Chapter One - At Lola's House

752 21 4
                                    

Chapter One – At Lola’s House

Grade three ako noon nang may isang batang lalaking maputi, makinis, tuwid ang buhok at payat na napadako sa bahay nina Lolo at Lola, na malapit sa aming bahay. Pamangkin siya ng napangasawa ng tita ko na tito niya. Madalas siyang kasama ng tito niya kapag dumadalaw kay Lola.

Natuwa ako sa kanya dahil napakamasunurin niya. Di kami personal na magkakilala, subalit madalas kaming nagkikita sa bahay nina Lolo at Lola. Edward and pangalan niya. Pareho ang eskwelahang pinapasukan namin. Nauna siya ng isang taon sa akin. Madalas ko siyang nakikita sa paaralan kasama ang kanyang mga kaibigan. Naaaliw ako kapag nakikita ko siya. Napakaamo ng kanyang mukha. 

Nang minsang nagluto ng pansit si Tita Angie, siya ang pinagdala nito kay Lola. Nagkataong nandoon ako at nanonood ng TV. 

“Lola, pinabibigay po ni Tita Angie,” narinig kong sabi niya.

“Bella, pakikuha mo nga yon at ilagay mo sa mesa,” utos naman ni Lola.

Wala akong nagawa kundi sundin si Lola. Nang aabutin ko na yong bandehado ng pansit na hawak niya, parehas kaming umiwas na tingnan ang isa’t isa. Nagkahiyaan kami.

“S-salamat,” ang nasabi ko.

Bigla siyang tumalikod at wala man lang sinabi. Napangiti ako. Mahiyain pala talaga siya.

“O, nasan na si Edward?” tanong ni Lola.

“Bigla pong umalis pagkabigay ng pansit, e.”

“Ang batang iyon, napakamahiyain pag nakakakita ng babae,” natatawang sabi ni Lola.

“Lola, matagal nyo na po ba siyang kilala?” usisa ko.

“Aba’t ikaw na bata ka, di mo ba alam na magkamag-anak kayong dalawa?”

“Po? Paano pong nangyari yon? Pamangkin lang naman siya ni Tito George, di po ba?”

“A, basta magkamag-anak kayo, tapos!” sigaw ni Lola.

Papaano nga kaya kami naging magkamag-anak? Si Lola talaga, masyadong palaimbento ng istorya.

“Tawagin mo na ang mga pinsan mo nang makapagmeryenda,” utos ni Lola.

“Opo, Lola.”

Bakit kaya palagi na lang galit at nakasigaw sa akin si Lola? May ginawa ba akong masama sa kanya? Minsan naiisip ko, di niya ako tunay na apo. Ang sungit-sungit niya sa akin, pati na sa aking mga kapatid.

Waiting for Destiny (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon