KAELYN'S P.O.V.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa room namen bumungad na agad ang mga haliparot kong classmates. Di naman ako chismosa pero nakiusyoso na ako.
"Uy may laban daw yung salamanders bukas ah!!" sabi ng isang gurl, with matching kilig effect pa. Aba! wag na wag mong pinagpapantasyahan ang Jacob ko!
"Yiiiieeeeee! panonoorin ko un!" dagdag pa nung isa. Psh.
"I cheer natin sila ah! bka sakaling mapansin nila tayo!!" asa ka 'te.
Maaga akong pumasok ngayon kasi sobrang excited talaga ako! remember sabi niya kahapon sabay daw kami! Ay anubayan nagagaya na tuloy ako sa mga classmates ko.
"Aaaaaahhhh!!! anjan na silaaa!!" nagulat ako sa tili ng clasmeyt ko. Sarap tapalan ng basahan ung bibig. Kulang na lang eh himatayin sila dito sa harapan ko. Napatakip tuloy ako ng tenga ng wala sa oras.
Napatingin ako sa parating, para mas makita ko sila. Tama nga sila hindi lang si Jacob ang gwapo kundi lahat silang mga Salamanders. :">
Natameme ako sa kinatatayuan ko..
OH MY GOSH!!!
Kinindatan niya ko!
Napatingin bigla sakin yung mga classmate ko!
"waaah! ang swerte mo naman!"
"close ba kayo?"
"pakilala mo naman ako sa kanya!"
"may something ba sa inyo?"
"sana ako na lang ikaw!"
grabe naman kayo, parang kinindatan lang eh! Pero sabagay, di naman niya ko kikindatan kung walang meaning yon eh! kyaaaah! >.<
"Kyaaaaaaaaaah!" napatingin silang lahat sakin tapos tumahimik. Nakaalis na pala yung Salamanders! pero ako naka pikit parin at tumitili! waahh! nakakahiya!
"ay anubayan!"
"grabe naman siya!"
"nakakagulat!"
Nagbalikan na sila sa mga upuan nila. Nakakahiya talaga! yung mga mukha nila parang disappointed na ewan.
"Huy! loka loka ka talaga! mukha kang eng eng! ano bang pinaggagagawa mo??" nalilitong tanong sakin ni Isabelle, kararating lang kasi kaya walang alam sa nangyari.
"Dumaan kasi yung Salamanders kanina! nakita ko naman si Jacob! Buo na araw ko!" sabi ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.
"Sayang ngayon lang ako dumating! ay teka may kailangan kang ikwento sakin!" she said tapos tinignan ako ng mapangasar na tingin. Nakita niya kaya yung kahapon? >.<
"Alam ko iniisip mo! oo nakita ko yung kahapon, kaya magkwento ka mamaya!" ito talagang bestfriend napakabilis ng utak!
Buti na lang dumating na yung first period teacher namen kundi hindi ako tatantanan neto ni Isabelle.Mas matindi pa nga sakin kung kiligin eh! kaya nga lab na lab ko yan ih!
"Okay class, in this activity, you are going to have a partner." sabi ni Maa'm habang dine-demo yung gagawin sa Activity namin.
Yung mga classmates ko parang mga batang excited na excited. Ang ingay nga eh! paano ba naman kasi, hanapan ng partner dito, hanapan ng partner dun!
