Chapter Eight – In A Relationship
Kinagabihan, tumawag si Edward.
“Hello, Bella!” Si Edward.
“Hi, Edward! Thank you sa padala mo ha. Nagustuhan ko lahat.”
“As in lahat?”
“Oo naman. Thank you sa DVD saka sa chocolates,” natatawa kong sabi.
“Talaga? Paano mo naman nalamang sa yo nga yon, aber?”
“Ha? Feel ko lang na talagang para sa akin yon. Totoo, di ba?”
“Yeah, right! Sa yo nga yon. Sinadya kong isama yon sa pinadala kong package kina Tito George. Nagustuhan mo ba?”
“Sobra! Thank you, thank you, thank you, Edward!”
“Thank you lang? Wala bang kiss?”
“Ha? Anong sabi mo?”
“Kiss. Bakit? Masama bang humingi ng kiss?”
“Oo. Kasi di mo naman ako girlfriend, di ba?”
“So kapag girlfriend na kita, pede na akong makahingi ng kiss?”
Bigla akong namula sa sinabi niya. Di agad ako nakapagsalita.
“Bella, are you still there?”
“Ha? Oo.”
“Talaga? Sinasagot mo na ako? Girlfriend na kita. Yes!” tuwang-tuwang sigaw nito.
“Teka, teka! Ano bang pinagsasabi mo? Girlfriend? Ako? Sinagot ko lang naman ang tanong mo, di ba?”
“Yon na rin yon, Bella.”
“Edward, okay ka lang ba? Parang may mali e!”
“Mali bang maging girlfriend kita?”
“Di ka naman nanliligaw a!”
“Di pa ba sapat yong pagtatawagan natin? Kulang pa ba?”
“Sa phone lang naman tayo nag-uusap. Ni hindi pa ulit tayo nagkikita. One year na.”
“So, kelangan pa palang umuwi ako at pumunta sa bahay nyo bago maging tayo, ganoon ba yon?” may bahid ng lungkot niyang sabi.
Bigla akong kinabahan. Anong ibig niyang gawin ko?
“Edward...”
“I love you, Bella! Totoo itong nararamdaman ko para sa yo. Please believe me,” nagmamakaawa niyang sabi.
Parang tinusok ng karayom ang puso ko pagkarinig ng mga salitang yon sa kanya.
“Edward, please give me time,” pakiusap ko.
“How much time, Bella? I can’t wait. Please answer my question now. Will you be my girlfriend?”
Parang naumid ang dila ko. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Ito na ba yong hinihintay kong pagkakataon?
“Y-yes!” biglang lumabas sa bibig ko.
“Oh! You made me happy. I want to kiss you and hug you, Sweetheart!” narinig kong nagsisigaw siyang muli at parang nagtatalon pa siya sa tuwa.
Walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ko. This is it!
“I love you so much, Sweetheart!”
“I love you too, Edward!”
“I want to feel your love for me, Sweetheart. Please kiss me,” pakiusap niya.
Di na ako nagdalawang isip. Hinalikan ko siya sa phone?
“Ang sarap! Thanks, Sweetheart!”
Ang saya-saya ko. Narinig ko na ang mga salitang nais kong marinig sa kanya. And we’re officially in a relationship now. Mahaba pa ang naging kwentuhan namin that time. Inabot kami ng hatinggabi sa pag-uusap. Palitan ng matatamis na mga salita.
BINABASA MO ANG
Waiting for Destiny (Complete)
FanficHe was with me and I didn't recognize him. He left and my heart went with him. Through the years I was bound by my uncertain love for him. Are we meant to be? Is he my destiny?