Chapter Fourteen - The Revelation

490 13 3
                                    

Chapter Fourteen - The Revelation

“Bella, balita ko, pupunta ngayon si Manang Auring para manghula. Halika, magpahula ka.” Si Nancy, pinsan ko.

“Nancy naman. Alam mo namang hindi ako naniniwala sa hula, di ba?”

“Eto naman. Try mo lang. Malay mo, may matuklasan ka. Baka makilala mo na ang mapapangasawa mo.”

“Bakit ba mapilit ka?”

“Kasi naman, ikaw na lang ang walang asawa sa ating magpipinsan. Si Ate Anne mo, ikinasal na.”

Hay, ang kulit ni Nancy. Mapagbigyan na nga.

“Sige na nga. Ngayon lang ito ha.”

Maya-maya ay dumating na si Manang Auring. Sa balkonahe nina Nancy niya ako huhulaan.

“Hmm... may nakikita akong tatlong lalaki. Itong una, mahal ka niya, pero di mo siya mahal. Malapit lang kayo sa isa’t isa.”

Agad kong naisip si Andy. 

“Itong isa, malaki ang agwat ng edad sa yo. Gustung-gusto ka niya. Malayo siya. Nasa abroad. Gusto ka niyang pakasalan.”

Nagulat ako sa sinabi ni Manang Auring. Paano niyang nalaman na may kapenpal ako sa abroad? Di kaya naikukwento sa kanya ni Nanay?

Naalala ko tuloy si Frank, tito ni Alice na nasa abroad na inirereto sa akin. Naging penpal ko siya dahil ipinadala ni Alice ang picture ko sa kanya at bigla na lang siyang sumulat.

“Itong huli, nasa abroad din siya. Ito ang tunay na nagmamahal sa yo. Gusto niya, sulatan mo siya.”

Tiningnan akong mabuti ni Manang Auring.

“Alam mo, di ko alam kung anong nasa isip mo. Binabasa ko lang ang baraha. Sinasabi ko rin kung ano ang nararamdaman ko. Pero di malinaw ang nakikita ko. Wag mo sanang pigilan ang emosyon mo.”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako maaaring magkamali. Si Edward ang tinutukoy niya.

“Mahal mo ba siya?”

“Ho?”

“Yung huling lalaking binabanggit ng baraha. Mahal mo ba siya?”

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kaya’t muli siyang tumingin sa baraha. At maya-maya ay muli siyang nagsalita.

“Mag-aasawa ka nang mas matanda sa yo pero di naman naglalayo ang edad nyo. Di ko masyadong mabasa. Kung gusto mo, babalik ako dito sa Biyernes para mas lalo kong maipaliwanag sa yo.”

Waiting for Destiny (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon