"Woooh!! Go Jacob!! kaya mo 'yan! Go Team Salamander goooo!!" patuloy lamang si Kaye sa pagchicheer kay Jacob. Mukha man siyang shunga ay ayos lang mapakita niya lamang ang suporta sa binata.
" Uy, girl tigilan mo na nga 'yan! dapat pala di na lang kita sinama kung ikaw lang din naman pala ang magiging dahilan para maging center of attraction tayo." nahihiyang suway ni Kim sa kaibigan.
"Ang kj mo! Magcheer ka na lang din! at tsaka kahit di mo ako isama, pupunta parin ako, para maparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko noh!, Wooh! galeenngg! kita mo yun! 3 point shot!" sagot ni Kei sa kaibigan nang hindi lumilingon. Nakatuon lamang ang pansin nito kay Jacob na patuloy sa pag lalaro.
At sa wakas, natapos narin yung laro. And as usual nanalo yung grupo nila Jacob laban dun sa mga Visitors.
"Congratulations! wala ka pa ring pinagbago." binati agad ni Kei si Jacob nang makalapit ito sa kanya.
Pero nakatuon lamang ang pansin ng binata sa isang banda dahilan para sundan niya din ito ng tingin. Bahagya niyang tinapik si Jacob at sa wakas ay napansin na rin siya nito.
"Ah! sorry, kanina ka pa ba diyan?" tanong nito sa kanya.
" Hay naku, sino ba iyang tinitignan mo at di mo na binibigyang pansin ang GIRLFRIEND mo??" may pangaasar na tanong ni Kaye kay Jacob in-emphasize niya tlaga yung salitang 'girlfriend'. Bagay na ikinagulat nito.
"G-girlfriend?! so ibig sabihin sinasagot mo na ako?" masayang tanong ni Jacob. Nagulat siya na sinagot na siya sa wakas ni Kaye, bagamat alam niyang matagal na itong may gusto sa kanya ay di niya inaasahang halos mag aapat na buwan pa lang ay sinagot na siya. Napagisip isip niya na masisimulan na niyang pagselosin si Ashley ngayong may Girlfriend na siya. Panibagong ideya na naman ang nabuo sa kanyang isipan.
"Oo, sinasagot na kita!" masayang sagot naman ni Kaye na nakakuha ng atensiyon ni Ashley na kasalukuyang nasa di kalayuan. Pinapanuod niya lang ang dalawa.
"Thank you and I love you." sabi ni Jacob at agad na niyakap si Kaye nang mapansin niyang kanina pa sila pinapanood ni Ashley.
"I love you too." sagot ni Kei at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Jacob.
Sa mga oras na iyon, grabe ang saya na nararamdaman ni Kaelyn. Pang siya ang sinagot, samantalang siya ang niligawan. Parang ayaw na niyang matapos ang mga sandaling iyon.
----
Someone's P.O.V.
Tsk. Tinuloy padin pala niya yung plano niya, pasaway talaga. Wala paring pinagbago. Gagawin parin ang lahat para sa first love niya. Kailangan makagawa ako ng paraan.Pero paano? paano nga ba? paano ko sasabihin kay Kaelyn na ang lalaking minamahal niya ngayon at inaakala niyang minamahal rin siya pabalik ay nagpapanggap lang? haay! ang hirap naman neto.
Pero isa lang ang alam ko.Hindi ko hahayaang masaktan niya ang babaeng walang kaalam alam sa kalokohan nilang magka kabarkada, hindi ko hahayaang saktan nila ang babaeng walang ginawa kundi mahalin siya, di ko hahayaang saktan niya ang babaeng GUSTO KO AY HINDI PALA ---- MAHAL KO.
-------
Jacob's P.O.V.
"High five!!! hindi lang dahil panalo na naman ang magigiting na Salamanders, kundi dahil narin sinagot na ni Kaelyn si Jacooobb!!" Nakakatuwa naman maayos ang lahat gaya ng plano.
At nakakatuwa rin dahil nakikita kong nagseselos nga si Ashley. Gumagana ang plano. Kasalanan niya, bakit ba kasi siya nakipag break sa akin para lang sa Sky na iyon. Eh puro yabang lang naman ang alam. Di hamak na mas gwapo naman ako dun.
Kanina nung natapos ang laban namin, inaasahan ko talagang lalapitan ako ni Ashley para i-congratulate, yun naman kasi ang tipikal na ginagawa niya manalo o matalo man ang Salamanders. And I thought I really got used to it. Pero wala, yung Sky na yun parin ang nilapitan niya, eh halata namang nagselos noong makita niyang niyakap ko si Kaelyn. Simula pa lamang iyon. Gagawin ko ang lahat para siya mismo ang makipagbalikan sa akin. Bigla tuloy akong napangiti. Pagsisishan niyang nakipag-break pa siya sa akin.
"Uhm, hello! congratulations nga pala sa inyo Salamanders! pinanood ko yung laro niyo at ang galing niyo talaga!" napatigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang boses niya. Oo natuwa ako na binati niya kami, pero syempre di ko yun pinahalata.
Nagpasalamat naman yung mga kasama ko pero di ako umimik.
"Uy! parang wala kang naririnig ah!" salita sa akin ni James. Epal talaga tong lalaking to. syempre joke lang!
"A-ah thank you. S-salamat." sabi ko naman at nahihiya man ay ngumiti ako.
"You're welcome!" sagot naman niya.
Maya maya lang ay napansin ko naman si Kaelyn na papalapit sa amin. Kailangan kong maging sweet sa kanya. Syempre para mas convincing.
"Oh, Kaye! buti dumating ka na! kanina ka pa namin hinihintay!" masiglang bati ko kay Kei pagdating na pagdating niya.
"Sorry, haba ng pila sa canteen eh! oh eto na yung snacks! sigurado nagutom kayo sa paglalaro! oh eto yung paborito mo! tenen! Cheesy!:>" sabi ni kei at iniabot na yung snacks sa amin. Hindi niya yata napansin na nandito si Ashley.
"Ang kati!! masyado na kasing matamis dito eh!!" pangaasar ni Joshua sa amin ni Kei.
"Sus. Tumigil nga kayo!" sabi naman ni Kei.
Napansin siguro ni Ashley na parang na a-out of place na siya kaya nagpaalam na rin siya sa amin.
"S-sige, una na siguro ako! may pupuntahan pa ako ee!" nahihiyang wika ni Ashley.
"Kararating mo lang aalis ka na agad? may problema ba?" parang may pangasar na tanong ni Joahua kay Ashley at bahagya akong siniko.
"A-ah, pumunta lang naman ako dito para icongratulate kayo h-hindi na rin naman ako magtatagal! sige alis na ako, bye!" nauutal na paalam niya saamin. Nagulat rin naman si Kei, pero di na lang siya umimik.
----
Ashley's P.O.V.
Hindi ko alam pero parang kinukurot yung puso ko nang makita kong sobrang lapit nila Jacob at Kei sa isa't isa. Parang nakaraan lang ako ang kasakasama niya tapos ngayon...
Nagngingilid na ang luha ko... Akala ko kapag nakipagbreak ako sa kanya magiging maayos ang lahat! sa ngayon, di na ako nagiging masyadong aktibo sa klase kasi nawawalan na ako ng inspirasyon.
Kanina lang din noong nasa Gym kami ay gustong gusto kong lumapit sa kanya at asikasuhin siya katulad ng dati kaso.. naunahan na ako ni Kei, lalapit pa sana ako kaso nakitang ko niyakap niya si Kei, na lalong ikinasakit ng puso ko..
Naalala ko dati.. T__T.
Nandito ako sa Ladies' CR at dito ko iniyak lahat.
naalala ko nung lagi siyang ppumupunta sa bahay.,.
lagi niya akong binibigyan ng letters at iba pang stuffs....
siya yung kasabay ko papasok at pauwi....
pero nagyon wala na....
sila na nga yata eh....
</3
ouch lang.
-----
Author's Note: Sorry po kung sa tingin niyo ay medyo mabilis ang pangyayari, ayoko po kasing masyadong pahabain ee! so, enjoy reading Begin Again! labya! ;)
begin again <3