Chapter 4: Fight

46 4 0
                                    

Jacob's P.O.V.

Kasalukuyan akong nasa school garden ngayon kasama sila Mike.

"Alam nyo parang ayoko na yatang ituloy yung plano naten. Ewan ko ba kung bakit! Basta feeling ko hindi magandang idea yun eh." Pagkasabi ko nun napatigil sila sa kanya kanya nilang topic. Nagulat siguro sa sinabi ko.

"Huh? bakit naman? Meron ka bang ibang planong naiisip?" balik tanong naman saakin ni Joshua.

"Sa totoo lang Josh wala akong ibang idea na naiisip sa ngayon." .

"Eh yun naman pala eh, edi,wag mo nang i-stress yang sarili mo, baka mamaya himatayin ka na lang diyan!" Paglolokong saad saakin ni Joshua.

Ewan ko, siguro nga. Nagiguilty lang kasi ako. Paano kung magkabalikan nga kami ni Ashley? Paano ko sasabihin kay Kaelyn na ginamit ko lang siya, na ginamit lang NAMIN siya. Hay, naku ewan!

Maaga pa naman eh, wala pang masyadong estudyante. Maglilibot na lang muna siguro ako. 7:30 pa naman ang start ng classes eh.

Teka speaking of time, nasaan na nga ba yung relos ko?

Ah, naalala ko na, iniwan ko pala kahapon sa locker bago ung practice namin. Makuha nga, para malaman ko kung anong oras na.

Papunta na sana ako sa locker ko nang marinig ko ang dalawang taong naguusap. Di inaasahang napatigil ako. Ewan ko pero parang mayroong part saakin na gusto kong pakinggan yung naguusap.

"Yayayain sana kita saamin gusto kitang ipakilala kay mommy." sabi nung lalaki. Nakatakip yung pinto nung locker kaya di ko makita kung sino siya.

" Yeah sure! gusto ko din naman makilala ung mommy mo eh. Sunduin mo na lang ako sa room namen." sagot naman nung babae, na parang kilala ko ung boses.

"Thanks. Pero paano nga pala kapag nakita ako ng boyfriend mo?"

"Ano ka ba? sa tingin mo ba, papayag akong ligawan mo ako kung may boyfriend pa ako? Break na kami kaya wala ka nang dapat na ipagalala." sabi nung babae.

Sumilip na ako dun sa maliit na space para makita kung sino ang dalawang naguusap.

"Ganun ba? paano kayo nagbreak?" so si Sky pala yung lalake. Varsity din siya pero di kami close.

Umurong ako ng kaunti para makita ko kung sino yung kausap niya.

"Di na mahalaga yun, so mamaya ah. Ayoko ng late! hahahaha!" hindi maari.Hindi ko inaasahan ang nakita ko s-si ASHLEY..

Pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari, hinalikan niya si sky sa pisngi.

Di ko na napigilan ang sarili ko, lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko. At halatang nagulat sila nang makita ako. Lalo na si Ashley.

"J-jacob k-kanina ka pa ba diyan?" nauutal na tanong ni Ashley sa akin.

"Oo at narinig ko ang lahat. Ikaw naman ang kapal ng mukha mo!" di ko na nakontrol ang galit ko agad ko siyang sunugod at sinapak sa pisngi.

"Ano bang problema mo ha? at basta basta ka na lang sumusugod ha?!" sigaw sa akin ni Sky habang pinupunasan ang dumudugo niyang labi.

"Eh tanga ka pala Eh!" pagkasabi na pagkasabi ko nun, sinapak ko ulit siya pero nakailag siya.

Agad niya akong naitulak at napahiga ako. Aminado ako, malakas siya dahil isa din siyang Varsity player pero di naman ako magpapatalo. Sa di kalayuan ay nakita ko si isabelle, yung bestfriend ni Kei. Dun yata sa entrance sa likod dumaan, at halata sa mukha niya ang pagkagulat. sandali siyang napatigil at tinignan kami.

.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon