay nilang sigaw. (-_-)





"Ipapaliwanag ko na lang mamaya. Padaanin nyo muna ako at pupunta tayong ospital!!!" sigaw ko sa kanila at buti naman at nagpadaan sila.






Agad akong sumakaya sa van buhat ang walang malay na si Lyra.







"Bilisan nyo naman ang pagdadrive!!!" sigaw ko kay Allan na ngayon eh nagdadrive.






"Ito na nga. Bibilisan na!" sigaw nya din pabalik sa akin.






Binaling ko na lang ang tingin ko kay Lyra. Hindi ko kayang nahihirapan si Lyra.





Kung pwede lang na ako na lang ang tinamaan ng bala. Pero bakit hindi?






Hindi dapat si Lyra ang nagdudusa ng ganito.







Sa totoo lang naman, ako naman ang may mali eh.






Kung hindi sana ako pumayag dun sa sinabi ni Cassy. Hindi sa aabot sa ganito.






Sana mayroon kaming normal na buhay ngayon.





Isip: Teka? Abnormal ka ba?
Puso: Pwede ba? Tumahimik ka naman kahit konting oras lang? Please?

A Million Distance Away [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon